Ang Dakilang Kaibigan (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG DAKILANG KAIBIGAN – Para sa iyo ano ba ang kahulugan ng pagkakaibigan? Sa artikulong ito, ating tunghayan ang kwento ng dalawang magkaibigang sundalo na nangako sa isa’t-isa na walang iwanan.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Dakilang Kaibigan (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Dakilang Kaibigan (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Dakilang Kaibigan.”

Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.

“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng labanan…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Dakilang Kaibigan
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Arman, Mando, at Kapitan.
Tagpuan:Ang mga tagpuan ng kwento ay sa “kampo ng mga sundalo at lugar ng labanan.”
Moral na aral:Ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan.”

Banghay ng kwentong “Ang Dakilang Kaibigan”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Ang magkaibigang sundalo na sina Arman at Mando ay nagkahiwalay nang sila ay pinaurong sa labanan ng kanilang Kapitan.

  2. Pagdating sa kanilang kampo, napansin ni Arman na wala si Mando. Nagpaalam ito sa kanilang kapitan na babalikan niya ang kaibigan ngunit hindi ito pinayagan.

  3. Ngunit pagsapit ng gabi, tumakas ito at binalikan ang kaibigan. Nang siya’y makabalik sa kanilang kampo, sugatan ito.

  4. Pinagsabihan ito ng kanilang kapitan dahil sa ginawa niya. Sinabi ni Arman na naabutan pa niyang buhay ang kanyang kaibigan at bago ito namatay sa kanyang kandungan ay naibulong pa nito na, “Utol, alam kong babalikan mo ako.”

  5. Parang napahiya ang kapitan at hindi na ito nakipagtalo’t pinagamot na lamang ang mga sugat ni Arman.

  6. Nang gabi ding iyon, hindi makatulog ang kapitan at naglakad-lakad ito sa paligid ng kampo. Naalala niya ang kanyang kaibigan na kagaya din ng kaibigan ni Arman na hindi na nakabalik matapos nilang umurong. Ang pingakaiba lang ay hindi niya ito binalikan.

Ang Dakilang Kaibigan – Aral

  • Ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan.
  • Ano man ang mangyari at ano man ang sitwasyon, ang tunay na kaibigan ay hinding hindi tayo iiwan.
  • Sa paggawa ng mga desisyon sa buhay, pag-isipan ito ng mabuti upang sa huli ay hindi natin ito pagsisihan.
  • Ang pagsunod sa payo ng mga matatanda ay makakabuti sa atin.

Ang Dakilang Kaibigan – Buod

Sa pag-urong ng mga sundalo sa labanan, may dalawang magkaibigang sundalo na nagkahiwalay. Pagdating ng isa sa kanilang kampo, hindi niya nakita ang kaibigan.

Binalikan nito ang kaibigan kahit hindi pumayag ang kapitan. Naabutan pa niya itong buhay at bago ito namatay sinabi pa nito sa kanya na alam nitong babalikan siya nito.

Nang malaman lahat ng kapitan, naalala niya ang kanyang kaibigan. Hindi niya ito binalikan ng hindi ito nakabalik sa kanilang kampo ng sila’y umurong din sa labanan.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, naglakad lakad sa paligid ng kanilang kampo ang kapitan. Naiisip niya ang kanyang kaibigan na kagaya din ng kaibigan ni Arman na hindi na nakabalik ng sila’y umurong sa labanan. Ang pinagkaiba lang ay hindi niya ito binalikan.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment