ANG LUGAR SA HABANG PANAHON – Ang maikling kwento na ito ay tungkol sa dalawang taong tunay na nagmahalan. Tunghayan natin ang kanilang nakakaantig na kwento dahil paniguradong magbibigay ito ng inspirasyon sa atin.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Lugar sa Habang Panahon.”
Ang Lugar sa Habang Panahon
Isang dapit hapon sa araw ng Biyernes, may isang lalake ang nakatayo sa tapat ng simbahan at tila malalim ang iniisip. Di anu-ano’y may isang babae ang bumunggo sa kanya, sa lakas ng pagkakabunggo ay napaupo silang dalawa sa sahig.
Agad namang tumayo ang lalake at itinayo niya ang babae. Nang makatayo ang babae ay agad naman itong humingi ng tawad sa lalake. Ngunit walang reaksyon ang lalake kaya nagpakilala ang babae.
“Ako nga pala si Audrey. Ah… Alam mo kasi nagmamadali ako ngayon e. Pero may masakit ba sayo o kung ano man?”
“Ah… Wala naman,” sagot ng lalake ngunit wala pa ring reaksyon ang kanyang mukha.
“Sigurado ka? Pasensya na ha!? Di ko talaga sinasadya,” wika ni Audrey na halatang nag-aalala. Tumango lang ang lalake pero wala pa ring reaksyon ang mukha. Paalis na si Audrey ng maalala niya na di pa pala niya naitanong ang pangalan ng lalake.
“Ah! Ano nga palang pangalan mo?” napakunot ang noo ng lalake.
“Ako nga pala si Terrence,” wika nito pero halata mo na nagtataka ito. Ngumiti si Audrey at tuluyan ng nagpaalam kay Terrence.
Araw ng lunes nagmamadali si Audrey pumasok sa eskwelahan. Nang makapasok na siya ay agad siyang pumunta sa silid aklatan. Nang makarating siya doon may nakita siyang pamilyar na tao.
Nilapitan niya ito at tinitigan ng mabuti at naalala niya na si Terrence yon. Gusto niya sanang kausapin ngunit nabatid niya na marami itong ginagawa kaya di na lang niya ito inabala. Umupo si Audrey sa kalapit ng nagbabantay ng silid aklatan…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Lugar sa Habang Panahon“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Audrey, Terrence, isang estudyante, at ang kapitbahay at ina ni Terrence. |
Tagpuan: | Ang mga tagpuan na nabanggit sa kwento ay sa “simbahan, eskwelahan, bahay nina Terrence, at ospital.” |
Moral na aral: | “Ang pag-ibig ay kayang maghintay. Maging matiyaga lamang sa paghihintay at ito’y paniguradong ating makakamtan sa huli.” |
Banghay ng kwentong “Ang Lugar sa Habang Panahon”
Time needed: 3 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Isang araw, may isang lalaki na nakatayo sa tapat ng simbahan. Maya-maya ay may isang babae na bumunggo sa kanya at sila’y natumba sa sahig.
- Dahil dito, sila ay nagkakilala. Araw ng lunes, nagmadaling pumasok si Audrey sa eskwelahan. Pagdating ay agad itong pumunta sa silid aklatan at dito niya ulit nakita si Terrence.
- Tinulungan niya ito sa pagbitbit ng mga aklat nito. Simula noon ay palagi na silang magkasama at sila’y nahulog sa isa’t-isa.
- Sa hindi inaasahan, si Audrey ay nadulas at nasabi niya ang nararamdaman kay Terrence, ngunit si Terrence ay parang walang narinig. Nagulat si Audrey sa ginawa nito ngunit hinayaan na lamang niya ito.
- Kinabukasan, ni anino ni Terrence ay hindi nakita ni Audrey sa paaralan. Tatlong linggo ang lumipas ng sinubukan na niyang magtanong tanong dahil sa sobrang pag-aalala. Isang estudyante ang lumapit sa kanya at sinabi kung saan nakatira si Terrence.
- Matapos ito malaman ay agad niya itong pinuntahan. Ngunit hindi niya ito natagpuan doon. Mabuti na lamang at sinabi sa kanya ng kapitbahay ni Terrence na ito ay nasa ospital.
- Agad-agad na pumunta si Audrey sa ospital at ang mga magulang na lamang nito ang naabutan niya doon. Umalis pala ito at sobrang nag-aalala na ang kanyang ina sa kanya.
Pagpapatuloy ng Banghay
- 8. Natulala si Audrey sa kanyang mga nalaman at ‘di namalayan na nakarating na pala ito sa tapat ng simbahan. Pumasok ito sa simbahan at laking gulat nito ng makita si Terrence sa loob.
- 9. Nag-usap ang dalawa at hinabilin ni Terrence na kapag natupad na nito ang kanyang mga pangarap ay huwag siya nitong kalimutan na bisitahin sa lugar na iyon. Tumango si Audrey sa lahat ng mga habilin ni Terrence habang umiiyak.
- 10. Lumipas ang maraming taon at natupad na ni Audrey ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bumalik ito sa simbahan at ito’y pumasok at nagdasal doon. Kinausap nito si Terrence na sinasabing tinupad na nito ang pangako niya sa lalaki.
- 11. Habang siya ay nagsasalita, nagulat ito ng biglang nagsalita ang binata. Sila ay nagyakapan at nagpasalamat si Terrence kay Audrey dahil kung hindi dahil sa kanya ay siguradong wala na ito doon ngayon.
- 12. Nagulat si Audrey ng biglang lumuhod si Terrence at hiningi ang kanyang kamay para magpakasal. Sinagot ito ng “oo” ni Audrey at sa simbahan ring iyon sila ikinasal.
Ang Lugar sa Habang Panahon – Aral
- Ang pag-ibig ay kayang maghintay. Maging matiyaga lamang sa paghihintay at ito’y paniguradong ating makakamtan sa huli.
- Ang tunay na nagmamahal ay kayang maghintay sa taong kanyang minamahal, gaano man ito katagal.
Ang Lugar sa Habang Panahon – Buod
Isang araw, may isang lalaki na nabangga ng isang babae sa tapat ng simbahan. Sila ay sina Audrey at Terrence. Dito sila unang nagkakilala at dito na rin nagsimula ang kanilang kwentong pag-ibig.
Matapos ang pagtatagpo sa tapat ng simbahan ay nagkitang muli ang dalawa sa eskwelahan. Naging magkaibigan ang dalawa at sa kalaunan ay nahulog sa isa’t-isa.
Matapos ng ilang pangyayari ay nalaman ni Audrey na may sakit si Terrence sa puso. Ito ay ikinalungkot niya ng lubusan. Kaya nag aral ito ng mabuti at sinunod ang pangako niya sa lalaki.
Makalipas ang ilang taon, bumalik si Audrey sa lugar kung saan sila unang nagkita ng lalaki at kung saan ito nangako sa lalaki na siya’y babalik kapag natupad na nito ang kanyang mga pangarap.
Laking gulat nito ng sa kanyang pagdarasal ay biglang nagsalita ang lalaki sa kanyang likuran. Masayang masaya ito dahil bumalik ang lalaki kaya niyakap niya ito.
Nagulat ito ng lumuhod ang lalaki at inaya itong magpakasal.
Sa huli, sila ay ikinasal sa simbahan ring iyon. Sa simbahan kung saan sila unang nagkita’t nagkakilala.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, inaya ni Terrence si Audrey na magpakasal. Naiiyak itong sinagot ng oo ni Audrey at niyakap. At sila ay ikinasal sa mismong simbahan ring iyon.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Matalik Na Magkaibigan
- Ang Bata At Ang Aso
- Nakalbo Ang Datu
- Si Wigan At Si Ma-I
- Tren Maikling Kwento
We are proud Pinoy!