ANG MATALINONG PINTOR – Ang maikling kwento na ito ay tungkol sa batang inutusan ng kanyang ina na magpinta sa kanilang bakuran. Ito ay siguradong magbibigay ng aliw at panibagong aral sa atin.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Matalinong Pintor.”
Ang Matalinong Pintor
Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.
Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, “Huwag kang aalis, Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo.”
“Ano po iyon, inay?” tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Matalinong Pintor“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Zandrey, nanay ni Zandrey, James, Henry, Vince, Armel, Erick, Ethan, Alexander, at Richard. |
Tagpuan: | Ang tagpuan ng kwento ay sa “bakuran nina Zandrey.” |
Moral na aral: | “Ang matalinong pag-iisip tungkol sa kung paano matatapos ng mas mabilis ang mga gawain ay mabuti. Ngunit, masama naman ito kapag tayo ay nanlamang na ng kapwa.” |
Banghay ng kwentong “Ang Matalinong Pintor”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan ang bakuran nila. Maglalaro sana ito ng basketball kasama ang kanyang mga kababata ngunit inutusan ito ng kanyang ina na magpintura.
- Habang nagpipintura si Zandrey, nakita niyang dumarating ang kapwa rin nitong bata na si Vince. Nagkunwari itong hindi niya ito nakita at naririnig.
- Nang lumapit na si Vince ay sinipat sipat nito ang kanyang napinturahan na. Sinabihan ito ni Vince na kawawa naman ito dahil nagpipintura ito. Tsaka ito nagsalita at sinabing nandyan pala ito at hindi niya ito napansin.
- Ganadong-ganadong itinuloy nito ang pagpipintura. Sisipol sipol pa ito at tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Maya-maya’y nag prisinta si Vince na gusto rin nitong masubukang magpinta.
- Ibinigay ni Vince ang kanyang trumpo kay Zandrey maka pinta lamang. At habang pinapanuod ni Zandrey si Vince ay may namuong ideya sa kanyang isipan upang mas mapadali ang kanyang trabaho.
- Nang napagod na si Vince ay umalis na ito. Sumunod namang naisahan ni Zandrey si Armel at marami pang iba.
- Natapos nang mapinturahan ang bakuran nina Zandrey ng hindi siya napagod at marami pa siyang nakuhang mga laruan at bagay.
Ang Matalinong Pintor – Aral
- Ang matalinong pag-iisip tungkol sa kung paano matatapos ng mas mabilis ang mga gawain ay mabuti. Ngunit, masama naman ito kapag tayo ay nanlamang na ng kapwa.
- Huwag maging tuso at huwag manlinlang ng kapwa.
- Sundin ang utos ng mga magulang at gawin ang kanilang utos ng maayos.
Ang Matalinong Pintor – Buod
Si Zandrey ay inutusan ng kanyang ina na pinturahan ang kanilang bakuran. Habang nagpipinta ito ay dumating si Vince at gusto rin nitong subukang magpinta, kaya ibinigay niya ang kanyang trumpo kay Zandrey makapagpinta lamang.
May namuong ideya kay Zandrey upang mas mapadali ang kanyang pagpipinta. Marami itong kapwa bata na naloko na magpinta at marami pa itong nakuhang mga gamit at laruan sa mga ito.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, pinagmasdan ni Zandrey ang bakod na pininturahan. Mayroong manipis, makapal, pasalungat, at kulang-kulang na pintura. Ngunit kahit ganon ay masaya ito dahil hindi na ito napagod, marami pa itong nakuhang gamit at mga laruan.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Sapatero At Ang Mga Duwende
- Ang Alkansya Ni Boyet
- Matulunging Bata
- Isang Aral Para Kay Armando
- Ang Dakilang Kaibigan
We are proud Pinoy!