Halaman Ng Pagmamahal (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

HALAMAN NG PAGMAMAHAL – Sa artikulong ito ay ating basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Halaman Ng Pagmamahal.” Ating tukuyin kung ano ang hiwaga na nakatago sa likod ng halamang “Malvarosa.”

Halaman Ng Pagmamahal (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Halaman ng Pagmamahal (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Halaman Ng Pagmamahal”

Halaman ng Pagmamahal

Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng duhat. Sa lilim nito sila’y nagkukwentuhan.

Sa tabi ng puno may isang balon na yari sa mga batong adobe. Ang labi ng balon ay halos pantay sa lupa. Bawal sa mga bata ang tumayo o maglaro sa tabi nito.

Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat. Kumikintab ang maitim na balat ng mga hinog. Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar upang pagdating ni Rosa ay may ipapasalubong siya. Maraming mga hinog na duhat sa dulo ng maliliit na mga sanga…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Halaman ng Pagmamahal”
Tauhan:Ang tauhan sa kwento ay sina Malvar at Rosa.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa isang malaking puno ng duhat.
Moral na Aral:“Iwasan natin ang pagtambay sa mga delikadong lugar upang maiwasan ang aksidente na maaring magdulot ng kamatayan.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay sa isang malaking puno ng duhat.

  2. Sa buwan ng abril isang araw ay nakita ni Malvar na maraming bunga ang puno ng duhat.

  3. Inakyat ito ni Malvar at nang pitasin niya ang mga hinog na duhat sa dulo ng sanga ay nahulog siya sa balon.

  4. Nawalan ng siya ng malay kung kaya’t kahit mababaw lamang ang tubig siya ay nalunod.

  5. Di naman nagtagal ay dumating si Rosa. Nagtaka ito dahil dati-rati ay unang dumarating si Malvar kaysa sa kanya.

  6. Dinampot ni Rosa ang mga duhat na nahulog sa tabi ng balon at ng yumuko siya, nakita niya si Malvar sa ilalim ng balon.

  7. Napasigaw na lamang si Rosa at sa kasamaang palad ay hinimatay siya at nahulog din sa balon.

  8. Nang hindi umuwi ang dalawa ay hinanap sila ng kanilang mga pamilya at kanilang bangkay na lamang ang nadatnan.

  9. Pagkaraan ng isang taon ay may tumubo na isang halaman sa ibabaw ng kanilang puntod. Wala itong bulaklak ngunit napakabango.

  10. Pinangalanan ito ng mga tao na MALVAROSA at sinabi na nabuhay muli ang dalawa bilang mga halaman.

Halaman Ng Pagmamahal – Aral

  • Tayo ay palaging mag-ingat. Iwasan natin ang tumambay sa mga lugar na delikado lalo na kapag nakita natin na mayroon namang senyales na delikado roon.
  • Lagi tayong magpaalam sa ating mga magulang kung saan man tayo pupunta upang madali tayo nilang mahanap lalo na kapag bigla na lamang tayo naglaho.

Buod ng Halaman ng Pagmamahal

Tagpuan ng magkasintahan na Malvar at Rosa ang puno ng duhat. Isang araw ay naunang dumating si Malvar at inakyat niya ang puno at nahulog sa balon at namatay.

Dumating si Rosa at nagtaka na wala pa ang kanyang kasintahan. Nakita niya na marami ang bunga ng duhat sa lupa na nahulog. Nang yumuko siya ay nakita niya si Malvar sa ilalim ng balon. Hinimatay si Rosa at sa kasamaang palad ay namatay rin.

Nang hindi makauwi ang dalawa ay hinanap sila ng kanilang pamilya. Ngunit bangkay na lamang nila ang nakita. Inilibing silang dalawa sa balon at matapos ang isang taon ay may tumubong halaman rito at pinangalanan ng mga tao na MALVAROSA.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay hinimatay si Rosa dahil sa nakita niyang patay na si Malvar. Sa kasamaang palad ay sa bunganga ng balon ito bumagsak ng siya’y hinimatay. Pagkalipas ng isang taon ay may tumubong halaman sa ibabaw ng kanilang puntod at pinangalanan ito ng mga tao na Malvarosa.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment