Ang Inang Matapobre (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG INANG MATAPOBRE – Gawin nating inspirasyon ang maikling kwento na ito, na may buod at mga aral na tiyak na magbibigay sa atin ng malaking leksiyon sa buhay. Simulan muna natin sa pag-alam kung ano ang kahulugan ng maikling kwento.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Inang Matapobre (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Inang Matapobre (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Inang Matapobre.”

Ang Inang Matapobre

Laging bukambibig ni Aling Osang na ang anak na engineer na si Monching ay dapat lang makapag-asawa ng isang mayaman dahil may mataas itong katungkulan sa kumpanyang pinapasukan at topnotcher pa sa board exam.

Kaya gayon na lamang ang galit at pagkabigla nito nang malaman niyang si Corazon na kapitbahay niya ang naging kasintahan ng anak. Ayaw niya sa babaeng ito. Gagawa siya ng paraan upang mapaglayo ang dalawa.

Kinausap ni Aling Osang ang anak, ipinakakalas kay Corazon…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Inang Matapobre
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Aling Osang, Monching, Corazon, Lanie, anak na babae ni Monching at Lanie, katulong, ama ni monching, at ama’t ina ni Lanie.
Tagpuan:Ang tagpuan ng kwento ay sa “Bohol at Bacolod.”
Moral na aral:Hindi nasusukat ang isang tao sa yaman nito, kaya huwag maging matapobre.”

Banghay ng kwentong “Ang Inang Matapobre”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Laging bukambibig ni Aling Osang na ang anak na si Monching ay dapat lang na makapag-asawa ng mayaman. Kaya nagalit ito nang malamang ang kapitbahay nilang si Corazon ang kasintahan ng anak.

  2. Sinabihan nito si Monching na makipaghiwalay kay Corazon kahit na hindi naman ito mahirap. Ito ay dahil mas mataas pa daw riyan ang pangarap niya sa anak.

  3. Tumahimik na lamang si Monching dahil ayaw na nitong mas humaba pa ang pagtatalo nila ng ina.

  4. Mula noon, naging madalang na ang pagkikita nina Corazon at Monching. Naging abala na sila sa kani kanilang mga trabaho.

  5. Mabilis na lumipas ang dalawang taon. Nakatanggap ng sulat si Aling Osang mula sa anak. Sinabi nito na may asawa’t anak na pala ito sa bacolod at mayaman ang pamilya ng napangasawa nito. Sa isang bahagi ng sulat, pinapapunta nito ang mga magulang sa Bacolod sa darating na Linggo.

  6. Dahil hindi na makahintay ang ina ay pumunta na sila doon noong araw ding iyon. Pagdating sa bahay ng anak, wala pa doon si Monching at hindi naging maganda ang trato ng kanilang manugang sa kanila.

  7. Pagdating ng Linggo ay hindi parin nakauwi ang kanilang anak, dahil may bagong proyekto na naman itong sisimulan.

  8. Naisip nito na masaya naman kaya ang kanyang anak sa asawa nitong maganda at mayaman nga ngunit masama naman ang ugali. Kung si Corazon ang napangasawa nito ay ilang apo na kaya ang yumayakap at lumalambing sa kanya ngayon.

  9. Sising-sisi si Aling Osang dahil siya ang naging dahilan kung bakit lumayo si Monching at nagtrabaho sa ibang lugar.

Ang Inang Matapobre – Aral

  • Hindi nasusukat ang isang tao sa yaman nito, kaya huwag maging matapobre.
  • Higit na mas matimbang ang may mabuting kalooban kesa sa taong mayaman ngunit may masamang ugali.
  • Kapag gumawa ng isang desisyon, siguraduhing hindi ito pagsisisihan sa huli.

Ang Inang Matapobre – Buod

Gusto ni Aling Osang na mayaman ang mapangasawa ng anak kaya gusto nitong maghiwalay ang anak at ang kapitbahay nilang si Corazon. Dahil sa pagkaabala sa kanya kanyang trabaho, naging madalang ang pagkikita ng dalawa.

Mabilis na lumipas ang dalawang taon at nagpadala ng liham si Monching sa ina na nagsasabing may asawa’t anak na ito at mayaman ang kanyang napangasawa.

Pumunta sa bahay ng anak si Aling Osang at ang asawa nito at nalamang hindi maganda ang ugali ng napangasawa ng anak. Sa huli, nagsisi si Aling Osang dahil sa isip nito’y kasalanan niya kung bakit halos hindi na nito makita ang anak.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, naisip ni Aling Osang na kung si Corazon kaya ang napangasawa ng kanyang anak ay ilang apo na kaya ang yumayakap at naglalambing sa kanya ngayon. Nagsisi ito dahil siya ang may kasalanan kung bakit halos hindi na nito makita ang kanyang anak.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment