Huling Limang Oras (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

HULING LIMANG ORAS – Sa artikulong ito, ating basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Huling Limang Oras.” Ating tuklasin kung bakit nga ba natin kailangan pahalagahan ang ating mga oras kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Huling Limang Oras (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Huling Limang Oras (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Huling Limang Oras.”

Huling Limang Oras

Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko. Pero bakit ang aga?

Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na foundation day. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ina galing sa abroad.

Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang makita. Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging high school.

Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng aking pagkausyoso para tanungin kung bakit sya umiiyak.

“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa babae.

“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”

“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari kung bakit ko nasabi.

Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng kanyang pagpayag…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Huling Limang Oras
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang batang estudyante, ama, at ina.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa labas ng eskwelahan at sa bahay.
Moral na Aral:Ating pahalagahan ang oras na kasama natin ang ating mga magulang at baka bigla na lamang sila mawala at atin itong pagsisihan.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Tumunog ang bell ng paaralan hudyat na oras na para umuwi. Nasasabik itong lumabas ng skwela dahil uuwi ang ina nito galing abroad.

  2. Nang palabas sa skwela, may nakita itong ale na umiiyak at kanya itong nilapitan. Kinausap ito ng batang estudyante.

  3. Pagkatapos ay inalok niya ito na baka gusto nitong sumama sa kanya upang maibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman.

  4. Pumayag ito hanggang sa sinabihan siya nitong pumikit. Sinunod niya ito at hinalikad siya ng ale sa noo at sinabihan siya na mahal kita.

  5. Pagdilat nito ay wala na ang ale at naisipan nito na umuwi na din dahil anong oras na at gusto niya ng makita ang ina.

  6. Pagkauwi ay nakita niya ang kanyang ama na umiiyak at sinabihan siya nito na patay na ang kanyang ina limang oras na ang nakakalipas.

  7. Imbes na umiyak ay tinanong ng bata ang litrato ng ina sa ama nito at doon niya napagtanto na ang ale na kanyang tinulungan ay ang kanyang ina pala mismo.

Huling Limang Oras – Aral

  • Sa panahon ngayon, pahalagahan natin na kasama pa natin ang ating mga mahal sa buhay. Mahalin natin sila at wag saktan o ano man. Dahil baka bigla na lang sila bawiin ng Diyos sa ating buhay at atin itong pagsisihan.

Huling Limang Oras – Buod

“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” sabi ng batang estudyante. Excited itong umuwi dahil uuwi ang ina nito na ilang taon na niyang hindi nakikita.

Sa labas ay may nakita siyang Ale na umiiyak at ito ay kanyang nilapitan at kinausap. Pagkatapos ay inaya niya ito na sumama sa kanya upang maibsan ang kalungkutan nito. Sa huli, sinabihan siya ng ale na ipikit ang kanyang mata at hinalikan siya nito sa noo.

Pagkatapos nito ay umuwi na ang batang estudyante at nakita nito ang ama na umiiyak at sinabihan siya nito na patay na ang kanyang ina dahil sa isang aksidente.

At doon napagtanto ng batang estudyante na ang ale na kanyang tinulongan ay ang espirito pala mismo ng kanyang ina.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa kawakasan ng kwento ay nalaman ng bata sa kanyang ama na ang kanyang ina ay namatay sa aksidente limang oras na ang nakalilipas. At doon niya napagtanto na ang ale na kanyang tinulungan ilang oras lang rin ang nakakalipas ay kanyang ina pala mismo.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment