Isang Metro: Kwentong Pambata Ukol Sa COVID-19

ISANG METRO: KWENTONG PAMBATA UKOL SA COVID-19 – Ating basahin sa artikulong ito ang maikling kwento tungkol sa “Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19.” Tuklasin natin ang nilalaman ng kwento at alamin kung anong panibagong aral naman ang ating makukuha.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19 (Buod at Aral)
(Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng simulang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19.”

Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19

“Gaano ba kalayo ang isang metro, nanay?” tanong ni Ella kay Aling Marie isang umaga.

“Bakit mo naman natanong, anak?” sagot ni Aling Marie habang naghahanda ng almusal.

“Narinig ko po kasi sa balita na kailangan daw po na isang metro ang layo tuwing pumipila sa mga pamilihan. Nakita ko rin po sa TV, nakaupo sila nang malayo sa isa’t isa. Bawal daw po munang magtabi-tabi para hindi mahawa o makahawa ng… virus nga ba ang tawag doon?” sambit ni Ella.

“Tama ang narinig at nakita mo. Pansamantala, hindi muna pwedeng maglapit-lapit ang mga tao dahil mayroong virus na sobrang liliit at hindi natin nakikita. Coronavirus ang tawag sa virus na ito.”

“Kapag mayroong virus na ito ang isang tao, pwede siyang magkaroon ng lagnat, ubo….”

“…pananakit ng katawan, o mahirapang huminga”…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri sa Buong Kwento

Pamagat:“Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Ella, Aling Marie, Mang Lino, Julie, at Ben.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa “loob ng bahay nina julie.”
Moral na Aral:“Wag matigas ang ulo at makinig sa mga pahintulot, dahil ang ating kaligtasan ay importante sa panahon ng pandemya. Ang ating kaligtasan ay kaligtasan din ng lahat.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Nagtanong ang batang si Ella kung gaano nga ba kalayo ang isang metro? Sinagot naman ito ni Aling Marie kung bakit ito natanong ni Ella.

  2. Sinabi ni Ella na narinig niya ito sa balita. Pagkatapos ay ipinaliwanag ng kanyang ina ang narinig nito sa balita.

  3. Nangamba si Ella na baka hindi na ito makakapaglaro kasama ang kanyang mga kaibigan. Sinabi ng kanyang ina na ito ay pansamantala lamang at nabuhayan naman ng loob ang bata.

  4. Nagtanong pa ito sa ina kung ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang covid-19. Agad naman itong tinuruan ng ina kung ano ang mga dapat na gawin.

  5. Matapos ay nagtanong si Ella at ipinakita sa kanyang ina, sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, kung ganoon daw ba kalayo ang isang metro.

  6. Dahil sa tanong ng bata, ipinakita ni Aling Marie sa kanyang anak kung gaano kalayo ang isang metro. Pagkatapos ay nakita ni Ella ang kaibigang si Julie na nakadungaw sa kanilang bintana.

  7. Inanyayaan niya itong maglaro kahit nakadungaw lamang sila sa kani kanilang mga bintana. At sila ay naglaro ng bato-bato pik.

Mga tauhan na nabanggit sa kwento

Ella – Anak ni Aling Marie sa kwento na may pamagat na “isang metro”.

Aling Marie – Ina ng batang si julie sa kwento na kanyang pinagtanungan.

Mang Lino – Ama ng batang si julie sa kwento.

Ben at Julie – Ang dalawang matalik na kaibigan ni julie sa kwento.

Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19Aral

  • Ang ating kaligtasan sa pandemyang ito ay dapat nating pagtuunan ng pansin. Ang maliit na sakripisyo na pag distansiya natin sa ating mahal sa buhay ay magpapalayo sa atin at sa kanila sa peligro na dala ng COVID-19.

Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19Buod

Tinanong ni Ella ang kanyang ina na si Aling Marie kung gaano nga ba kalayo ang isang metro. Tinanong nito ang anak kung bakit ito napatanong. Sumagot naman si Ella na narinig niya ito sa balita.

Ipinaliwanag ni aling Marie sa anak ang tungkol sa kanyang narinig sa balita. Sinagot at ipinakita nito sa anak ang lahat ng katanungan nito.

Matapos ay naintindihan naman ito ni Ella hanggang sa nakita nito ang kaibigang si julie at inaya mag laro ng bato-bati pik habang naka dungaw sa kanilang mga bintana.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa katapusan ng kwento ay naintindihan ng batang si Ella na maaari pa rin siyang makipaglaro sa kanyang kaibigan na si julie kahit na ang pagitan nila ay isang metro. Tulad na lamang ng paglaro nila ng bato-bato pik habang nakadungaw sa bintana.

Kaya ating tandaan na sa panahon ng pandemya ay maging maingat tayo. Sundin natin ang mga patakaran na binigay ng gobyerno, dahil ito ay magbibigay ng proteksyon sa atin laban sa virus na covid-19.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment