ANG MAG-ASAWANG WALANG ANAK – Sa artikulong ito, ating basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Mag-Asawang Walang Anak.” Ating alamin kung bakit ang mga habilin ng mga magulang ay kailangang sundin ng mga anak.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Mag-Asawang Walang Anak.”
Ang Mag-Asawang Walang Anak
Noong unang panahon, may mag-asawang hindi biniyayaan ng Diyos ng kahit na isang anak sa loob ng labinlimang taong pagsasama. Sila ay sina Teban at Osang. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala ring nangyari.
Dahil sa kabiguang ito, ibinuhos ng mag-asawa ang kanilang panahon sa pag aalaga na lang ng maraming hayop tulad ng aso, pusa, manok, pabo, baboy at iba pa. Bukod sa nalilibang sila sa pag-aalaga ng hayop, sila ay kumikita din dito.
Sa lipon ng mga alaga nilang hayop, ang pusang puti ang pinaka paborito ni Osang. Alagang-alaga ito ni Osang sa pagkain at inumin. Itinatabi pa niya ito sa pagtulog. Parang isang anak na ang turing ni Osang sa puting pusa.
Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging abala sa pag-aalaga ng mga hayop, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang magkaanak. Patuloy pa rin silang namamanata sa iba’t-ibang santo sa ibat-ibang lugar…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Mag-Asawang Walang Anak“ |
Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Diyos, Teban, Osang, at Rosario Antonio. |
Tagpuan: | Ang tagpuan sa kwento ay sa isang malayong bayan. |
Moral na Aral: | “Makinig sa inyong mga magulang at kanilang mga habilin ay sundin dahil nais lamang nila ay ang makakabuti para sa iyo.” |
Banghay ng kwento
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Noong unang panahon, mayroong mag-asawa na walang anak kahit ilang beses na nila itong sinubukan sa loob ng labinlimang taong pagsasama.
- Binuhos na lamang nila ang kanilang panahon sa pag-aalaga ng kanilang mga hayop. Sa lahat ay ang puting pusa ang pinaka paborito ni Osang.
- Sa isang malayong bayan na kanilang pinuntahan ay nangako si Osang na kung bibiyayaan siya ng anak ay hindi niya ito patatapakin sa lupa.
- Hindi nagtagal ay nagsilang ng isang sanggol si Osang at pinangalanan itong Rosario.
- Tinupad nila ang kanilang pangako. Hanggang sa nag dalaga si Rosario ay hindi ito nakaapak sa lupa. Di nagtagal ay nagkasundo ang mag-asawa na sabihin ito sa kanya.
- Kahit ganito ay meron paring nanliligaw kay Rosario at yun ay si Antoni.
- Isang araw ay dumalaw si Antonio at nag tanong kung pwede ba siya pumasok na agad namang tinanggihan ni Rosario.
- Kung ganoon sabi ni Antonio ay kung pwede ba na magkwentuhan sila sa kanilang hardin.
- Pumayag si Rosario kahit alam niyang bawal. Pagtungtong niya sa lupa ay biglang yumanig ang buong kapaligiran. Umagos ang tubig na hindi malaman kung saan nanggaling. Nilamon ng tubig ang kabahayan.
- Nang bumalik ang mag-asawa sa bahay ay isang ilog na lamang ang kanilang naabutan at dalawang buwaya.
Ang Mag-asawang Walang Anak – Aral
- Bilang mga anak ay obligasyon natin na sumunod sa sasabihin ng ating mga magulang. Makinig tayo sa kanilang mga habilin at wag na maging matigas ang ulo. Sundin natin ito dahil alam ng ating mga magulang ang mas nakakabuti para sa atin.
Ang Mag-asawang Walang Anak – Buod
Sa isang bayan ay mayroong mag-asawa na walang anak at binubuhos na lamang ang oras sa pag-aalaga ng kanilang mga hayop. Sa isang malayong bayan na kanilang pinuntahan ay nangako si Osang na kapag siya ay nabiyayaan ay hindi niya ito paaapakin sa lupa. At di nag tagal ay nag silang nga ito at pinangalanang Rosario.
Hanggang sa nag-dalaga ay hindi ito nakaapak sa lupa at kahit na hinabilinan siya ng kanyang magulang tungkol dito ay sinuway niya pa rin ito. Sinuway niya ito ng siya ay ayain ng kanyang manliligaw na mag-usap sa kanilang hardin.
Nang dahil dito ay nilamon sila at ang kanilang bahay ng tubig at si Rosario at Antonio ay naging buwaya. Ang sitwasyon na iyun ay ang naabutan ng magulang ni Rosario.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa huli ay sinuway ni Rosario ang habilin ng kanyang ina at ng dahil dito ay nilamon siya kasama si Antonio at ang kanilang bahay ng tubig at silang dalawa ay naging buwaya ng madatnan ng mag-asawa.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Mga Kuwento Tungkol Sa COVID-19
- Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19
- Ang Mga Maskara Ni Miko
- Ikaw Ang Aking Bayani
- Si Juan, ang Pumatay ng Higante
We are proud Pinoy!