Ang Aral Ng Damo (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

ANG ARAL NG DAMO – Sa pahinang ito, tatalakayin natin ang isang maikling kwento tungkol sa aral na hatid ng damo para sa ibang mga halaman. Alamin natin kung anong aral nga ba ito nang tayo rin ay matuto.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Aral Ng Damo (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ang Aral ng Damo (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Aral ng Damo.”

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa iyong paligid?…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Aral ng Damo
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang Anghel, Ginoong Punongkahoy, Binibining Bulaklak, gardenia, Ginoong Saging, narra, at damo.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa “kagubatan.”
Moral na aral:Matutong makuntento sa anyo na ibinigay sa atin ng Diyos.”

Banghay ng kwentong “Ang Aral ng Damo”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. May isang anghel na bumaba mula sa langit upang tiyakin kung ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

  2. Una nitong tinanong ay ang punongkahoy, ngunit ito’y hindi masaya sa kanyang anyo sapagkat ito daw ay walang bulaklak.

  3. Ang sunod nitong tinanong ay ang bulaklak. Hindi rin ito masaya dahil wala itong halimuyak na kagaya ng gardenia.

  4. Dahil diyan, sunod nitong tinanong ay ang gardenia. Kagaya ng dalawa ay hindi rin ito masaya dahil naiinggit ito sa saging na may bunga.

  5. Tinanong naman ng anghel ang saging kung ito ba’y nasisiyahan sa kanyang sarili. Sinabi rin nitong hindi, dahil hindi raw ito kasing tibay ng narra.

  6. Sinunod nitong tanungin ang narra at kagaya ng lahat ng kanyang tinanong ay hindi rin ito nasisiyahan. Sinabi pa nitong mas gusto niyang maging damo.

  7. Sa pagtanong naman ng anghel sa damo, ito lang ang tanging sumagot na siya’y nasisiyahan na sa kanyang sarili. Sinabi pa nito na gusto lang niyang maging siya lamang.

Aral ng kwento

  • Matutong makuntento sa anyo na ibinigay sa atin ng Diyos.
  • Huwag maging insecure sa mga katangian na mayroon ang iba dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang katangian.

Ang Aral ng Damo – Buod

Isang araw, bumaba ang isang anghel mula sa langit upang tiyakin kung ang lahat ba ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. Sa kanyang pagtatanong, nalaman niyang lahat ay hindi nasisiyahan sa kanilang anyo maliban sa damo.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, huling tinanong ng anghel ang damo kung ito ba’y nasisiyahan. Ang sagot ng damo ay “oo” sapagkat siya’y kontento na sa kanyang anyo.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment