Ang Kalabasa At Ang Duhat (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG KALABASA AT ANG DUHAT – Atin namang basahin ang maikling kwento na ito na may buod at aral. Ating tuklasin kung ano naman ang panibagong aral na ating makukuha sa kwentong ito.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Kalabasa At Ang Duhat
(Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na ito.

Ang Kalabasa At Ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito.

Matamang nag-isip si Bathala.

“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga.

At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang.” Wika ni Bathala. Ganyan nga ang nangyari.

Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ang Kalabasa At Ang Duhat”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Bathala, Duhat, at Kalabasa.
Tagpuan:Ang tagpuan ng kwento ay sa ating mundo.
Moral na Aral:“Lahat tayo ay magkaiba, makuntento tayo sa kung ano man ang ipagkakaloob sa atin ng Diyos.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Noong unang panahon ay nagtanim si bathala ng kalabasa at duhat. Dahil si bathala ang nagtanim ay lumaki si duhat pataas na itinunuturo’y kalangitan.

  2. Si kalabasa naman ay humaba nga ngunit hindi pataas kundi ito ay gumapang hanggang sa nakatakdang mamunga.

  3. Hindi alam ni Bathala kung ano ang ibibigay na bunga sa kanila kung kaya’t nag-isip ito.

  4. Napagpasyahan niya na bigyan ng malaking bunga si Duhat dahil ito ay malaki at maliit naman ang kay kalabasa.

  5. Ngunit nakita niya na nabali ang sanga ni duhat at hindi naman bagay kay kalabasa ang maliit na bunga.

  6. Kaya nag-isip ulit si Bathala at napag-isipan niya na ipagpalit ang mga bunga nito.

  7. Sa kanyang pagpalit ay napatunayan niya na tama ang kanyang ginawa dahil hindi malalaglag ang bunga ng kalabasa kahit malaki ito dahil gumagapang lamang ito.

  8. Sa duhat naman ay hindi na malalaglag ang bunga sapagkat magaan na lamang ito. At sa kanyang ginawa ay lubos na nasiyahan si Bathala.

Mga tauhan sa maikling kwento na “Ang Kalabasa At Ang Duhat”

  1. Bathala – Siya ang ating Panginoon na nagbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan. Siya ang nagbigay buhay sa atin at sa kalikasan tulad na lamang ng pag tanim niya kay kalabasa at duhat sa kwento.
  2. Kalabasa – Isang uri ng gulay na itinanim ni Bathala noong unang panahon na ngayon ay nagsisilbi ng pagkain sa atin.
  3. Duhat – Isang uri ng prutas na itinanim ni Bathala noong unang panahon kasabay ng kalabasa na ngayon ay atin ng kinakain panghimagas.

Ang Kalabasa At Ang Duhat – Aral

  • Tayo ay maging mabuti at makuntento sa kung ano man ang ibibigay ng panginoon sa atin at makuntento dahil lahat tayo ay magkaiba.
  • Lahat tayo ay magkaiba at may kanya-kanyang katangian na binigay sa atin ng Diyos kung kaya’t tayo ay makuntento na lamang at magpasalamat sa kung ano mang biyaya ang ipinagkaloob sa atin ng buong maykapal.

Ang Kalabasa At Ang Duhat – Buod

Noong unang panahon ay nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Dahil si Bathala ang nagtanim ay lumaki ang duhat pataas at si kalabasa naman ay lumaki ngunit hindi pataas kundi ito ay gumagapang lamang.

Nang pareho ng handa ang dalawang mamunga, binigyan ni Bathala ng malaking bunga si duhat at maliit naman kay kalabasa. Ngunit nakita niya na naputol ang sanga ni duhat at hindi naman bagay kay kalabasa ang maliit na bunga.

Kung kaya’t nag-isip uli si Bathala at ipinagpalit ang bunga ng dalawa. Pagkatapos ay nakita niya na tama ang kanyang desisyon at nagbigay ito sa kanya ng matinding kasiyahan.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay labis ang kasiyahan na naramdaman ni Bathala dahil tama ang kanyang desisyon na ipagpalit ang bunga ng dalawa.

Ating tandaan na laging magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap mula sa Panginoon, maliit man ito o malaki dahil alam ng Diyos kung ano ang mas nakakabuti para sa iyo.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment