MAIKLING KWENTO KAHULUGAN At Mga Halimbawa

Maikling Kwento Kahulugan – Sa tekstong ito ay ating malalaman kng ano ang maikling kwento kahulugan at mga halimbawa nito. Kasama sa mga halimbawa ng maikling kwento na tampok sa araling ito ay may angkop na aral para sa mga bata.

Ang maikling kwento ay isang magandang kwento na naglalaman ng gintong aral na maari nating maihahambing sa ating buhay na magugutuhan ng mga mambabasa.

Ano Ang Maikling Kwento Kahulugan At Mga Halimbawa
Ano Ang Maikling Kwento Kahulugan At Mga Halimbawa

Magandang halimbawa ang maikling kwento para sa mga maliliit na bata, isa ito sa mga paraan ng mabisang pagtuturo ng mabuting asal. Mula sa mga kwentong ito makakakuha ng aral ang mga bata tungkol sa tamang pag-uugali.

Ngunit, bago tayo magbasa ng ilang halimbawa ng maiking kwento, tayo ay magbalik-tanaw sa tunay na kahulugan ng maikling kwento.

Anu ang Kahulugan ng Maikling Kwento?

Ang kahulugan ng maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.

Sino ang Ama ng Maikling Kuwento?

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento”.

Ang maikling kwento ay tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Isa itong masining na anyo ng panitikan, isa itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Uri ng Maikling Kwento

May sampu ang mga uri ng maikling kuwento, ngaun ating isa-isahin ang sampung uri ng maikling kwento.

1. Sa Kwento ng Tauhan

Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Kwento ng Katutubong Kulay

Nagtatalakay ang kwento ng katutubong kulay tungkol kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Sa Kwentong Bayan

 Inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

4. Kwento ng Kababalaghan

Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

5. Kwento ng Katatakutan

Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. Kwento ng Madulang Pangyayari

Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Kwento ng Sikolohiko

Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

8. Kwento ng Pakikipagsapalaran

Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

9. Kwento ng Katatawanan

Ang kwento ng katatawanan ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

10. Kwento ng Pag-ibig

Sa kwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.

Bahagi ng Maikling Kwento

Narito ang bahagi ng maikling kwento.

Simula

Ito ay ang bahagi ng suliranin na siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Makikilala dito ang ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.

Gitna

Binubuo nito ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at dito rin kabilang ang kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin.

Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

binubuo ito ng wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot.

Gayunpaman, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para hayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kwento.

Maikling Kwento Halimbawa

Time needed: 5 minutes.

Mga halimbawa ng maikling kwento na kapupulutan ng aral at magandang ituro sa mga bata:

  1. Maikling Kwento tungkol sa Pamilya

    Ang aming koleksyon ng mga maikling kwento tungkol sa pamilya ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tauhan na kasapi sa pamilya.
    Maikling Kwento tungkol sa Pamilya

  2. Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

    Nakakakilig, nakakaaliw, nakakakaba, nakakabaliw. Ilan lamang iyan sa mga emosyong naidudulot ng pag-ibig sa atin.
    Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

  3. Maikling Kwento tungkol sa Pangarap

    Anuman ang ating pangarap o hangarin sa buhay, mahalaga na malaman na ang katuparan ng ating mga pangarap ay nasa ating mga kamay.
    Maikling Kwento tungkol sa Pangarap

  4. Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan

    Ang ating mga kaibigan ang madalas nating pinagsasabihan ng mga sekretong hindi natin masabi sa ating mga kapamilya. Halos lahat ng tao sa mundo ay may kaibigan o mga kaibigan na maituturing.
    Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan

  5. Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan

    Bawat bansa ay may maipagmamalaking tanawin. Dito sa Pilipinas, marami tayong maituturing na magagandang tanawin na hinahangaan at kinaiinggitan ng maraming banyaga.
    Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan

Karagdagang halimbawa ng maikling kwento na may aral para sa mga bata.

Halimbawa ng Maikling Kwentong Pambata

Maliban sa kahulugan ng maikling kwento, narito ang ilan sa mga halimbawa ng maikling kwento.

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.

Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya. Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Si Mariang Mapangarapin.

Aral ng Kwento:

Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.

Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.

Bakit Mataas ang Langit?

Noong unang panahon ay may mag-ina ang nakatira sa isang bahay-kubo. Ang anak na si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.

Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.

“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.

“Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Bakit Mataas ang Langit?.

Aral ng kwento:

Kung may ginagawa kang isang bagay ay gawin ito ng may kaayusan at huwag magmadali.
Sumunod kaagad sa pinag-uutos ng magulang upang hindi mapagalitan.
Mag-pokus sa anumang iyong ginagawa upang matapos mo ito sa tamang oras.

Halaman ng Pagmamahal

Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng duhat. Sa lilim nito sila’y nagkukwentuhan.

Sa tabi ng puno may isang balon na yari sa mga batong adobe. Ang labi ng balon ay halos pantay sa lupa. Bawal sa mga bata ang tumayo o maglaro sa tabi nito.

Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat. Kumikintab ang maitim na balat ng mga hinog.

Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar upang pagdating ni Rosa ay may ipapasalubong siya. Maraming mga hinog na duhat sa dulo ng maliliit na mga sanga.

Sa pagnanasa ni Malvar na mapitas iyon, napayapak siya sa isang sangang marupok. Nahulog siyang tuloy-tuloy sa balon. Nawalan siya ng malay tao. Kaya, kahit na mababaw lamang ang tubig sa balon, si Malvar ay nalunod.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Halaman ng Pagmamahal.

Aral ng Kwento:

Laging mag-iingat. Kung sa simula’t mula pa’y may malaking palatandaan na “Bawal Tumambay” na nakalagay malapit sa lugar kung saan namatay sina Malvar at Rosa, hindi na sana nagkakaroon ng malagim na pangyayari.

Mas mainam sana kung sa mas ligtas na tagpuan na lamang nagkita sina Malvar at Rosa. Sa ganitong paraan ay maaring naiwasan sana ang maaga nilang pagkamatay.

Laging magpaalam sa mga magulang o “guardian” kung saan kayo pupunta at kung sino ang inyong kasama upang mas madali kayong mahanap kung sakaling bigla ang inyong pagkawala.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment