Ang Punong Kawayan (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG PUNONG KAWAYAN (Maikling Kwento) – Ngayon ay panibagong kwento nanaman ang ating babasahin, na may buod at aral. Ito ay pinamagatang “Ang Punong Kawayan.” Tiyak na magbibigay ito sa atin ng bagong aral na maaari nating gamitin sa ating pang araw-araw na buhay.

Punong Kawayan (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Punong Kawayan (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Punong Kawayan.”

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ang Punong Kawayan”
Tauhan:Ang tauhan sa kwento ay sina Santol, Mangga, Kabalyero, Niyog, Hangin, at Kawayan.
Tagpuan:Sa isang bakuran ang tagpuan ng kwento.
Moral na Aral:“Wag natin maliitin ang ating kapwa ng dahil lamang sa kanilang anyong panlabas dahil baka sa oras ng sakuna ay mas matatag pa sila sa iyo.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Sa isang bakuran ay may puno na may kanya kanyang katangian. Minsan ang mga puno na ito ay nagpaligsahan.

  2. Unang nagsalita ay si Santol at sinabi na hitik siya sa bunga kaya mahal na mahal siya ng mga bata.

  3. Pangalawang nagsalita ay si Mangga at sinabi na daig niya si Santol dahil mayabong ang kanyang dahon at siya ay hitik sa bunga.

  4. Pangatlo na nagsalita ay si Kabalyero at sinabi na marami ang kanyang bulaklak at pulang-pula na kahit malayo ay makikita mo ito.

  5. Huling nagsalita ay si Niyog. Sinabi nito na tuwid ang kanyang puno at malapad ang mga dahon at mabunga.

  6. Pinagtawanan ng mga puno si Kawayan at sinabihan nila itong kaawa-awa dahil payat ito at walang bulaklak o bunga man lang.

  7. Nagalit si Hangin sa kanyang mga narinig kung kaya’t nilakasan niya ang pag-ihip. Nang dahil rito ay nalagas ang mga bulaklak at nahulog ang mga bunga ng mga mayayabang na mga puno.

  8. Tanging ang mababang loob na si Kawayan ang hindi nasalanta sa malakas na pag-ihip ng hangin.

Ang Punong Kawayan – Aral

  • Maging mabuti tayo sa ating kapwa tao.
  • Iwasan natin maging mapagmataas dahil lang may mga bagay tayong wala sa iba.
  • Mahalin natin ang ating kapwa kahit na iba ang anyong panlabas nito.

Ang Punong Kawayan – Buod

Sa isang bakuran ay may ilang puno na nakatanim na may kanya kanyang katangian. Sila ay sina Santol, Mangga, Niyog, Kabalyera, at Kawayan. Minsan ay naisipan nila magpaligsahan. Nagyabangan ang mga puno kung sino ang mas lamang sa kanila hanggang sa napunta ang kanilang atensyon kay Kawayan.

Sinabihan nila si Kawayan na kaawa-awa dahil wala man lang itong bulaklak o puno. Nagalit si Hangin sa kanyang narinig kung kaya’t pinalakas niya ang pag-ihip. Dahil rito ay nalagas ang mga bulaklak at nahulog ang mga bunga na ipinagmamayabang ng ibang puno.

Tanging si Kawayan lamang ang hindi nasalanta sa malakas na pag-ihip ng hangin.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment