Ang Kaibigan Ba o ang Tiya (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG KAIBIGAN BA O ANG TIYA – Sa artikulong ito, ating basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Kaibigan Ba o ang Tiya.” Ating alamin kung bakit natin kailangan maging mabait sa ating kapwa lalo na sa ating mga pamilya.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Kaibigan ba o ang Tiya
Ang Kaibigan ba o ang Tiya (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Kaibigan Ba o ang Tiya”

Ang Kaibigan Ba o ang Tiya

Labintatlong taong gulang lamang si Rod nang mamatay ang mga magulang sa isang car accident. Solong anak lamang siya, kinupkop ng tiyahin na si Aling Magda, na nakatatandang kapatid ng kanyang ama. Matandang dalaga ito, limaput-dalawang taong gulang na at ubod ng sungit. May tindahan si Aling Magda sa silong ng bahay.

Mayroon siyang katulong, si Aling Tasya, limampung taong gulang na, biyuda at walang anak. Tatlong taon na itong naninilbihan sa kanya at nakasanayan na ang kayang kasungitan. Masipag na katulong si Aling Tasya, mabait at makapagkakatiwalaan.

Mula nang maulila sa mga magulang si Rod ay kay Aling Magda na ito nanirahan. Tumutulong si Rod sa mga gawaing bahay, nagwawalis sa maluwang na bakuran, nagsisiga ng mga tuyong dahon, nagpapakain ng mga manok, at nagbibitbit ng mga pinamili ng tiyahin tuwing araw ng sabado at linggo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Kaibigan Ba o ang Tiya
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Rod, Aling Magda, at Aling Tasya.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa bahay ni Aling Magda.
Moral na Aral:“Maging mabuti sa ating mga kapwa lalo na sa ating mga pamilya, dahil sa oras ng pangangailangan pamilya lamang natin ang makakatulong sa atin.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Labintatlong taon lamang ang batang si Rod ng mamatay ang kanyang mga magulang at kinupkop siya ng kanyang tiya na si Aling Magda dahil solo anak lamang siya.

  2. Mula ng maulila ay kay Aling Magda na siya tumira. Siya ay tumulong sa mga gawaing bahay at kung ano-ano pa.

  3. Noong una ay nahihiya pa ang batang si Rob sa mga pagkaing bigay sa kanya ni Aling Tasya. Kalaunan ay nasanay na rin siya.

  4. Walang panahon si Aling Magda makipag-usap kay Rob at si Aling Tasha lamang ang kanyang kasama kung kaya’t naging magkaibigan silang dalawa.

  5. Nang taon ding iyon ay hindi nakapag-aral ang batang si Rod. Kahit na siya ay masipag hindi niya nadama ang pagmamahal ng tiyahin.

  6. Tanging si Aling Tasya lamang ang ngumingiti sa kanya. Nagulat na lamang siya ng sinama siya ni Aling Tasya sa palengke at binilhan ng bagong mga damit.

  7. Nagalit si Aling magda ng makita ang mga bagong damit nito dahil inakala niya na nagpabili ang bata. Agad namang nagpaliwanag si Aling Tasya.

  8. Minsan ay nagkalagnat si Rob at labis ang pag-alala ni Aling Tasya at walang pagbahala na sinabi ni Aling Magda na “Sus, lagnat lang ‘yan! Painumin mo ng gamot.”

  9. Lumipas ang mga araw ay lalong napamahal si Rob kay Aling Tasha. Isang gabi ay naalimpungatan ang natutulog na si Rob sa sala.

  10. Umuuga ang bahay ngunit wala namang lindol. At doon niya napagtanto na magigiba na ang bahay dahil sinalpok ito ng lahar.

  11. Sabay na narinig ni Rob ang sigawan ni Aling Tasha at Aling Magda. Tumakbo siya at sinagip si Aling Tasya sa kabilang silid.

  12. Kinaumagahan ay maraming bahay ang nawasak. Sa ibabaw ng isang inaanod na bubong ng bahay ay naroon ang mga walang malay na sina Rod at si Aling Tasya ngunit wala si Aling Magda.

  13. Nang mahimasmasan ay nalaman ni Rob na ang kanyang tiyahin ay inanod ng lahar at hindi na niya ito nasagip kahit naisin niya man ito.

Ang Kaibigan Ba o ang Tiya – Aral

  • Sa ating buhay, tayo ay maging mabuti sa ating kapwa at sa mga taong nakapaligid sa atin. Iwasan natin ang maging masungit at masama sa ibang tao lalo sa ating mga pamilya dahil sila lamang ang makakatulong sa atin sa oras ng pangangailangan. Ating tandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya ring iyong aanihin.

Ang Kaibigan Ba o ang Tiya – Buod

Simula ng maulila ang batang si Rob ay kinupkop na ito ng kanyang Tiya na si Aling Magda. Ngunit mula sa simula ay wala na itong oras sa kanya at hindi niya minsan naramdaman ang pagmamahal ng kaniyang tiya. Taliwas naman sa kabutihang ipinapakita sa kanya ng katulong ng kanyang tiya na si Aling Tasya. Mabait at parang anak na ang turing nito sa kanya.

Kung kaya’t ng isang gabi na sinalpok ng rumaragasang lahar ang kanilang bahay ay alam na niya na isa lamang ang kanyang masasagip. Sinagip ni Rob si Aling Tasya kaysa kay Aling Magda dahil ito lamang ang nagpakita ng kabutihan sa kanya.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa katapusan ng kwento ay tanging si Aling Tasya lamang ang nasagip ni Rob sa rumaragasang lahar. Ito ang kanyang inuna dahil ito ang mas nagpakita sa kanya ng kabutihan mula sa simula. Naisin niya man na masagip rin si Aling Magda ay hindi na niya ito makakaya dahil aanudin na ng lahar ang bahay.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment