Ang Dalawang Magtotroso At Ang Engkantada (Buod At Aral)

ANG DALAWANG MAGTOTROSO AT ANG ENGKANTADA – Sa artikulong ito ay panibagong maikling kwento naman ang ating babasahin. Ito ay pinamagatang “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada.” Ating tunghayan kung bakit nga ba natin kailangan maging tapat sa lahat ng oras.

Ang Dalawang Magtotroso At Ang Engkantada (Buod At Aral ng Maikling Kwento)
Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na ito.

Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol ng isang puno upang gawing panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa.

Sinimulan niyang putulin ito ng kanyang palakol. Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan.

Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng dilim. Nang di sinasadya, ang talim ng palakol na kanyang tangan ay tumilapon sa lawa.

Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang makita ang kanyang hinahanap. Naupo siya sa paanan ng puno at nag-isip kung ano ang susunod niyang gagawin…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang dalawang magtotroso at ang engkantada.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa loob ng kagubatan.
Moral na Aral:“Tayo ay maging matapat. Iwasan natin ang pagiging sinungaling at huwag angkinin ang mga bagay na hindi naman sa atin.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Isang hapon, naisipan ng isang magtotroso na pumutol ng puno sa gubat upang gawing panggatong. Mabilis ang kanyang pagkilos dahil ayaw niyang abutin ng gabi. Sa di sinasadya, tumilapon ang kanyang palakol.

  2. Agad naman na sinisid ng lalaki ang lawa ngunit hindi niya ito nakita at napaupo na lamang. Bigla naman lumitaw ang isang engkantada at tinanong siya kung ano ang problema na agad naman niyang sinagot.

  3. Sumisid ang diwata sa lawa at sa una at dalawang beses nitong pagsisid ay may inilapag ito na ginto at pilak na talim.

  4. Tinanong siya ng engkantada kung sa kanya nga ba ito at agad naman na tumanggi ang lalaki.

  5. Sa ikatlong pagsisid ng engkantada ay nilapag nito ang isang bakal na itim at tinanong siya kung sa kanya ba ito.

  6. Agad naman sinabi ng lalaki na oo. Humanga ang engkantada sa kanyang katapatan, kaya ibinigay sa kanya ang ginto at pilak na talim.

  7. Nakita ito ng kanyang kapitbahay at tinanong kung saan niya ito nakuha na agad namang itinuro ng lalaki.

  8. Agad na pumunta ang lalaki sa gubat at nagkunwari na pumuputol ng puno at tumilapon ang kanyang talim sa lawa dahil sa sadyang niluwagan niya ito.

  9. Sumisid siya sa lawa at nagkunwari na naghahanap at napaupo habang nagkukunwari na malungkot.

  10. Lumitaw ang engkantada at tinulungan siya nito. Inilapag ng engkantada ang gintong talim at sinabi ng lalaki na kanya ito.

  11. Hindi pa ito nakuntento at sinabi ng meron pa siyang isang talim na nawawala. Nilapag ng engkantada ang pilak na talim at inangkin niya rin ito. Ngunit nagalit ang engkantada sa kanya.

  12. Sinabi nito na hindi ito mapapasakanya dahil siya ay hindi tapat at umalis na lamang ang lalaki sa gubat ng nahihiya sa kanyang ginawa.

Ang Dalawang Magtotroso at ang EngkantadaAral

  • Tayo ay maging matapat sa lahat oras.
  • Iwasan natin na umangkin ng mga bagay na hindi naman sa atin.
  • Laging tandaan na kailan man ang pagsisinungaling ay hindi nagdudulot ng maganda.

Ang Dalawang Magtotroso at ang EngkantadaBuod

May dalawang magtotroso na sinubukan ng engkantada ang katapatan sa gubat. Ang unang lalaki ay aksidenteng tumilapon ang kanyang talim sa lawa.

Tinulungan siya ng engkantada at sa pagsisid nito ay pinakitaan siya ng ginto at pilak na talim ngunit tinanggihan niya ito at sinabi na hindi ito sa kanya. At dahil sa kanyang katapatan ay ibinigay ito sa kanya ng engkantada.

Ang pangalawang lalaki naman, sinadya niya na tumilapon ang kanyang talim sa lawa. Tinulangan siya ng engkantada at pinakitaan ng ginto at pilak na talim.

Agad naman na inangkin ito ng lalaki. Ngunit nagalit ang engkatada dahil sa kanyang pagsisinungaling at sinabi na hindi ito mapapasakanya at sinabi na umalis na lamang siya sa gubat.

Nahihiyang lumakad ang lalaki dahil sa kanyang ginawa na pagsisinungaling.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay hindi binigay ng engkantada ang ginto at pilak na talim sa ikalawang lalaki sa kadahilanang hindi ito tapat sa kanyang salita at gawa.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment