MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA KAIBIGAN – Ngayon, ihahatid namin sa inyo ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kaibigan. Kaibigan, sila ang madalas nating pinagsasabihan ng mga sekretong hindi natin masabi sa ating mga kapamilya.
Halos lahat ng tao sa mundo ay may kaibigan o mga kaibigan na maituturing. Kasa-kasama natin sa saya at sa kalungkutan. Sila rin ang madalas nating kasangga kung may problema tayong pinagdadaanan. Sa kaibigan rin tayo nakakakuha ng mabilis na tulong sa oras ng pangangailangan.
Sila yung mga taong itinuturing nating kapatid o kung minsan ay higit pa sa kapatid. Kaya naman hinanap namin at pinagsama-sama ang ilang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kaibigan. Ang mga ito ay magbibigay ng inspirasyon sa ating lahat para mas lalo pa nating pahalagahan ang ating mga kaibigan.
Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Kaibigan Na May Aral para sa mga Bata
Time needed: 5 minutes.
Narito ang siyam na halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kaibigan na may aral.
- Ang Dakilang Kaibigan
Ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan.
- Modelong Bata
Hindi nasusukat ang katapangan sa salita kundi sa gawa.
- Ang Kaibigan ba o ang Tiya
Huwag maging masungit. Maging mabuting tao kahit na kanino.
- Ang Matalinong Pintor
Huwag manlamang sa kapwa.
- Ang Matalik Kong Kaibigan
Hindi mo hawak ang iyong buhay kaya maging handa ka sa lahat ng oras.
- Kaibigan Daw
Ang tunay na kaibigan, bukod sa hindi nang-iiwan, dapat din ay maasahan at hindi ka ilalagay sa sitwasyong iyong ikapapahamak.
- Bagong Kaibigan
Wala sa panaginip ang mga bagong kaibigan. Kaylangan mong magising sa katotohanan upang sila ay matagpuan.
- Ang Matalik na Magkaibigan
Abutin ang mga pangarap sa mabuting paraan.
- Ang Bata at ang Aso
Maging mabait sa mga hayop.

Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan na may aral
1. Ang Dakilang Kaibigan
Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.
Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.
“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng labanan.”
“Hindi maaari,” sabi ng kapitan. “Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong maaaring patay na…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Dakilang Kaibigan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral ng Maikling kwento:
- Sa kwentong ito, ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan.
- Matutong sumunod sa nakatatanda o nakatataas sa iyo upang maiwasang mapahamak.
2. Modelong Bata
Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y hinarang ng limang batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.
Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang hamon.
Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit!”
“Umiiwas ang Boy Scout sa away.”
“Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni Danilo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Modelong Bata” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Ang pambu-bully ay hindi magandang pag-uugali. Iwasan ito sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa iyo lalo na sa taong binu-bully.
- Hindi nasusukat ang katapangan sa salita kundi sa gawa.
- Ang kayabangan ay maaring maghatid sa iyo sa kapahamakan kaya ito ay iwasan.
- Maging palakaibigan sa lahat ng pagkakataon. Mas mainam ang nag-iipon ng kaibigan kaysa kaaway.
3. Ang Kaibigan ba o ang Tiya
Labintatlong taong gulang lamang si Rod nang mamatay ang mga magulang sa isang car accident. Solong anak lamang siya, kinupkop ng tiyahin na si Aling Magda, na nakatatandang kapatid ng kanyang ama.
Matandang dalaga ito, limaput-dalawang taong gulang na at ubod ng sungit. May tindahan si Aling Magda sa silong ng bahay. Mayroon siyang katulong, si Aling Tasya, limampung taong gulang na, biyuda at walang anak.
Tatlong taon na itong naninilbihan sa kanya at nakasanayan na ang kayang kasungitan. Masipag na katulong si Aling Tasya, mabait at makapagkakatiwalaan.
Mula nang maulila sa mga magulang si Rod ay kay Aling Magda na ito nanirahan.
Tumutulong si Rod sa mga gawaing bahay, nagwawalis sa maluwang na bakuran, nagsisiga ng mga tuyong dahon, nagpapakain ng mga manok, at nagbibitbit ng mga pinamili ng tiyahin tuwing araw ng sabado at linggo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Kaibigan ba o ang Tiya” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Huwag maging masungit. Maging mabuting tao kahit na kanino.
- Kahit na sino ay maari mong maging kaibigan. Kahit ito pa ay mas matanda o mas bata sa iyo.
- Kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin. Kaya kung ikaw ay nagtanim ng kabutihan ay tiyak na babalik rin sa iyo ang kabutihang itinanim mo.
4. Ang Matalinong Pintor
Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.
Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, “huwag kang aalis, Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo.”
“Ano po iyon, inay?” tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.
“Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Matalinong Pintor” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Huwag manlamang sa kapwa.
- Gawin ng buong husay at galak ang trabahong pinagagawa ng magulang upang matapos ito ng maayos.
5. Ang Matalik kong Kaibigan
Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.
Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary.
Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib.
Sinabi ko kay Nanay na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter’s Chapel kung saan siya nakaburol…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Matalik Kong Kaibigan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Hindi mo hawak ang iyong buhay kaya maging handa ka sa lahat ng oras.
- Maging mabuti kanino man.
- Laging humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanan mong nagawa at ugaliing manalangin na patnubayan ka ng Panginoon sa lahat mong pupuntahan at gagawin.
6. Kaibigan Daw
Isang hapon, naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat. Masaya nilang pinag-uusapan ang mga karanasan nila nang bigla na lamang nilang narinig ang kaluskos sa may gawing likuran.
Nang lingunin nila ay natanaw nilang dumarating ang napakalaking oso. Mabilis na umakyat sa katabing puno ang isa sa binata. Hindi niya naalaalang pagsabihan man lang ang kasama sa laki ng takot sa mangyayari sa sarili.
Naiwan ang kasama na di na makakibo dahil sa aabutan na ng oso. Naisipan na lamang niyang dumapa sa kinatatatayuan niya at magkunwaring patay. Alam niyang hindi inaano ng oso ang mga taong patay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Kaibigan Daw” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Ang tunay na kaibigan, bukod sa hindi nang-iiwan, dapat din ay maasahan at hindi ka ilalagay sa sitwasyong iyong ikapapahamak.
- Maraming magsasabi na sila ay totoong kaibigan, ngunit ang taong daramay lamang sa iyo sa panahon ng kagipitan ang matatawag na tunay na kaibigan sa kanilang lahat.
7. Bagong Kaibigan
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin.
Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat.
Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Bagong Kaibigan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Kaibigan:
- Wala sa panaginip ang mga bagong kaibigan. Kaylangan mong magising sa katotohanan upang sila ay matagpuan. Ugaliin ang ngumiti at huwag mahiyang makipag-kaibigan.
8. Ang Matalik na Magkaibigan
Magkasabay na lumaki sina Efren at Gardo. Mula sa buhay mahirap ay kinaya nila ang lupit ng kapalaran. Hindi sila nakapagtapos ng elementarya. Grade 2 lang si Efren at Grade 4 lang ang natapos ni Gardo.
Naging magkasama sila sa hanapbuhay, ang pagiging construction worker. Isang araw ay magkasama silang nag miminindal sa pondahan ni Lucy. Nagkaroon sila ng pagtingin sa dalaga ngunit hadlang ang kanilang kahirapan sa buhay.
“Lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo” wika ni Efren.
“Naku! Di niyo ako kayang pakainin, e magkano lang ang kinikita niyo sa pagiging labor sa constuction…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng isang maikling kwento na “Ang Matalik Na Magkaibigan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Kaibigan:
- Abutin ang mga pangarap sa mabuting paraan.
- Hindi hadlang ang kahirapan upang maabot ang pangarap. Magsumikap at magsipag dahil ilan lamang ang mga katangiang ito upang magkaroon ng maginhawang buhay sa hinaharap.
- Huwag gumawa ng masama para sa panandaliang kaginhawaan. Mas mabuti na ang mahirap na malinis ang budhi kaysa yumaman nga ngunit sa masamang paraan naman nakuha ang kayamanan.
- Ang tunay na kaibigan ay sumasaway sa maling gawi at hindi kinukunsinte ang kasama.
9. Ang Bata at ang Aso
Si Boyet ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-puti ang makapal na balahibo ni Tagpi.
Sa bandang likod ay mayroon itong isang malaking tagpi na kulay itim. Iyon ang dahilan kung bakit tagpi ang itinawag ni Boyet sa kanyang aso.
Mahal na mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng maraming masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal.
“Habol, Tagpi!” sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pagtakbo sa alaga.
Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing laki ni tagpi ang aso pero kulay tsokolate ito. Manipis ang balahibo ng tsokolateng aso kaya hindi ito magandang tingnan.
Marami pang putik sa katawan kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na ubod ng linis dahil araw-araw niyang pinaliliguan.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Bata at ang Aso” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Kaibigan:
- Maging mabait sa mga hayop.
- Huwag gawin sa ibang hayop ang ayaw mong gawin nila sa alaga mo.
Ilang babasahin na maaring mong magustohan
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap
- Maikling Kwento Kahulugan at Halimbawa
Kongklusyon sa Maikling Kwento Tungkol sa Kaibigan
Ang mga maikling kwento tungkol sa kaibigan dito ay gawa-gawa lamang o kwentong piksyon mula sa malawak na imahinasyon ng mga manunulat ngunit sigurado na nagbigay sa atin ng maraming aral.
Nagustohan mo ba ang mga maikling kwento tungkol sa kaibigan? Itala lamang ang iyong komento sa ibaba para malaman namin ang saloobin mo. Salamat!
We are Proud Pinoy!