ANG BATANG ESPESYAL – Upang maging stress-free ang pagsusuri ninyo sa maikling kwento na ito, ang artikulong ito ay magbibigay ng buod at mga aral ng kuwento. Siguradong maghahatid din ito ng aliw sa atin.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Batang Espesyal.”
Ang Batang Espesyal
Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay abnormal at ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe.
Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.
Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Batang Espesyal“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Mang Ramon, Aling Mila, Pepe, at apat pa na anak ng mag-asawa. |
Tagpuan: | Hindi nabanggit ang tagpuan sa kwento. |
Moral na aral: | “Maging maunawain at huwag maging maiinggitin.” |
Banghay ng kwentong “Ang Batang Espesyal”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Lima ang naging anak nina Mang Ramon at Aling Mila. Isa sa mga ito ay mongoloid at pinangalanan nila itong Pepe. Kahit malaki na ito ay inaalalayan parin ito ng kanyang mga magulang dahil malambot ang mga paa’t kamay nito.
- Kahit na abnormal ito ay mahal na mahal pa rin ito ng kanyang mga magulang. At kahit na binata na ay palagi paring nakasunod ang kanyang ina sa kanya, kaya lahat ng oras ng kanilang ina ay nauubos sa kanya.
- Hindi alam ni Aling Mila na nagseselos na pala ang kanilang apat na anak. Nag-uusap pala ang mga ito at napagkasunduan na sabihin sa ina ang kanilang hinanakit.
- Matapos mapatulog ni Aling Mila si Pepe ay kinausap ito ng apat niyang anak. Sinabi ng mga ito ang kanilang mga hinanakit. Gulat na gulat si Aling Mila sa nalaman.
- Ipinaliwanag nito sa mga anak kung bakit mas pinagtutuunan nito ng pansin si Pepe. Matapos magsalita ng ina ay hindi na nakasagot ang apat na anak sa hiya.
Gintong Aral ng “Ang Batang Espesyal”
- Maging maunawain at huwag maging maiinggitin.
- Matuto tayong umunawa sa mga taong may kapansanan, lalo na sa mga special child.
- Ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak ay walang kapantay.
Buod ng “Ang Batang Espesyal”
Lima ang naging anak ng mag-asawang Aling Mila at Mang Ramon. Isa sa mga ito ay mongoloid kaya mas pinagtuunan ito ng pansin ng mag-asawa. Hindi nila alam na nagseselos na pala ang apat pa nilang mga anak.
Hanggang sa nagsabi ng mga hinanakit ang mga ito sa kanilang ina. Nagulat si Aling Mila sa nalaman at ipinaliwanag sa mga anak kung bakit mas inaaruga nito si Pepe.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, ipinaliwanag ni Aling Mila sa kanyang apat na anak kung bakit mas pinagtutuunan nito ng pansin si Pepe. Sinabi niya rin sa mga ito na hindi naman sila nito pinapabayaan. Hindi na nagsalita pa ang apat sa hiya.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Isang Metro: Kwentong Pambata ukol sa COVID-19
- Ang Mga Maskara Ni Miko
- Ikaw Ang Aking Bayani
- Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus
- Si Juan, Ang Pumatay Ng Higante
We are proud Pinoy!