Ikaw Ang Aking Bayani (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

IKAW ANG AKING BAYANI – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang maikling kwento na may buod at aral. Ating alamin kung ano nga ba ang nilalaman ng kwentong ito at tukuyin kung anong bagong aral ang ating makukuha dito.

Ikaw Ang Aking Bayani (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ikaw ang aking Bayani (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon, atin ng simulang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ikaw Ang Aking Bayani.”

Ikaw Ang Aking Bayani

Bayani ni Sara ang nanay niya dahil siya ang pinakamagaling na nanay at pinakamagaling na siyentipiko sa buong mundo. Ngunit kahit ang nanay ni Sara ay walang mahanap na lunas para sa coronavirus.

“Sa sobrang liit ng COVID-19, o coronavirus, hindi natin iyon nakikita,” sabi ng nanay niya. “Ngunit kumakalat ito sa mga ubo at bahing ng mga taong may sakit, at kapag hinawakan nila ang mga tao o bagay na nasa paligid nila…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ikaw Ang Aking Bayani”
Mga Tauhan:Ang mga tauhan na nabanggit sa kwento ay sina Sara, Nanay, Ario, Salem, Sasha, Leila, at Kim.
Tagpuan:Ang mga tagpuan na nabanggit sa kwento ay sa magandang disyerto, maliit na baryo, sa isang isla, at sa bundok na may nyebe.
Moral na Aral:“Tayo ay mag-ingat sa panahon ng pandemya at makinig sa ating mga bayani tulad ng mga doctor, dahil nais lamang nilang mapabuti tayo.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Bayani ng batang si Sara ang kanyang ina dahil ito ang pinakamagaling na siyentipiko sa mundo.

  2. Tinanong ng batang si Sara ang kanyang ina kung ano ang itsura ng covid-19 na agad naman sinagot ng kanyang ina at ipinaliwanag.

  3. Habang natutulog ang batang si Sara ay may bumulong sa kadiliman ng kanyang silid.

  4. Tinanong ng batang si Sara kung sino iyon at pagkatapos ay nag usap silang dalawa at nagsimula na sa kanilang paglalakbay.

  5. Una nilang pinuntahan ay ang batang si Salem na nakatira sa isang magandang disyerto.

  6. Pangalawa nilang pinuntahan ay batang si Sasha na nakatira sa maliit na baryo.

  7. Pangatlo nilang pinuntahan ay ang batang si Leila na kaibigan ni Ario na nakatira sa isang isla.

  8. Huli nilang pinuntahan ay ang batang si Kim na kaibigan rin ni Ario na nakatira sa bundok na may nyebe.

  9. Pagkatapos ay sinabi na ni Ario kay Sara na oras na para umuwi dahil kailangan na nitong umuwi sa kanyang pamilya.

  10. Sa katapusan ay naintindihan ng batang si Sara na maraming bayani ang sinisigurong maging ligtas ang mga tao sa dalang kapamahakan ng COVID-19.

Ikaw Ang Aking Bayani – Aral

  • Sa panahon ng pandemya, ang ating kaligtasan ay ang pangunahing pinagtutuonan ng pansin. Makinig sa ating mga bayani tulad ng mga doctor, dahil ang nais lamang nila ay malayo tayo sa peligro na dala ng pandemya.

Ikaw Ang Aking Bayani – Buod

Bayani ng batang si Sara ang kanyang ina dahil ito ang pinakamagaling na siyentipiko sa buong mundo. Tinanong nito ang kanyang ina kung ano ang itsura ng covid-19. Agad naman itong ipinaliwanag ng kanyang ina sa kanya.

Habang natutulog ang batang si Sara ang may bumulong sa kadiliman ng kanyang silid. Iyon ay si Ario. Dinala nito si Sara sa iba’t-ibang lugar.

Sa katapusan ng kanilang paglalakbay ay naintindihan ng batang si Sara na maraming bayani ang nagtutulong-tulong upang tumulong sa mga tao sa panahon ng pandemya.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa katapusan ng kwento ay naintindihan ng batang si Sara na marami ang mga bayani na nagliligtas sa mga tao mula sa COVID-19. Naintindihan niya na sari-saring bayani ang nagtutulungan upang magligtas ng maraming tao.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment