Ang Babaeng Maggagatas (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG BABAENG MAGGAGATAS – Sa pagbasa ng maikling kwento na ito, ating matututunan na mahalaga ang pagkakaroon ng pokus sa mga bagay na ating ginagawa sa kasalukuyan.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Babaeng Maggagatas (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Babaeng Maggagatas (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon, atin nang basahin ang nilalaman ng maikling kwento na ito at alamin ang hatid nitong aral.

Ang Babaeng Maggagatas

Isang araw ang babaing maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng gatas sa kanyang ulo. Maganda at mabuti ang panahon ng araw na iyon.

Habang siya ay naglalakad sa maruming lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung ano ang kanyang gagawin sa perang mapagbibilihan niya ng gatas.

“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at kapag ito’y nangitlog, ipagbibili ko at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog ay ibibili ko nang magandang damit na may laso…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Babaeng Maggagatas
Mga Tauhan:Ang tauhan sa kwento ay ang babaeng maggagatas.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa “palengke.”
Moral na aral:Magkaroon ng pokus sa mga bagay na ginagawa.”

Aral ng Kwento

  • Magkaroon ng pokus sa mga bagay na ginagawa.
  • Mas mahalaga ang pagbibigay pokus sa mga tungkulin sa kasalukuyan kesa sa sobrang pag pokus o pag-iisip ng mga bagay na ating pinapangarap. Ito ay dahil hindi natin maaabot ang ating mga pinapangarap kung hindi natin pagtutuunan ng pansin ang kasalukuyan.

Ang Babaeng Maggagatas – Buod

Isang araw, may babaeng maggagatas na pumunta sa palengke na may dalang bote ng gatas sa kanyang ulo. Dahil sa kanyang pangangarap habang naglalakad ay hindi nito namalayan ang bote na kanyang dala-dala, kaya ito ay nahulog.

Nalungkot ang babae sa nangyari at umuwi itong hindi alam kung saan kukuha ng kakainin sa araw na iyon.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, umuwi ang babae na malungkot na malungkot dahil sa nangyari. Hindi nito alam kung saan kukuha ng kakainin sa araw na iyon.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa inyong mga kaklase at kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment