ANG MGA MASKARA NI MIKO – Ano ba ang mga dapat nating gawin upang makaligtas sa anumang pandemya? Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang isang maikling kwento tungkol sa pandemya na tiyak na magbibigay sa atin ng bagong kaalaman.

Narito na at ating basahin ang maikling kwento na ito.
Ang mga Maskara ni Miko
“Bakit po kaya ang lahat ng tao ngayon, nakasuot ng maskara, Tatay?” tanong ni Miko kay Mang Berto. “Pero bakit po kaya ilong at bibig ang tinatakpan ng maskara nila?”
“Bakit, Miko, ano ba ang dapat na tinatakpan ng maskara?” tugon ni Mang Berto.
Kinuha ni Miko ang kanyang “Batman” na maskara at isinuot…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang mga Maskara ni Miko“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Miko, Mang Berto, Aling Susan, mga kaibigan at guro ni Miko, at sina Beni at Francis. |
Tagpuan: | Ang tagpuan ng kwento ay sa “bahay ng mga tauhan.” |
Moral na aral: | “Pangalagaan ang sarili at sumunod sa mga tuntunin ng gobyerno sa panahon ng pandemya.” |
Banghay ng kwento
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Nagtanong ang batang si Miko kay Mang Berto kung bakit lahat ng tao ay nagsusuot ng facemask. Ipinakita nito sa ama ang kanyang mga maskara na pang okasyon at nagtanong kung bakit hindi nalang ang mga iyon ang gamitin.
- Ipinaliwanag sa kanya ni Mang Berto kung bakit facemask ang kailangan na gamitin at ipinaliwanag din nito kung ano ang nangyayari sa mundo.
- Nangamba si Miko at nagtanong kung hindi na ba sila makakalabas ng bahay dahil gusto na niyang makita ang kanyang mga kaklase at guro. Gusto na rin nito makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.
- Niyakap ni Mang Berto ang anak at sinabing pansamantala lamang ito. Nakaisip ng paraan si Miko at tumakbo papunta sa kanyang ina upang magtanong kung may mga gamit ito para makagawa ng maskara na pweding ibigay sa iba.
Ang mga maskara ni Miko – Aral
- Pangalagaan ang sarili at sumunod sa mga tuntunin ng gobyerno sa panahon ng pandemya.
- Maging maingat sa lahat ng bagay at maging alerto sa mga ganitong uri ng krisis.
Ang mga maskara ni Miko – Buod
Tinanong ni Miko ang kanyang ama kung bakit lahat ay nakasuot ng maskara. Sinagot ni Mang Berto ang lahat ng katanungan nito at ipinaliwanag sa kanya ang nangyayari sa kasalukuyan. Naintindihan naman ito ni Miko at pumunta sa ina upang gumawa ng maskara para sa iba.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, tumakbo si Miko papunta sa kanyang ina. Itatanong nito kung may mga gamit ito para makagawa ng maskara na pweding ibigay sa iba.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Mga Kuwento Tungkol Sa COVID-19
- Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19
- Ikaw Ang Aking Bayani
- Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus
- Si Juan, ang Pumatay ng Higante
We are proud Pinoy!