Bakit Itim Ang Kulay Ng Uwak? (Buod At Aral)

BAKIT ITIM ANG KULAY NG UWAK? – Sa pahinang ito, ating tutuklasin kung paano at bakit naging itim ang kulay ng uwak. Nawa’y gawin natin itong inspirasyon sa buhay.

Bakit Itim Ang Kulay Ng Uwak (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Bakit Itim ang Kulay ng Uwak? (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na ito.

Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa pamamagitan ng napakalaking baha.

Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.

Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may magandang tinig.

Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang Bathala, si Noah, ang uwak, at ang kalapati.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa “loob at labas ng arko ni Noah.”
Moral na aral:Tumutok lamang sa mga bagay na ipinag-utos o ipinagawa sa iyo at gawin ito ng tama.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo sa pamamagitan ng napakalaking pagbaha. Ang tanging buhay lamang ay si Noah at ang dalawang ibon na kasama nito sa kanyang arko.

  2. Bago pa naganap ang sakuna ay pinagawa na ni Bathala kay Noah ang arkong ito.

  3. Nang humupa na ang baha, inutusan ni Noah ang uwak na tignan sa labas kung maaari na silang bumaba.

  4. Paglabas ng uwak, labis na nagimbal ito sa kanyang nakita. Bumaba ito sa isang patay na kabayo. At marahil dahil sa pagod at gutom ay kinain nito ang laman ng patay na kabayo at iba pang mga hayop.

  5. Dahil sa matagal na paghihintay ni Noah ay inutusan na lamang nito ang kalapati. Inutusan niya itong tignan kung ligtas na bang sila ay bumaba at tignan kung ano ang nangyari kay uwak.

  6. Agad naman itong sinunod ng kalapati at maging siya ay nagimbal at nalungkot din sa mga nakita. Napag-alaman din nito na ligtas nang bumaba.

  7. Pabalik na sana ito sa arko ng makita niya ang uwak na tumutuka sa mga patay na hayop. Dali-dali itong bumalik at sinabi kay Noah ang lahat ng kanyang nakita.

  8. Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati at nagalit naman ito sa uwak. Dahil dito, ginantipalaan nito ang kalapati at isinumpa naman ang uwak.

  9. Magmula noon, ang uwak ay naging itim, naging pangit ang boses nito, at ang tanging lumalabas lamang sa kanyang bibig ay “uwak, uwak, uwak.”

Aral ng kwento

  • Tumutok lamang sa mga bagay na ipinag-utos o ipinagawa sa iyo at gawin ito ng tama. Ito ay upang ika’y hindi maparusahan.
  • Ang mga masunurin at gumagawa ng tama ay ginagantipalaan at kapuri-puring tunay.

Bakit Itim ang Kulay ng Uwak – Buod

Noong unang panahon, pinarusahan ni Bathala ang mundo. Tanging si Noah lamang at ang dalawang ibon na kasama nito sa kanyang arko ang buhay. Nang humupa na ang baha ay inutusan nito ang uwak upang tignan kung ligtas ng lumabas.

Hindi nakabalik agad ang uwak kaya inutusan naman ni Noah ang kalapati upang tignan kung ligtas ng lumabas at alamin kung ano ang nangyari sa uwak. Nang bumalik ang kalapati, natuwa si Noah sa katapatan nito at nagalit naman ito sa uwak at ito’y pinarusahan.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment