Ang Bulkang Taal Maikling Kwento – Buod At Aral

ANG BULKANG TAAL – Sa artikulong ito ay ating basahin ang maikling kwento na may buod at aral. Ito ay pinamagatang “Ang Bulkang Taal.” Ating tuklasin kung bakit nga ba natin kailangan maging maingat sa lahat ng ating gagawin.

Ang Bulkang Taal Maikling Kwento - Buod At Aral
Ang Bulkang Taal Maikling Kwento – Buod at Aral

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Bulkang Taal.”

Ang Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon ngunit wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.

Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya.

“Iyang singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-asawa.”

“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita.

“Alam ko po ang kahalagahan niyan.

Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Ang Bulkang Taal”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Prinsesa Taalita, Datu Balindo, at Mulawin.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa lawa ng bunbon.
Moral na Aral:“Tayo ay mag-ingat sa lahat ng ating gagawin at mag-isip at siguraduhin muna ang iyong kaligtasan bago gawin ang isang bagay.”

Banghay ng maikling kwento na “Ang Bulkang Taal”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Nahulog ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita sa lawa kung kaya’t nag-utos si Amang Datu Balindo na hanapin ito.

  2. Patuloy na pinahanap ng Datu sa kanyang mga kawal ang singsing dahil napakahalaga nito sa kanya.

  3. Patawarin ninyo ako,” saad ni Taalita sa kanyang ama sapagkat alam niya kung gaano iyon ka halaga. “Wag ka mag-alala,” saad naman ng kanyang ama dahil makikita lamang raw iyon.

  4. Sa mga naghahanap ay may isang binata na hindi napapagod at humingi ng tulong sa langit. Di nagtagal ay nakita ito ng binata. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.

  5. Ibinalik niya ito sa prinsesa at dahil sa malaking utang na loob ay napalapit ang loob ng binata sa kanila.

  6. Hindi naglaon ay naging magkasintahan at mag-asawa si Taalita at Mulawin at madalas na ginagawang pasyalan ang lawa.

  7. Isang araw, sa kanilang pamamangka ay nakakita ng magandang bulaklak si Taalita at bago paman siya mapigilan ng asawa ay tumalon na ito sa lawa.

  8. Nang hindi na lumitaw muli ang kanyang asawa ay dagling tumalon si Mulawin upang saklolohan ito. Ngunit, pareho silang nawala na parang bula.

  9. Laking pagluluksa ng buong barangay sa pangyayari ngunit hindi naglaon ay may lumitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo.

  10. Pinangalanan itong Bulkan Taal ng amang datu para sa kanyang anak. Ayun sa mga mangingisda ay madalas nilang naririnig ang masayang awit ng mag-asawa na kahit sa kabilang buhay ay masaya silang nagmamahalan.

Ang Bulkang Taal – Aral ng Maikling Kwento

  • Sa lahat ng oras ay iwasan natin ang pagiging padalos-dalos.
  • Mag-isip muna tayo ng mabuti bago gawin ang isang bagay at tanungin ang ating sarili kung ligtas ba ito.

Ang Bulkang Taal – Buod ng Maikling Kwento

Nahulog ang singsing ni Prinsesa Taalita sa lawa na agad naman pinahanap ng kanyang Amang Datu sa mga kawal nito ngunit nabigo silang hanapin ito.

May isang binata na hindi napagod sa paghahanap at humingi ng tulong sa langit upang mahanap ito. Hindi kalaunan ay nahanap niya ito. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.

Ibinalik niya ito sa prinsesa at ng dahil dito ay naging malapit ang loob nilang dalawa. Hindi naglaon, sila ay naging mag-asawa at lagi nilang pasyalan ang lawa.

Isang araw, sa kanilang pamamangka ay nakakita si Taalita ng magandang bulaklak at bago paman siya mapigilan ng asawa ay tumalon na ito.

Nang hindi na ito muling lumitaw ay dagling tumalon si Mulawin upang saklolohan ang asawa ngunit pareho silang nawala na parang bula.

Labis ang pagluluksa ng buong barangay. At ng may lumitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo ay pinangalanang ito ng amang datu na bulkan taal para sa kanyang anak.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay parehong nawala na parang bula ang mag-asawa sa lawa na nagdulot ng matinding kalungkutan sa buong barangay. At nang may lumitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo ay pinangalanan ito ng amang datu na bulkan taal para sa kanyang anak.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment