ARAW, BUWAN, AT KULIGLIG – Ang maikling kwento na ito ay tungkol sa mag-asawang araw at buwan na nagkaroon ng isang alitan. Alamin natin kung paano nagwakas ang kwento ng dalawa at kung ano ang aral na ating makukuha dito.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Araw, Buwan, at Kuliglig.”
Araw, Buwan, at Kuliglig
Noong unang mga panahon, laganap pa sa kapaligiran ang mga punong siyang maaaring panirahan ng mga kuliglig. Kakaunti pa ang tao sa mundo, masagana ang kabukiran.
Isang araw, ang Buwan at ang Araw ay naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mag-asawang ito. Gwapo ang Araw at maganda ang Buwan.
May anak silang lalaki. Mahal nila ang anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-anak.
Ang kasayahan nilang mag-anak ay ginulo ng isang alitan. Nagsimula lamang iyon sa isang munting pagtatalo, hanggang sa magpalitan na sila ng mabibigat na mga salita…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Araw, Buwan, at Kuliglig“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang Buwan, Araw, at Kuliglig. |
Tagpuan: | Ang tagpuan sa kwento ay sa “alapaap.” |
Moral na aral: | “Ang isang maliit na hindi pagkakaunawaan ay hindi na dapat na palakihin.” |
Banghay ng kwentong “Araw, Buwan, at Kuliglig”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Noong unang panahon, laganap pa ang mga puno sa kapaligiran. Kaunti pa lamang ang mga tao at masagana ang kabukiran.
- Isang araw, naglalakbay sa alapaap ang mag-asawang araw at buwan. Mayroon ang mga itong anak na lalaki.
- Masaya ang mga ito na namumuhay, hanggang sa nagkaroon ang mga ito ng alitan. Hinampas ni buwan ang asawa ng walis sa pisngi kaya nagalit ito at umalis.
- Isang araw, habang pinapaliguan ni buwan ang kanilang anak, biglang dumating si araw at binuhusan nito ng mainit na tubig si buwan.
- Napasigaw si Buwan at sa kabiglaan ay nabitawan nito ang kanilang anak, na siyang nahulog naman sa lupa.
- Sinasabing ang anak nila ay naging kuliglig. Lagi itong umiiyak kapag lumulubog ang araw sa kanluran.
- Matapos iyon ay hindi na muling nagsama ang araw at buwan. Ang araw ay lumalabas lamang tuwing araw at ang buwan naman ay lumalabas lamang tuwing gabi.
Araw, Buwan, at Kuliglig – Aral
- Ang isang maliit na hindi pagkakaunawaan ay hindi na dapat na palakihin.
- Matutong magpakumbaba dahil mas mahalaga ang pagkakaisa kaysa pagmamataas.
- Maging matalino sa paggawa ng mga desisyon sa buhay. Isipin ang mga kahihinatnan ng mga desisyong gagawin natin.
Araw, Buwan, at Kuliglig – Buod
Noong unang panahon, ang mag-asawang araw at buwan ay naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mga itong namumuhay kasama ang kanilang anak na lalaki.
Isang araw, nasira ang samahan ng mag-asawa ng dahil sa isang alitan. Simula noon ay hindi na ang mga ito nagkita. Ang araw ay sa araw lamang makikita at ang buwan naman ay sa gabi lamang makikita.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Kapuri-puring Bata
- Ang Babaeng Maggagatas
- Ang Inapi
- Ambisyon Maikling Kwento
- Bakit Itim Ang Kulay Ng Uwak?
We are proud Pinoy!