MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PANDEMYA – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling kwento pambata tungkol sa karanasan ngayong pandemya (Covid-19) ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.
Ang mga maikling kwento tungkol sa pandemya ay nagpapakita ng mga karanasan ng mga tao sa panahon ng pagsubok. May mga malungkot at masayang karanasan ang mga tao na siyang kapupulutan natin ng aral at inspirasyon. Kaya pasalamatan din natin ang mga frontliners na tumulong sa napakaraming Pilipino sa panahon ng pandemya.
Sana ang mga maikling kwentong pambata tungkol sa pandemya ang magsilbing inspirasyon upang mas mahalin at pahalagahan pa natin ang ating mga kaibigan, magulang at kapwa-tao. Pahalagahan at bigyang atensyon ang mga bagay at taong minsan lang natin nakasama upang maipadamana din natin sa kanila na may pandemya man o wala ay mahalaga at mahal natin sila.
5 Halimbawa Ng Maikling Kwento Tungkol Sa Karanasan Sa Pandemya (Covid-19)
Time needed: 5 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pandemya (Covid 19).

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Maikling Kwentong Pambata Tungkol sa Pandemya (Covid 19). Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa karanasan sa panahon ng pandemya.
1. Mga kuwento tungkol sa COVID-19
Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba
Bago ang COVID-19 pandemya, parating nagtatrabaho si Lilia Antazo. Lumipat sa Estados Unidos ang 72 taong gulang Pilipinang dayuhan kasama ang kanyang asawa at pinaka batang anak noong 2001. Simula noon, nagtatrabaho siya bilang isang pribadong tagapag-alaga.
Nagluluto ng pagkain, naglilinis ng bahay at namimili siya para sa mga pasyente niya. Binibigyan niya sila ng gamot at inaalagaan niya sila na parang sarili niyang nanay, ayon kay Antazo. Pero nagbago ang lahat dahil sa coronavirus.
Kinuwento ni Antazo sa Borderless Magazine ang buhay niya sa gitna ng COVID-19 pandemya.
Lagi akong nakamaskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito tuwing natutulog ako…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Mga Kuwento Tungkol Sa COVID-19” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Mga kuwento tungkol sa COVID-19″ ni Lilia Antazo ay isang halimbawa ng maikling kwento sa karanasan sa pandemya (Covid 19). Ang maikling kwentong pambata tungkol sa pandemya na ito ay nagpapa-alala na huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).
2. Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19
“Gaano ba kalayo ang isang metro, nanay?” tanong ni Ella kay Aling Marie isang umaga.
“Bakit mo naman natanong, anak?” sagot ni Aling Marie habang naghahanda ng almusal.
“Narinig ko po kasi sa balita na kailangan daw po na isang metro ang layo tuwing pumipila sa mga pamilihan. Nakita ko rin po sa TV, nakaupo sila nang malayo sa isa’t isa. Bawal daw po munang magtabi-tabi para hindi mahawa o makahawa ng… virus nga ba ang tawag doon?” sambit ni Ella.
“Tama ang narinig at nakita mo. Pansamantala, hindi muna pwedeng maglapit-lapit ang mga tao dahil mayroong virus na sobrang liliit at hindi natin nakikita. Coronavirus ang tawag sa virus na ito.”
“Kapag mayroong virus na ito ang isang tao, pwede siyang magkaroon ng lagnat, ubo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19” ni Kate del Rosario ay isang halimbawa ng maikling kwento sa karanasan sa pandemya (Covid-19). Ang maikling kwentong tungkol sa pandemya ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).
3. Ang Mga Maskara Ni Miko
“Bakit po kaya ang lahat ng tao ngayon, nakasuot ng maskara, Tatay?” tanong ni Miko kay Mang Berto. “Pero bakit po kaya ilong at bibig ang tinatakpan ng maskara nila?”
“Bakit, Miko, ano ba ang dapat na tinatakpan ng maskara?” tugon ni Mang Berto.
Kinuha ni Miko ang kanyang “Batman” na maskara at isinuot. “Tatay, ako si “Batman”! Ang ganda po ng maskara ko!
Buong mukha ko ang natatakpan. Walang makakakilala sa akin kapag suot ko ito. Pwede po kayang ganito ang isuot nilang maskara?”
“Hahaha, nakakatuwa ka talagang bata ka. Tama! Pihadong walang makakakilala sa iyo ‘pag yan ang suot mo. Pero hindi pwedeng ganyan ang isuot ng mga tao,” natatawang sagot ni Mang Berto.
Kinuha naman ni Miko ang maskarang ginamit n’ya sa programa sa eskwelahan. “Ito na lang po! Tinahi ito ni nanay para sa costume ko. Maganda ito at makulay! Mga mata lang ang kailangang takpan. Hindi mahirap magsalita…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Mga Maskara Ni Miko” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Ang Mga Maskara Ni Miko” ni Kate del Rosario ay isang halimbawa ng maikling kwento ng karanasan sa pandemya (Covid-19). Ang maikling kwentong tungkol sa pandemya nagpapa-alala na huwag mawalan sa panahon ng pandemya (Covid 19).
4. Ikaw ang Aking Bayani
Bayani ni Sara ang nanay niya dahil siya ang pinakamagaling na nanay at pinakamagaling na siyentipiko sa buong mundo. Ngunit kahit ang nanay ni Sara ay walang mahanap na lunas para sa coronavirus.
“Ano ang itsura ng COVID-19?” tanong ni Sara sa nanay niya.
“Sa sobrang liit ng COVID-19, o coronavirus, hindi natin iyon nakikita,” sabi ng nanay niya. “Ngunit kumakalat ito sa mga ubo at bahing ng mga taong may sakit, at kapag hinawakan nila ang mga tao o bagay na nasa paligid nila. Ang mga taong may sakit ay nagkakalagnat at nagkakaubo at puwede ring mahirapang huminga.”
“Ibig sabihin ba noon, hindi natin iyon malalabanan dahil hindi natin ‘yon nakikita?” tanong ni Sara.
“Kaya natin iyong labanan,” sabi ng nanay ni Sara.
“Kaya kailangan kong masigurong ligtas ka, Sara.
Maraming uri ng tao ang tinatamaan ng virus, at makatutulong ang lahat sa paglaban natin dito. Espesyal ang mga bata at makatutulong din sila. Kailangan ninyong manatiling ligtas para sa ating lahat. Kailangan kitang maging bayani ko.”Humiga si Sara noong gabing iyon at hindi niya naramdamang bayani siya. Naiinis siya. Gusto niyang pumasok sa paaralan pero sarado ang paaralan niya. Gusto niyang makita ang mga kaibigan niya pero hindi ito ligtas gawin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ikaw Ang Aking Bayani” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Ikaw Ang Aking Bayani ay isang halimbawa ng maikling kwento sa karanasan sa pandemya (Covid-19). Ang kwento tungkol sa pandemya nagpapa-alala na huwag mawalan sa panahon ng pandemya (Covid 19).
5. Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus
May isang virus na pinaguusapan ng lahat. Naglalakbay ito sa buong mundo, nagbibigay ng sakit sa mga tao, at naghahasik ng takot at pangamba.
Mula sa isang tao, napakabilis na lumilipat ng virus na ito patungo sa susunod.
Masaya ako ng sinabi ni Ama na hindi masyadong delikado ang virus na ito para sa batang tulad ko.
Subalit nalungkot naman ng sabihin ni Ina na ang virus ay napaka-delikado para sa ibang tao, lalo na sa mga nakatatanda.
Ngunit sinabi ng mga magulang ko na lahat ay may maaaring makatulong upang supilin ang virus…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus” ni Hilary Rogers ay isang halimbawa ng maikling kwento sa karanasan sa pandemya (Covid-19). Ang maikling kwentong tungkol sa pandemya nagpapa-alala na huwag mawalan sa panahon ng pandemya (Covid 19).
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Sanaysay Tungkol Sa Pandemya
- Tula Tungkol Sa Pandemya
- Talata Tungkol Sa Pandemya
- Talumpati Tungkol Sa Pandemya
Summary ng Maikling Kwento Tungkol Sa Karanasan Sa Pandemya (Covid-19)
Ang pandemya ang masasabi kong nagpatigil sa mundo. Ang lahat ay takot at hindi alam ang gagawin o kung paano haharapin ang pagsubok na dala ng Covid 19. Siguro, tayo ay ginising ng Diyos upang pagnilayan ang mga pangyayari sa ating buhay na nakakaligtaan natin.
Kaya ang mga maikling kwento ay siyang inspirasyon natin upang maghanda dahil hindi natin alam ang maaari pang mangyari bukas.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.