Ang Nawawalang Prinsesa (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG NAWAWALANG PRINSESA – Sa artikulong ito ay ating basahin ang buong kwento o buod ng maikling kwento na pinamagatang “Ang Nawawalang Prinsesa.” Ating alamin kung bakit nga ba nawawala ang prinsesa sa kanilang palasyo tuwing hating gabi.

Ang Nawawalang Prinsesa (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Nawawalang Prinsesa (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, alamin muna natin ang kahulugan ng “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Nawawalang Prinsesa”

Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya pumupunta.

Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ang Nawawalang Prinsesa”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang Hari, Prinsesa, Binata, Mangkukulam, at ang mga Gitanong.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa palasyo at sa isang malayong gubat.
Moral na Aral:“Bilang mga anak ay kailangan natin magpaalam sa ating mga magulang kung saan tayo pupunta, sa kadahilanang baka bigla na lang tayong mawala at hindi nila alam kung nasaan tayo.”

Aral ng kwento

  • Kapag tayo ay aalis, dapat ay magpaalam tayo sa ating magulang upang alam nila kung saan tayo hahanapin kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa atin.
  • Magpaalam sa ating mga magulang dahil marami na ang napahamak dahil sa pagsisikreto kung saan sila pupunta.

Ang Nawawalang Prinsesa – Buod

Sa isang palasyo ay may isang prinsesa na nawawala tuwing hating gabi. Ito ay nagbigay ng bahala sa hari kung kaya’t nagbigay ito ng pabuya sa kung sino man ang makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa.

Marami ang sumubok at marami rin ang nabigo ngunit may isang binata na humingi ng tulong sa isang mangkukulam. Binigyan siya nito ng isang balabal na kapag kanyang sinuot ay hindi siya makikita nino man.

Ginamit ito ng binata at sinundan ang prinsesa. Nakita ng binata na sumasayaw ang prinsesa sa mga gitanong. Hinubad ng binata ang kanyang balabal sa likod ng puno at sinuot ang kanyang maskara.

Pagkatapos ay nakipag sayaw ito sa prinsesa hanggang sa halos mabutas na ang suwelas ng kanyang sapatos. Kinaumagahan ay humarap ang binata sa hari at sinabi ang lahat ng kanyang nalalaman. Nang dahil dito ay ipapakasal na sa kanya ang prinsesa.

Masaya naman ang prinsesa dahil nakilala niya ang maskara ng binata, na ito pala ay ang kanyang kinagigiliwang kasayaw sa nagdaang gabi.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay nalaman ng binata ang dahilan kung bakit umaalis ang prinsesa tuwing hating gabi. Sinabi ito ng binata sa hari at nagtagumpay siya sa kanyang gusto na makuha ang prinsesa. Masaya naman ang prinsesa na ang kanyang mapapangasawa ay ang binatang kanyang kinagiliwang kasayaw sa nagdaang gabi.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment