ANG BUHAY NGA NAMAN – Ang maikling kwento na ito ay tiyak na magbibigay inspirasyon sa atin. Magbibigay rin ito sa atin ng mga insight at mga realisasyon tungkol sa pamilya at kakayahan.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na ito.
Ang Buhay nga Naman
Punumpuno ng ligaya ang dibdib ni Aling Juling sa mga papuri at paghanga ng mga kaibigan at kakilala.
Ilang beses siyang umakyat-manaog sa entablado upang samahan ang anak sa pagtanggap ng iba’t ibang karangalan – Valedictorian, Best Declaimer, Best Orator, Leadership Award, Achievement Award, Girl Scout Award, Model Pupil Award, Bb. Karunungan Award, at kung anu-ano pa…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Buhay nga Naman“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Aling Juling, Maricris, at ang dalawang anak na lalaki at mister ni Maricris. |
Tagpuan: | Ang mga tagpuan na nabanggit sa kwento ay “Luzon, Visayas, at Mindanao.” |
Moral na aral: | “Lahat ng tao ay may kanya kanyang katangian. Intindihin natin at huwag hanapin ang katangiang mayroon tayo sa ating mga anak o magiging anak.” |
Aral ng Maikling Kwento
- Lahat ng tao ay may kanya kanyang katangian. Intindihin natin at huwag hanapin ang katangiang mayroon tayo sa ating mga anak o magiging anak.
- Gaano man kalayo ang ating narating at gaano man tayo kagaling, maging mapagpakumbaba pa rin tayo.
Ang Buhay nga Naman – Buod
Si Aling Juling ay punong puno ng ligaya sa mga papuri ng mga kaibigan at kakilala dahil sa mga parangal ng kanyang anak na si Maricris. Simula bata ay marami ng parangal na natatanggap ang anak.
Nang si Maricris ay nag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, hindi na ito nakatungtong ng entablado. Ngunit kahit ganoon ay masaya parin si Maricris dahil mababait at malalambing ang kanyang mga anak at asawa.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nangako ang panganay na anak ni Maricris sa kanya na magtatapos ito ng kolehiyo upang maipagmalaki niya din ito. Ang bunso naman ay nangakong mag-aaral ito ng Fine Arts at Business Administration upang makatulong sa kanilang negosyo.
Maligaya na sa piling ng dalawang anak at mapagmahal na mister si Maricris, kahit na hindi nito naranasan ang ipinaranas niya sa kanyang ina ng siya ay nag-aaral pa.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Ang Mga Maskara Ni Miko
- Ikaw Ang Aking Bayani
- Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus
- Si Juan, Ang Pumatay Ng Higante
- Ang Batang Espesyal
We are proud Pinoy!