ANG SAPATERO AT ANG MGA DUWENDE – Makikita at mababasa natin sa artikulong ito ang buod ng maikling kwento na ito. At sabay-sabay nating tuklasin ang mga aral na makukuha natin dito. Handa kana ba? Tara na’t ating simulan sa pag-alam kung ano ang maikling kwento.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Sapatero at ang mga Duwende.”
Ang Sapatero at ang mga Duwende
May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos. Isang gabi, ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos.
Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.
Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga.
Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Sapatero at ang mga Duwende“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang sapatero, asawa ng sapatero, at dalawang kalbong duwende. |
Tagpuan: | Ang tagpuan ng kwento ay sa “bahay ng sapatero.” |
Moral na aral: | “Ang kabutihan na ating ibinibigay sa sinuman ay may magandang kapalit o kahihinatnan.“ |
Banghay ng kwentong “Ang Sapatero at ang mga Duwende”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos. Inihanda nito ang mga materyales para gawin sa umaga.
- Kinabukasan, nagulat ito ng makita na gawa na ang sapatos at mahusay pa ang pagkakagawa nito. Madali niya itong naibenta at siya’y nakabili ng materyales para sa dalawang pares.
- Ganun ulit ang nangyari kinabukasan at sa sumunod pang araw.
- Nagtaka ito kung sino ang tumutulong sa kanya. Kaya nang sumapit ang gabi, nag-abang ang mag-asawa upang makita kung sino ang gumagawa ng mga sapatos.
- Pagsapit ng alas dose, pumasok ang dalawang kalbong duwende at sinimulang gawin ang mga sapatos. Madali nila itong natapos at agad silang tumalon sa bintana.
- Matapos itong makita ng mag-asawa, nag-isip sila kung paano mapasasalamatan ang mga mababait na duwende. Naisip ng babae na gawan ang mga ito ng dalawang pares ng pantalon at pang-itaas.
- Sa sumunod na gabi, nakita ng dalawang duwende ang gawa ng babae sa lamesa at kanila itong isinuot. Masayang-masaya ang mga ito sa bago nilang damit.
- Buhat noon, hindi na bumalik ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa mag-asawa na marunong gumanti sa utang na loob.
Ang Sapatero at ang mga Duwende – Aral
- Ang kabutihan na ating ibinibigay sa sinuman ay may magandang kapalit o kahihinatnan.
- Maging mabuti sa lahat at maging matulungin sa sinuman.
- Matuto tayong tumanaw ng utang na loob at pasasalamat sa sinumang tumulong sa atin.
- Kahit sa simpleng bagay lang, suklian natin ang kabutihan ng iba sa atin.
- Maging masaya tayo sa mga simpleng bagay na ating natatanggap.
Ang Sapatero at ang mga Duwende – Buod
May isang mahirap na sapatero na may materyales na para lamang sa isang pares ng sapatos. Inihanda niya ito at kinabukasan nagulat ito na gawa na ang sapatos. Madali niya itong naibenta at bumili ulit ng mga materyales. Ganun pa rin ang nangyari kinabukasan at sa sumunod pang araw.
Nagtaka ito kung sino ang tumutulong sa kanya. Kinagabihan nakita ng mag-asawa na mga duwende pala ang tumutulong sa kanila. Ginawan ang mga ito ng asawa ng sapatero ng dalawang pares ng pantalon at pang-itaas.
Masayang isinuot ng mga duwende ang bago nilang mga damit at mula noon, hindi na sila bumalik. At patuloy naman ang swerte sa buhay ng mabuting mag-asawa.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, masayang isinuot ng mga duwende ang gawang pantalon at pang-itaas ng babae. Mula noon hindi na sila bumalik at nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawang marunong tumanaw ng utang na loob.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus
- Si Juan, Ang Pumatay Ng Higante
- Ang Batang Espesyal
- Ang Buhay Nga Naman
- Ang Inang Matapobre
We are proud Pinoy!