Ang Araw At Ang Hangin (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG ARAW AT ANG HANGIN – Sa artikulong ito ay ating basahin ang maikling kwento na may buod at aral. Ito ay pinamagatang “Ang Araw At Ang Hangin.” Ating alamin sa kwentong ito kung bakit ang pagiging mayabang ay walang maidudulot na maganda.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Araw At Ang Hangin (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
(Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na ito.

Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking dumarating.

Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang pamagat ng maikling kwento ay “Ang Araw at ang Hangin.”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Araw at Hangin.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa isang malayong lugar.
Moral na Aral:“Iwasan natin ang pagiging mayabang dahil wala itong magandang maidudulot at maaari lamang natin itong pagsisihan sa huli.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Isang araw ay sinabi ni Hangin kay araw na “gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako sayo?

  2. Ngumiti naman si Araw at pumayag ito at sinabi na kung sino ang unang makakapag-alis ng polo na suot ng lalake ay siyang mas malakas.

  3. Si Hangin ang nag umpisa. Una ay nagustuhan pa ng lalaki ang ihip ng hangin ngunit ng palakasin niya ito ay isinara nito lahat ng butones hanggang leeg.

  4. Sumunod naman ay si Araw pinalakas niya ang kanyang sinag na nag udyok sa lalake upang kalasin lahat ng kanyang butones.

  5. At sa huli ay panalo ang Araw sa kanilang paligsahan.

Ang Araw At Ang HanginAral

  • Ang pagiging mayabang sa ating kapwa ay walang maidudulot na maganda.
  • Magpakumbaba tayo dahil ang pagiging mayabang ay maari lamang magdulot ng kasamaan na ating pagsisisihan sa huli.

Ang Araw At Ang Hangin – Buod

Isang araw ay inaya ni Hangin si Araw sa isang paligsahan upang malaman kung sino ang pinakamalakas sa kanilang dalawa. Nagpagkasunduan nila na kung sino ang unang makapag-alis ng suot na polo ng lalaki ay siyang mananalo.

Unang sumubok si Hangin. Pinalakas niya ang kanyang pag-ihip ngunit nabigo lamang siya.

Sumunod si Araw, pinalakas niya ang kanyang sinag na nag udyok sa lalaki na kalasin ang butones ng suot niyang polo. Sa huli ay si Araw ang nagwagi sa kanilang paligsahan.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa katapusan ng kwento ay si Araw ang naging kampiyon sa paligsahan na sinimulan ni Hangin.

Kaya ating tandaan na ang pagiging mayabang sa ating kapwa ay walang maidudulot na maganda at maari lamang ito magdulot ng kasamaan na pwede natin pagsisihan.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment