Ang Inapi (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG INAPI – Sa artikulong ito, ating mababasa ang buod ng maikling kwento na ito. Ito ay tungkol sa batang inapi noon na naging matagumpay sa buhay. Gawin natin itong inspirasyon upang tayo rin ay magtagumpay sa buhay.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Inapi (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Inapi (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Inapi.”

Ang Inapi

Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila.

Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at kung anu-ano pa.

Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Inapi
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Rona, tihayin nito, limang pinsan, kapatid, at asawa’t tatlong anak.
Tagpuan:Ang mga tagpuan sa kwento ay sa “Metro Manila at Cebu City.”
Moral na aral:Ano man ang ating sitwasyon sa buhay, sikapin pa rin nating makapagtapos ng pag-aaral.”

Ang Inapi – Aral

  • Ano man ang ating sitwasyon sa buhay, sikapin pa rin nating makapagtapos ng pag-aaral.
  • Maging matatag tayo at mapagpakumbaba, gaano man kalupit ang mundo at mga tao sa atin.
  • Magsumikap at magsipag upang maabot ang mga pangarap sa buhay.

Ang Inapi – Buod

Isa sa walong magkakapatid si Rona. Dahil sa kahirapan, siya ay nanirahan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila. Hindi ito itinuring na kamag-anak ng kanyang tiyahin at mga pinsan, sa halip ay tinuring itong katulong.

Siya ang gumagawa ng lahat ng mga gawain sa pamamahay ng kanyang tiyahin. Naging malupit rin ang kanyang mga pinsan sa kanya. Utos dito, utos doon ang kanilang ginagawa. Ngunit tiniis lahat ito ni Rona, hanggang sa siya ay nakapagtapos ng high school at kinuha ng kanyang kapatid at dinala sa cebu.

Nakapagtapos ito ng kolehiyo bilang isang Magna cum laude. Nag-aral ito ulit at naging Doctor of Education. Nakapangasawa din ito ng isang abogado at nagkaron sila ng tatlong anak.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, si Rona ay naging matagumpay sa buhay. Ang batang kinawawa noon ay isa nang nirerespetong tao ngayon. Masaya na ito sa piling ng kanyang anak at mapagmahal na asawa.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment