ANG MATALIK KONG KAIBIGAN – Ang ating matutunghayang maikling kwento sa pahinang ito ay tungkol sa matalik na kaibigan ng nagsalaysay ng kwentong ito. Ito ay siguradong kapupulutan natin ng magandang aral.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Matalik Kong Kaibigan.”
Ang Matalik Kong Kaibigan
Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.
Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary.
Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Matalik Kong Kaibigan“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang nagsalaysay ng kwento, nanay ng nagsalaysay, si Richard, mga kabarkada ng nagsalaysay, at si Kristine. |
Tagpuan: | Ang mga tagpuan ng kwento ay sa “bahay ng nagsalaysay, sa St. Peter’s Chapel, at sa Magallanes Village.” |
Moral na aral: | “Lagi tayong maging handa sa lahat ng oras, dahil hindi natin alam kung kailan babawiin ng Diyos ang buhay na ipinahiram niya sa atin.” |
Ang Matalik kong Kaibigan – Aral
- Lagi tayong maging handa sa lahat ng oras, dahil hindi natin alam kung kailan babawiin ng Diyos ang buhay na ipinahiram niya sa atin.
- Maging mabuti tayong tao at palaging magdasal at humingi ng awa’t gabay sa Panginoon.
Ang Matalik kong Kaibigan – Buod
Pagdating sa bahay ng nagsasalaysay ay agad nitong ginawa ang kanyang mga nakasanayang gawin. Sa kanyang pagbabasa sa pahayagan, nakita nito ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan na si Richard sa listahan ng mga namatay.
Nanghina ito at agad na pinuntahan ang kaibigan sa kung saan ito nakaburol. Pagdating doon, nalaman nito na hit and run pala ang nangyari kay Richard.
Sinabi nito na isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Napatanong ito kung bakit ito kaagad na binawian ng buhay dahil ang bata bata pa nito. At nasabi nito sa sarili na walang sinuman ang nakakatiyak ng pagdating ng kamatayan.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, sinabi ng nagsasalaysay na maging handa tayo dahil ano mang oras ay maaring bawiin ng Diyos ang ating buhay. Kaya maging mabait tayo at palaging humingi ng awa at gabay sa Diyos.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Alkansya Ni Boyet
- Matulunging Bata
- Isang Aral Para Kay Armando
- Ang Dakilang Kaibigan
- Ang Matalinong Pintor
We are proud Pinoy!