BANGKANG PAPEL – Narito ang maikling kwento tungkol sa batang gumawa ng bangkang papel at naghintay sa amang sundalo, na may buod at aral. Ating tunghayan ang kwentong ito nang sa gayun ay may matutunan na naman tayo na bagong kaalaman.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Bangkang Papel.”
Bangkang Papel
Ang kuwento ng pagmamahal ay hindi lamang kinatatampukan ng mga salaysay ng romansa. Maging ang mga kuwentong maituturing na klasiko na ay kinapupulutan din ng aral tungkol sa pagmamahal sa pamilya.
Lahat ng pagmamahalan ay nakabubuo ng pamilya, nagkakaroon ng anak ang mga magkasintahan kaya naman isang uri din ng pagmamahal ang kuwentong pampamilya.
Ang akda ni Genoveva Edroza-Matute na Bangkang Papel ay isang kuwento ng pag-ibig na wagas ng isang anak sa kaniyang ama, gayundin ang ama sa kaniyang anak.
Nag-umpisa ang kuwento sa kalagayan ng isang bata na mayroong simpleng nais sa buhay, ang makapagpaandar o makapagpaanod ng bangkang papel. Gumawa raw ang bata ng tatlong bangkang papel…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Bangkang Papel“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang bata, ina, at sundalong ama. |
Tagpuan: | Ang tagpuan sa kwento ay sa “bahay ng mga tauhan.” |
Moral na aral: | “Kagaya ng pagmamahal ng mga magulang sa kanilang pamilya, ganito din ang pagmamahal ng mga ito sa kanilang trabahong nagbibigay ikabubuhay sa kanila.” |
Banghay ng kwentong “Bangkang Papel”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Isinalaysay ng tagapagsalaysay ng kwentong ito ang tungkol sa kwentong pag-ibig ng anak sa kanyang amang sundalo, gayundin ang ama sa kanyang anak.
- Nagsimula ang kwento sa isang batang mayroong simpleng gusto sa buhay. Ito ay ang makapagpaanod ng bangkang papel kaya gumawa ito ng tatlong malalaking bangkang papel.
- Palagi itong nagtatanong sa ina kung kailan uuwi ang kanyang ama. Wala namang maisagot ang kanyang ina kaya palagi nalang nitong sinasabi na kinabukasan na dadating ang ama nito.
- Hanggang isang araw, paggising ng bata ay nagtaka at nagulat ito sa kanyang nadatnan sa loob ng kanilang bahay. Nagtaka ito kung bakit maraming tao at ang kanyang ina’t kapatid ay nasa sahig at umiiyak.
- Nilapitan nito ang kanyang ina’t kapatid at nagtanong kung ano ang nangyari ngunit hindi pa nito makausap ang kanyang ina. Ngunit nabatid na rin ng bata na wala na ang kanyang ama dahil sa engkwentro.
- Naging mabigat din sa bata na tanggapin ang nangyari sa kanyang ama, ngunit ito ang realidad sa trabaho ng isang sundalo. Bata pa ito upang maunawaan ng lubos ang kabayanihan ng ama.
- Ngunit ng siya’y nagbinata, naaalala niya ang kabayanihan ng kanyang ama pati narin ang pagmamahal nito sa kanila tuwing siya’y nakakakita ng bangkang papel.
Bangkang Papel – Aral
- Kagaya ng pagmamahal ng mga magulang sa kanilang pamilya, ganito din ang pagmamahal ng mga ito sa kanilang trabahong nagbibigay ikabubuhay sa kanila.
- Bilang anak, kailangan nating intindihin at unawain ang trabaho ng ating mga magulang.
Bangkang Papel – Buod
Sa kwentong ito, isinalaysay ng nagsalaysay ang kwentong pag-ibig ng anak sa kanyang ama, gayundin ang ama sa kanyang anak. Naging mabigat din sa bata ng mamatay ang kanyang ama sa isang engkwentro ngunit kalaunan ay naintindihan niya rin ito.
Nang siya ay nagbinata, naaalala niya ang pagmamahal ng kanyang ama sa kanila at ang kabayanihan nito tuwing makakakita ng bangkang papel.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Bata At Ang Aso
- Nakalbo Ang Datu
- Si Wigan At Si Ma-I
- Tren Maikling Kwento
- Ang Lugar Sa Habang Panahon
We are proud Pinoy!