Ambisyon Maikling Kwento – Buod At Aral

AMBISYON – Ang maikling kwento na ito ay paniguradong kapupulutan natin ng magandang aral. Ito ay tungkol sa isang babaeng nangarap at nagsumikap upang maging abogado. Ginawa nito ang lahat upang siya’y makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng kwentong ito, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng maikling kwento.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ambisyon (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Ambisyon (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Narito pa ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang,

  • Panimula
  • Tunggalian
  • Kasukdulan
  • at Wakas

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ambisyon.”

Ambisyon

Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag-aral siya ng kolehiyo.

Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapag-aral ng kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para may pang-bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho si Mia.

Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado.

Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may malaking bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya huminto muna siya sa pag-aaral, at nagdesisyong mag-iipon muna siya…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ambisyon
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Mia at ang mag-asawang Pilipina at Amerikano.
Tagpuan:Maynila
Moral na aral:Hindi hadlang ang kahirapan upang makapagtapos ng pag-aaral.”

Banghay ng kwentong “Ambisyon”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Si Mia ay isang mahirap na bata na nangangarap na maging abogado. Ngunit ng ito’y nagtapos ng high school, hindi na nila kinayang makapag-aral pa ito ng kolehiyo.

  2. Kahit na ganon ay hindi pa rin ito nawalan ng pag-asa. Nakipagsapalaran ito sa Maynila at naghanap ng trabaho upang may pambayad sa kolehiyo.

  3. Ang kita nito ay hindi naging sapat kaya tumigil muna ito sa pag-aaral upang mag-ipon. Pumasok itong kasambahay sa mag-asawang pilipina at amerikano.

  4. Minsang na kwento ni Mia ang tungkol sa kanyang pangarap. Naging mapalad ito dahil nag-alok ang mag-asawa na pag-aaralin siya ng mga ito kapalit ng kanyang serbisyo.

  5. Sobrang saya ni Mia sa nangyari at nagpasalamat ito sa mag-asawa. Nagsipag si Mia at minabuti ang kanyang pag-aaral hanggang sa nakapagtapos ito bilang Cum Laude.

  6. Ngayon ay sikat na itong abogado sa kanilang lugar at malaki ang pasasalamat nito sa mag-asawang nagpaaral sa kanya.

  7. Ayon pa kay Mia, “kahit gaano kahirap ang buhay, basta’t gusto mo ang isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan mo.”

Ambisyon – Aral ng Maikling Kwento

  • Hindi hadlang ang kahirapan upang makapagtapos ng pag-aaral. Ika nga sa kasabihan, “pag may tiyaga, may nilaga.”
  • Magsumikap at maging matiyaga sa pag-abot ng ating mga pangarap sa buhay.
  • Huwag hayaan ang kahirapan na maging hadlang sa pag-abot ng ating mga pangarap o mithiin sa buhay.
  • Walang bagay na hindi natin makukuha kung ating lang itong pagsisikapan.

Ambisyon – Buod ng Maikling Kwento

Si Mia ay isang mahirap na bata na nangangarap na maging abogado. Sa kasamaang palad, hindi na nila kayang makapag-aral pa siya sa kolehiyo pagka-graduate nito ng high school.

Kahit na ganon ay hindi ito nawalan ng pag-asa. Lumuwas ito ng Maynila, nakipagsapalaran doon, at naghanap ng trabaho habang nag-aaral. Ngunit hindi naging sapat ang kanyang kinikita, kaya tumigil muna ito ng pag-aaral upang mag-ipon.

Pumasok ito bilang isang kasambahay at ito’y naging mapalad dahil pina-aral ito ng kanyang mga amo. Nakapagtapos ito ng kolehiyo at naging sikat na abogado sa kanilang lugar.

Malaki ang pasasalamat nito sa mag-asawang nagpa-aral sa kanya. Sa huli ay sinabi nito sa kanyang sarili na, “kahit gaano kahirap ang buhay, basta’t gusto mo ang isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan mo.”

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, si Mia ay naging isang sikat na abogado at malaki ang pasasalamat nito sa kanyang mga amo na nagpa-aral sa kanya.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment