Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus (Buod At Aral)

ANG KAMPIYON NA SUSUPIL SA VIRUS – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang maikling kwento, na may buod at aral. Ating alamin kung anong bagong aral nanaman ang ating makukuha sa kwentong ito.

Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus (Buod At Aral ng Maikling Kwento)
(Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus.”

Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus

May isang virus na pinaguusapan ng lahat. Naglalakbay ito sa buong mundo, nagbibigay ng sakit sa mga tao, at naghahasik ng takot at pangamba.

Mula sa isang tao, napakabilis na lumilipat ng virus na ito patungo sa susunod.

Masaya ako ng sinabi ni Ama na hindi masyadong delikado ang virus na ito para sa batang tulad ko.

Subalit nalungkot naman ng sabihin ni Ina na ang virus ay napaka-delikado para sa ibang tao, lalo na sa mga nakatatanda…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Ama, Ina, at ang bata.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa bahay ng batang nagkukwento.
Moral na Aral:“Lahat tayo ay pwedeng makatulong sa pag-supil sa virus, kaya tayo ay magtulungan upang agad itong matapos at ang ating pamumuhay ay agad na bumalik sa dati.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. May isang virus na pinag-uusapan ang lahat dahil naglalakbay ito sa buong mundo at nagbibigay ng sakit.

  2. Masaya ako na hindi ito delikado sa batang tulad ko ngunit nalungkot ako dahil delikado ito sa mga matatanda.

  3. Labis akong natuwa ng sabihin ng aking magulang na lahat ay maaring makatulong.

  4. Pero ano nga ba ang maaari kong gawin upang patigilin ang virus? Kailangan ko ba mag-aral tumambling sa hangin?

  5. Pero salamat sa Diyos dahil hindi ko ito kailangan gawin at kailangan lamang manatili sa loob ng bahay.

  6. Mukhang madali ngunit marami akong nami-miss na gawin tulad ng pag-upo sa hita ni lolo.

  7. Naisip ko kung gaano ko kamahal ang aking mga mahal sa buhay at naisipan ko na ibabahagi ko ang aking pagmamahal sa lahat ng tao.

  8. Makikita niyo na mas malayo ang mararating ng pagmamahal ko kaysa sa virus.

Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus Aral

  • Sa panahon ng pandemya na ito ang lahat ay pwedeng makatulong upang mapagaan ito. Bawat isa satin ay pwedeng makatulong tulad na lamang ng hindi paglalabas sa bahay upang maiwasan mahawa sa virus. Kaya tayo ay magtulungan sa panahon ng pandemya upang agad itong matapos.

Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus Buod

Mayroong isang virus na pinag-uusapan ng lahat dahil ito ay nagbibigay ng sakit sa mga tao. Masaya ako na hindi masyadong delikado ang virus sa isang batang tulad ko ngunit nalungkot naman na delikado ito lalo na sa mga matatanda.

Labis ako natuwa ng sinabi ng magualang ko na lahat ay maaring makatulong. Mukhang madali ngunit marami akong namimiss tulad ng pag-upo sa hita ni lolo.

Kaya ibabahagi ko ang aking pagmamahal sa lahat ng tao sa mundo. Makikita niyo! Mas malayo ang mararating ng pagmamahal ko kaysa sa virus.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa katapusan ng kwento, naisip niya kung gaano niya kamahal ang kaniyang mga mahal sa buhay, pati na rin ang lahat ng tao sa mundo. Kaya sabi niya, ibabahagi niya ang kanyang pagmamahal sa lahat at sinabing mas malayo ang mararating ng kanyang pagmamahal kaysa sa virus.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment