Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig | 9 Maikling Kwento

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAG-IBIG – Mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pag-ibig na may aral ang ihahatid namin sa inyo. Ang sarap ma-inlove, hindi ba?Nakakakilig, nakakaaliw, nakakakaba, nakakabaliw. Ilan lamang iyan sa mga emosyong naidudulot ng pag-ibig sa atin.

Gayunpaman, masasabi nating ang pag-ibig ay isa sa pinaka-masarap na pakiramdam na maaring maranasan ninuman. 9 halimbawa ng mga maikling kwento tungkol sa pag ibig na may aral na malaking bahagi ng panitikang Pilipino ang mababasa ninyo.

Bawat tao ay may kanya-kanyang mga kuwentong pag-ibig. May masasaya at mayroon ding malulungkot. May mga di-malimot na pangyayari samantalang sa iba naman ay masalimuot. Samantala, basahin ang mga kinalap at pinagsama-sama naming mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pag-ibig sa ibaba.

9 Halimbawa ng mga Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

Time needed: 5 minutes.

Narito ang siyam na mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pag-ibig.

  1. Ang Nawawalang Prinsesa

    Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga bagay na ikalulungkot o ikagagalit nila.

  2. Wala na Siya

    Mabuti sa tao ang may pangarap. Mas maganda kung may kasama ka na makakatuwang upang maabot iyon. Ngunit kung sakali mang ikaw na lang mag-isa ang aabot sa pangarap na iyon, huwag mo itong susukuan at huwag na huwag kang magpapakain sa matinding lungkot.

  3. Halaman ng Pagmamahal

    Mas mainam sana kung sa mas ligtas na tagpuan na lamang nagkita sina Malvar at Rosa. Sa ganitong paraan ay maaring naiwasan sana ang maaga nilang pagkamatay.

  4. Nakalbo ang Datu

    Kung talagang mahal mo ang isang tao, matutong tanggapin ang lahat sa kanya.

  5. Si Wigan at si Ma-l

    Ang maayos na pakikipag-usap ay nagdudulot ng kapayapaan. Gulo naman ang hatid ng hindi pagkakaunawaan.

  6. Si Ederlyn

    Ugaliing manalangin sa lahat ng panahon at pagkakataon.

  7. Tren

    Ang pag-ibig na ipinakita dito ay ang klase ng pag-ibig ng Diyos atin.

  8. Ang Lugar sa Habang Panahon

    May tamang panahon ang lahat ng bagay, at may tamang panahon din para sa pag-ibig.

  9. Bangkang Papel

    Maliban sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang, makikita rin ang pagmamahal ng ating mga nanay at tatay sa trabahong nagbibigay ng kabuhayan sa kanilang pamilya.

Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig
Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

1. Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa.

Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Nawawalang Prinsesa sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Ang Nawawalang Prinsesa“:

  • Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga bagay na ikalulungkot o ikagagalit nila.
  • Huwag aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam o walang nakakaalam kung saan ka pupunta. Marami nang napahamak sa ganitong gawain.
  • Kilalanin muna ang isang tao bago ito husgahan. Ang mabilis na paghatol sa iba ay maaring magdulot ng sakit sa kalooban nila.

2. Wala na Siya

“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno ng matatayog na pangarap.

Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Wala Na Siya sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Wala Na Siya“:

  • Kung ikaw ang nurse at sa iyo ay may magtanong, mangyaring ipaliwanag ng mabuti ang mga sagot sa taong nagtatanong upang hindi mabigyan ng ibang kahulugan ang sagot na iyong ibinigay.
  • Mabuti sa tao ang may pangarap. Mas maganda kung may kasama ka na makakatuwang upang maabot iyon. Ngunit kung sakali mang ikaw na lang mag-isa ang aabot sa pangarap na iyon, huwag mo itong susukuan at huwag na huwag kang magpapakain sa matinding lungkot.
  • Maaring may mga bagay na hindi mo maabot sa paraang nais mo ngunit kung magtitiwala ka sa Diyos ay siguradong may mas maganda siyang nakalaan para sa iyo.

3. Halaman ng Pagmamahal

Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng duhat. Sa lilim nito sila’y nagkukwentuhan.

Sa tabi ng puno may isang balon na yari sa mga batong adobe. Ang labi ng balon ay halos pantay sa lupa. Bawal sa mga bata ang tumayo o maglaro sa tabi nito.

Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat. Kumikintab ang maitim na balat ng mga hinog. Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar upang pagdating ni Rosa ay may ipapasalubong siya.

Maraming mga hinog na duhat sa dulo ng maliliit na mga sanga. Sa pagnanasa ni Malvar na mapitas iyon, napayapak siya sa isang sangang marupok.

Nahulog siyang tuloy-tuloy sa balon. Nawalan siya ng malay tao. Kaya, kahit na mababaw lamang ang tubig sa balon, si Malvar ay nalunod…

Isinulat ni L. Salvador

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Halaman Ng Pagmamahal sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Halaman Ng Pagmamahal“:

  • Laging mag-iingat. Kung sa simula’t mula pa’y may malaking palatandaan na “Bawal Tumambay” na nakalagay malapit sa lugar kung saan namatay sina Malvar at Rosa, hindi na sana nagkakaroon ng malagim na pangyayari.
  • Mas mainam sana kung sa mas ligtas na tagpuan na lamang nagkita sina Malvar at Rosa. Sa ganitong paraan ay maaring naiwasan sana ang maaga nilang pagkamatay.
  • Laging magpaalam sa mga magulang o “guardian” kung saan kayo pupunta at kung sino ang inyong kasama upang mas madali kayong mahanap kung sakaling bigla ang inyong pagkawala.

4. Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa.

Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Nakalbo Na Datu sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Nakalbo Na Datu“:

  • Kung talagang mahal mo ang isang tao, matutong tanggapin ang lahat sa kanya.
  • Huwag lang pisikal ang iyong gawing batayan sa pagmamahal. Higit na mahalaga ang mabuting ugali kaysa panlabas na kagandahan.

5. Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig: Si Wigan at si Ma-I

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban. Sa panahong ito nabuhay si Wigan, anak ng hari ng Banaue na si Ampual.

Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya sa isang talon upang magpahinga, nakakita siya ng isang dalagang naliligo. Naakit siya sa kagandahan nito ngunit napansin niyang ito ay isang dayuhan at walang karapatang maligo sa lupain ng Banaue.

Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang ahas. Nakilala niya na ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Si Wigan at si Ma-I” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Halimbawa ng mga Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Si Wigan at si Ma-I:

  • Ang maayos na pakikipag-usap ay nagdudulot ng kapayapaan. Gulo naman ang hatid ng hindi pagkakaunawaan.
  • Mas maiging piliin ang kapayapaan kaysa karahasan.

6. Si Ederlyn

Si Alex ay isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang Ederlyn De Vivarre. Hindi naman niya inasahan na magkakasama pala sila sa iisang klase, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging malapit sa isa’t isa.

Lalong nahulog ang loob ni Alex kay Ederlyn.

Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi mapiglan ni Alex na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni Ederlyn habang break time ng mga estudyante…

Isinulat ni Arriane Arlie Antonio

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Si Ederlyn” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Si Ederlyn“:

  • Kilalaning mabuti ang taong iibigin. Kadalasa’y mas mabuti kung maging magkaibigan muna kayo bago pumasok sa isang relasyon. Sa ganitong paraan, unti-unti mong makikilala ang taong nais mong pag-alayan ng iyong pag-ibig.
  • Ugaliing manalangin sa lahat ng panahon at pagkakataon.
  • Hilingin sa Diyos na patnubayan ka sa lahat mong ginagawa upang hindi ka mabiktima ng mga di-maipaliwanag na elemento sa mundong ito.

7. Tren

I’m forgiven, because you were forsaken

I’m accepted, you were condemned

Matagal na akong nagtatrabaho sa isang kumpanya ng isang tren. Bilang inhenyero, buong buhay ko ay ginugol ko sa kumpanyang ito.

Sa edad na animnapu’t tatlo ay nasaksihan ko na ang madaming mukha na paroo’t parito sa istasyon ng tren, pati ang samu’t saring kwento ng buhay ay aking natunghayan. Mula sa simpleng pagmamasid sa mga pasahero hanggang sa pakikipag-usap sa kanila, nalalaman ko ang mga pinagdadaanan nila.

Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo, manloloko, mga gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde, mamatay tao, magnanakaw, at marami pang iba. Sila ang mga taong kadalasan ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay, lugar, alaala, at mga taong kanilang sinira…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Tren” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Tren”:

  • Ang pag-ibig na ipinakita dito ay ang klase ng pag-ibig ng Diyos atin. Iniaalay niya ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay maligtas sa isang tiyak na kapahamakan.
  • Maaring hindi tayo karapat-dapat sa ganitong klase ng pag-ibig, ngunit ang tiyak ay minamahal Niya tayo kaya kahit ang bugtong Niyang anak ay handa niyang isakripisyo.

8. Ang Lugar sa Habang Panahon

Isang dapit hapon sa araw ng Biyernes, may isang lalake ang nakatayo sa tapat ng simbahan at tila malalim ang iniisip. Di anu-ano’y may isang babae ang bumunggo sa kanya, sa lakas ng pagkakabunggo ay napaupo silang dalawa sa sahig.

Agad namang tumayo ang lalake at itinayo niya ang babae. Nang makatayo ang babae ay agad naman itong humingi ng tawad sa lalake. Ngunit walang reaksyon ang lalake kaya nagpakilala ang babae.

“Ako nga pala si Audrey. Ah… Alam mo kasi nagmamadali ako ngayon e. Pero may masakit ba sayo o kung ano man?”

“Ah… Wala naman,” sagot ng lalake ngunit wala pa ring reaksyon ang kanyang mukha…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Lugar Sa Habang Panahon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Halimbawa ng mga Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig “Ang Lugar Sa Habang Panahon ni Ms. Necang“:

  • May tamang panahon ang lahat ng bagay, at may tamang panahon din para sa pag-ibig. Matiyagang maghintay para dito.
  • Sa ngayon, mag-aral kang mabuti at trabahuhin mo ang iyong pangarap upang kapag dumating ang tamang tao na pag-aalayan mo ng iyong pag-ibig ay nakahanda na ang lahat.

9. Bangkang Papel

Ang kuwento ng pagmamahal ay hindi lamang kinatatampukan ng mga salaysay ng romansa. Maging ang mga kuwentong maituturing na klasiko na ay kinapupulutan din ng aral tungkol pagmamahal sa pamilya.

Lahat ng pagmamahalan ay nakabubuo ng pamilya, nagkakaroon ng anak ang mga magkasintahan kaya naman isang uri ding ng pagmamahal ang kuwentong pampamilya.

Ang akda ni Genoveva Edroza-Matute na Bangkang Papel ay isang kuwento ng pag-ibig na wagas ng isang anak sa kaniyang ama, gayundin ang ama sa kaniyang anak.

Nag-umpisa ang kuwento sa kalagayan ng isang bata na mayroong simpleng nais sa buhay, ang makapagpaandar o makapagpaanod ng bangkang papel. Gumawa raw ang bata ng tatlong bangkang papel…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Bangkang Papel” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig na “Bangkang Papel”:

  • Maliban sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang, makikita rin ang pagmamahal ng ating mga nanay at tatay sa trabahong nagbibigay ng kabuhayan sa kanilang pamilya.
  • Katulad ng sundalo sa kuwento na hindi man laging napapadama sa pamilya ang pag-aruga, ipinamalas naman ang pagmamahal sa bayan.

Ilang babasahin na maaring mong magustohan

Kongklusyon

Ang mga maikling kwento tungkol sa pag ibig dito ay gawa-gawa lamang o kwentong piksyon mula sa malawak na imahinasyon ng mga manunulat ngunit sigurado na nagbigay sa atin ng maraming aral.

Nagustohan mo ba ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pag ibig na may aral? Itala lamang ang iyong komento sa ibaba para malaman namin ang saloobin mo. Salamat!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment