ANG ALKANSYA NI BOYET – Sa pagbasa ng buong kwento o ng buod ng maikling kwento na ito, matutuklasan natin ang mga aral na nais iparating nito sa mga mambabasa. Tuklasin natin ang nilalaman ng pahinang ito at alamin kung anong mga aral ang mapupulot natin dito.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Alkansya ni Boyet.”
Ang Alkansya ni Boyet
Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay.
Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si Boyet. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya ng mababang paaralan.
Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya ng alkansiyang kawayan.
Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga. Pinipitas nila ng kanyang inay ang mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.
Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang binibigyan ng pera sa kanyang inay…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Ang Alkansya ni Boyet“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Boyet, Mang Delfin, at Aling Pacing. |
Tagpuan: | Ang tagpuan ng kwento ay sa “tahanan nina Boyet at sa palengke.” |
Moral na aral: | “Mahalaga ang pag-iimpok para sa hinaharap o pangangailangan sa hinaharap.” |
Banghay ng kwentong “Ang Alkansya ni Boyet”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Ang pamilya ni Boyet ay mahirap lamang. Ang kanyang ama ay isang magsasaka at ang kanyang ina ay simpleng maybahay lamang.
- Si Boyet ay sampung taong gulang na at siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Tuwing bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataong makapag-ipon.
- Pinipitas ni Boyet at ng kanyang ina ang mga bunga ng prutas sa kanilang bakuran at ibinibenta ito sa palengke. At kapag nauubos ang kanilang paninda ay binibigyan ito ng kanyang ina at hinuhulog niya ito sa kanyang alkansya.
- Sa kasipagan ni Boyet mag-ipon, napuno ang kanyang alkansya. Nang malapit na ang pasukan, nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang tanim na palay ng ama ni Boyet.
- Sinabihan ito ng kanyang ina na baka hindi ito makakapag-aral dahil nawala na ang pinagkukunan nila ng pera at sila’y nagkautang.
- Ngunit sinabi ni Boyet na siya ay makakapag-aral pa din dahil puno na ang kanyang alkansya at iyon ang kanyang gagamitin sa kanyang pag-aaral.
Mga Tauhan na nabanggit sa kwento
❶ Boyet ➙ Si Boyet ay ang batang masipag mag-ipon. Siya ay sampung taong gulang at panganay sa apat na magkakapatid.
❷ Mang Delfin ➙ Si Mang Delfin ay ang ama ni Boyet. Siya ay isang magsasaka ngunit walang sariling lupa at inuupahan lamang ang kanyang tinataniman ng palay.
❸ Aling Pacing ➙ Si Aling Pacing ay ang ina ni Boyet. Siya ay isang simpleng maybahay lamang.
Aral ng “Ang Alkansya ni Boyet”
- Mahalaga ang pag-iimpok para sa hinaharap o pangangailangan sa hinaharap.
- Maging mabuti, maintindihin, at masipag na anak sa ating mga magulang.
- Hindi hadlang ang kahirapan sa ating pag-aaral kapag tayo ay nagsisikap at may diskarte sa buhay.
Buod ng “Ang Alkansya ni Boyet”
Mahirap ang pamilya ni Boyet at siya ang panganay na anak sa kanilang apat na magkakapatid. Si Boyet ay mahilig mag-ipon tuwing bakasyon. Ang hinuhulog nito sa kanyang alkansya ay ang ibinibigay sa kanya ng kanyang ina tuwing nauubos ang kanilang mga panindang prutas.
Nang malapit na ang pasukan, nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang tanim na palay ng kanyang ama at sila’y nagkautang. Hindi sana ito makakapag-aral kundi dahil sa kanyang mga ipon. Ito ang kanyang ginamit sa kanyang pag-aaral.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, sinabihan si Boyet ng kanyang ina na baka ito’y hindi muna makakapag-aral sa darating na pasukan dahil sa dulot ng bagyo sa kanila. Ngunit, sinabi ni Boyet na ito’y makakapag-aral pa rin dahil puno na ang alkansya nito at ito na lamang ang kanyang gagamitin sa pag-aaral.
Ating tandaan, ang pagiging matalino at madiskarte sa buhay ay ang makakatulong sa atin na maabot ang ating mga pangarap at hangarin. Matuto tayong mag-impok para kapag tayo ay nangailangan, tayo ay may madudukot.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
- Si Juan, Ang Pumatay Ng Higante
- Ang Batang Espesyal
- Ang Buhay Nga Naman
- Ang Inang Matapobre
- Ang Sapatero At Ang Mga Duwende
We are proud Pinoy!