ISANG ARAL PARA KAY ARMANDO – Mahilig ka bang magbasa ng mga maikling kwento? O di kaya, mga pabula o talinghaga? Anu-ano ang mga aral na karaniwan nating nakukuha sa mga ganitong uri ng kwento? Ating tunghayan at tuklasin kung anong klaseng aral naman ang makukuha natin sa kwentong ito.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Isang Aral para kay Armando.”
Isang Aral para kay Armando
Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang ianod nito,” laging paalala ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy dahil tinuruan ng Tito Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” sabi niya sa sarili.
“Ang sarap siguro talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay la’mig ng tubig…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Isang Aral para kay Armando“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Armando, ina ni Armando, Tito Manuel, apat na kalarong bata, at Mang Tacio. |
Tagpuan: | Ang tagpuan ng kwento ay sa “ilog.” |
Moral na aral: | “Makinig at sumunod sa sinasabi ng ating mga magulang, dahil alam nila kung ano ang makabubuti sa atin.” |
Banghay ng kwentong “Isang Aral para kay Armando”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Laging naiisip ni Armando na napakaraming ipinagbabawal ng kanyang ina sa kanya. Palaging sumasama ang kanyang loob tuwing naririnig niya ang mga ito.
- May isang bagay itong gustong gustong gawin ngunit ipinagbabawal din ito ng ina. Ito ay ang maligo sa ilog.
- Isang araw, kasama ang apat nitong kalaro na mga bata, nagpunta sila sa ilog at naligo. Habang naliligo, naisip ni Armando na pumunta sa bandang unahan.
- Mabilis itong umusad at tinangay ng malakas na agos ng tubig sa malalim na parte ng ilog. Sumigaw ito ng saklolo ngunit walang nagawa ang kanyang mga kaibigan dahil hindi din marunong lumangoy ang mga ito.
- Mabuti na lamang at si Mang Tacio ay naroon at sinagip si Armando. Matapos mahimasmasan, nagpasalamat ito kay Mang Tacio.
- Nagsisi ito sa hindi pagsunod sa kanyang ina at sinabing tama nga ang kanyang ina. Isa pang natutunan ni Armando ay kapag nasa panganib ay huwag magdalawang isip na humingi ng tulong sa Panginoon.
Aral ng Kwento
- Makinig at sumunod sa sinasabi ng ating mga magulang, dahil alam nila kung ano ang makabubuti sa atin.
- Kapag tayo ay nangailangan ng tulong at gabay, huwag tayong mag atubiling humingi ng tulong sa Diyos. Sapagkat, hindi ito magdadalawang isip na tayo ay tulungan.
Isang Aral para kay Armando – Buod
May isang batang nagngangalang Armando na palaging sumasama ang loob sa mga ipinagbabawal ng kanyang ina. Isang araw, pumunta ito sa ilog na ipinagbabawal din ng ina kasama ang kanyang mga kaibigan.
Habang naliligo, naisip nitong pumunta sa bandang unahan. Tinangay ito ng malakas na agos ng tubig papunta sa malamin na bahagi ng ilog.
Humingi ito ng tulong sa mga kaibigan ngunit walang magawa ang mga ito. Mabuti na lamang at tinulungan ito ng isang lalaki. Sa trahedyang ito, may aral na natutunan si Armando.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nagpasalamat si Armando sa lalaking tumulong sa kanya at napagtantong tama nga ang kanyang ina. Natutunan rin nito na kapag nasa panganib, magdasal at huwag magdalawang isip na humingi ng tulong sa Diyos.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Buhay Nga Naman
- Ang Inang Matapobre
- Ang Sapatero At Ang Mga Duwende
- Ang Alkansya Ni Boyet
- Matulunging Bata
We are proud Pinoy!