Kapuri-puring Bata (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

KAPURI-PURING BATA – Ang maikling kwento na ito ay tungkol sa mga batang maagang namulat sa kahirapan. Tunghayan natin ang kanilang kwento na tiyak na aantig sa ating mga puso.

Kapuri-puring Bata (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Kapuri-puring Bata (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Kapuri-puring Bata.”

Kapuri-puring Bata

“Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong pagkaing pinananabikan ko, katulad ng mansanas at fried chicken…”

Tugon ito ni Ralph, Grade III – 1, ng Paaralang Bagong Barangay, nang siya ay tanungin ng kanyang guro sa Journalism kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang tatlong alkansiyang puno ng mga barya. Ito ay natipon niya sa pagiging batang-basurero.

Namumukod si Ralph, 10 taong gulang, sa mga ininterbyu ni Gng. Aida Escaja, isang tagapayo ng pahayagang pampaaralan.

Dalawang palagiang trabaho ang ginagampanan ni Ralph. Ipinagtatapon niya ng basura ang mga nakatira sa Bagong Barangay Tenement at errand boy sa palengke ng may bibingkahan sa kanilang pook…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Kapuri-puring Bata
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Ralph, Gng. Aida Escaja, Topher, Jun-jun, at ang guro.
Tagpuan:Ang mga tagpuan na nabanggit sa kwento ay ang “Bagong Barangay Tenement at palengke.”
Moral na aral:Mulatin sa kahirapan at turuan ang mga kabataan na maging matiyaga at masipag habang bata pa, sapagkat makakatulong ito upang sila’y maging matagumpay sa buhay.”

Banghay ng kwentong “Kapuri-puring Bata”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Ang tugon ni Ralph matapos itong tanungin ng kanyang guro kung ano ang gagawin nito sa kanyang tatlong alkansyang puno ng barya ay ibibili niya ito ng mga pinananabikan niyang pagkain.

  2. Ito ay kanyang natipon sa pagiging batang basurero. Si Ralph ay namumukod tangi sa lahat ng mga ininterbyu ni Gng. Aida Escaja.

  3. Dalawang trabaho ang ginagampanan ni Ralph. Ito ay ang pagtatapon ng mga basura ng mga nakatira sa Bagong Barangay Tenement at pagiging errand boy sa palengke.

  4. Napili ng mga guro ang isinulat nito para sa pamaskong isyu. Matalino ito kaya isa ito sa mga estudyanteng sinasanay ng mga guro upang maging kagawad ng patnugutan pagtuntong niya ng ikaanim na grado.

  5. Kasama ni Ralph sa pagtatapon ng basura sina Topher at Jun-jun. Naghahatian na lamang ang mga ito sa kanilang kita.

  6. Kapuri-puri ang tatlong ito dahil maaga pa silang natuto at nagising sa realidad ng buhay. Ayon pa sa kanilang mga magulang ay may isang taon ng nangungulekta ng basura ang tatlo.

  7. Ayon nga sa ating bayani na si Rizal, dapat na ituro na natin sa mga bata ang pagmamahal sa paggawa habang maaga pa.

  8. Maliit pa ang tatlong bata ay may direksyon na ang kanilang mga buhay. Sa pamamagitan ng pagbabanat nila ng buto ay may kinikita na ang mga ito. Makakapagtapos na ang mga ito ng pag-aaral, makakatulong pa ito sa kanilang mga magulang.

Kapuri-puring Bata – Aral

  • Mulatin sa kahirapan at turuan ang mga kabataan na maging matiyaga at masipag habang bata pa, sapagkat makakatulong ito upang sila’y maging matagumpay sa buhay.
  • Maging masipag at matiyaga ano man ang ating posisyon sa buhay.
  • Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral, dahil maraming mararangal na gawain ang pwedi nating gawin upang makatulong sa ating pag-aaral.

Kapuri-puring Bata – Buod

Ang maikling kwento na ito ay tungkol sa masipag na batang si Ralph at sa mga kaibigan nitong masisipag din na sina Topher at Jun-jun. Ang mga ito ay maaga pang nagbanat ng buto upang makapag-aral at makatulong sa magulang kahit papano.

Nagtatapon ito ng mga basura ng mga nakatira sa Bagong Barangay Tenement. Si Ralph ay may isa pang trabaho, ito ay ang pagiging errand boy sa palengke. Kapuri-puri ang tatlong bata na ito dahil bata pa sila ay may direksyon na ang kanilang mga buhay.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, sinasabi ng nagsasalaysay na maliit pa ang mga ito ay may direksyon na ang kanilang mga buhay. Hindi na ang mga ito makakatigil sa pag-aaral at nakakatulong pa sa magulang.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment