Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap – Ating tunghayan ang mga halimbawa at aral ng maikling kwento tungkol sa pangarap para sa iyong sarili o pamilya. Depende sa iyo kung paano mo planong trabahuin at kung kaylan mo balak simulan para ang iyong pangarap ay magkaroon ng katuparan.
Anuman ang ating pangarap o hangarin sa buhay, mahalaga na malaman na ang katuparan ng ating mga pangarap ay nasa ating mga kamay. Kung gusto mong matupad ang mga pangarap mo, halina’t basahin ang mga maikling kwento sa pangarap nang ikaw ay maging insprirado sa pagkamit nito.

Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap
Time needed: 5 minutes.
Narito ang pitong na halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pangarap.
- Si Mariang Mapangarap
Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
- Ang Batang Maikli Ang Isang Paa
Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa Panginoon.
- Regalo sa Guro
Ang pagiging mabuting mag-aaral ang pinaka-mainan na regalong maari mong ibigay sa iyong guro.
- Kapuri-puring Bata
Bagama’t mahirap man ang kalagayan sa buhay, huwag nawa itong maging hadlang para abutin ang iyong pangarap o minimithi balang araw.
- Ang Babaeng Maggagatas
Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay magawa ito ng maayos.
- Ang Inapi
Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kalagayan sa buhay.
- Ambisyon
Huwag hayaang maging hadlang ang mga pagsubok tulad kahirapan sa pag-abot ng iyong mga pangarap.
1. Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.
Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman ang kabuuan ng maikling kwento tungkol kay “Mariang Mapangarapin” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap:
- Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
- Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.
2. Ang Batang Maikli ang Isang Paa
Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doctor.
Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Batang Maikli Ang Isang Paa” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento sa Pangarap:
- Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa Panginoon.
- Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo. Huwag mo na lang pansinin ang pangit na sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na linangin ang iyongb kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.
3. Regalo sa Guro
Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kanyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa aming guro. Ako lang po ang wala.”
Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino.
“Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At nagkuwento ang ina.
Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamag-aaral…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Regalo Sa Guro” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap:
- Ang pagiging mabuting mag-aaral ang pinaka-mainan na regalong maari mong ibigay sa iyong guro.
- Hindi mahalaga kahit gaano pa kamahal ang regalong ibibigay mo sa isang tao. Ang pinakamahalaga ay bukal sa iyong puso ang pagbibigay mo ng regalong iyon sa taong tatanggap.
- Matutong mangapa sa sitwasyon ng pamilya bago mag-isip ng mga bagay na pansarili o ibibigay sa iba.
- Karangalan sa mga magulang ang batang marunong sa buhay.
4. Kapuri-puring Bata
“Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong pagkaing pinananabikan ko, katulad ng mansanas at fried chicken…” Tugon ito ni Ralph, Grade III – 1, ng Paaralang Bagong Barangay, nang siya ay tanungin ng kanyang guro sa Journalism kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang tatlong alkansiyang puno ng mga barya.
Ito ay natipon niya sa pagiging batang-basurero.
Namumukod si Ralph, 10 taong gulang, sa mga ininterbyu ni Gng. Aida Escaja, isang tagapayo ng pahayagang pampaaralan. Dalawang palagiang trabaho ang ginagampanan ni Ralph.
Ipinagtatapon niya ng basura ang mga nakatira sa Bagong Barangay Tenement at errand boy sa palengke ng may bibingkahan sa kanilang pook…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Kapuri-puring Bata” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento sa Pangarap:
- Bagama’t mahirap man ang kalagayan sa buhay, huwag nawa itong maging hadlang para abutin ang iyong pangarap o minimithi balang araw.
- Kung nanaisin, maraming mabuting paraan upang umunlad sa buhay. Gamitin ng wasto ang katalinuhan at lakas na kaloob ng Diyos upang umunlad sa kasalukuyan at sa hinaharap.
- Matutong mag-impok upang sa oras ng pangangailangan ay may madudukot.
- Huwag mong sabihing bata ka. Sa mura mong edad at kaisipan ay marami kang magagawa at maari kang magsilbing inspirasyon para sa iba.
5. Ang Babaeng Maggagatas
Isang araw ang babaeng maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng gatas sa kanyang ulo. Maganda at mabuti ang panahon ng araw na iyon. Habang siya ay naglalakad sa maruming lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung ano ang kanyang gagawin sa perang mapagbibilihan niya ng gatas.
“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at kapag ito’y nangitlog, ipagbibili ko at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog ay ibibili ko nang magandang damit na may laso. Baka bumili rin ako ng isang pares ng sapatos.
Pagkatapos ay pupunta ako sa Pistang Bayan at ang lahat ng mga lalaki doon ay magtitinginan sa akin at ako’y susuyuin ngunit hindi ko sila papansinin at iismiran ko pa sila…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Babaeng Maggagatas” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap:
- Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay magawa ito ng maayos.
- Hindi masama ang mangarap ng mga magagandang bagay pero mas bigyan halagang at unahin kung ano ang pinakakailangan.
- Huwag magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.
6. Ang Inapi
Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila.
Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at kung anu-ano pa.
Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Inapi” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento sa Pangarap:
- Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kalagayan sa buhay.
- Ang taong masipag at nagsusumikap sa buhay ay may matagumpay na hinaharap.
- Huwag gantihan ang gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Ipagpasa-Diyos na lamang sila at magpatuloy ka sa iyong buhay.
7. Ambisyon
Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag-aral siya ng kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapag-aral ng kolehiyo.
Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para maypang-bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho si Mia.
Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado. Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may malaking bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod…
Karla May Vidal
Basahin ang kabuuan ng maikling kwento na “Ambisyon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral sa Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pangarap:
- Pag may tiyaga may nilaga.
- Huwag hayaang maging hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng iyong mga pangarap.
Kongklusyon
Ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pangarap ay may aral dito ay gawa-gawa lamang o kwentong piksyon. Ito ay mula sa malawak na imahinasyon ng mga manunulat ngunit sigurado na nagbigay sa atin ng maraming aral.
Nagustohan mo ba ang mga maikling kwento tungkol sa pangarap? Itala lamang ang iyong komento sa ibaba para malaman namin ang saloobin mo. Salamat!
Ilang babasahin na maaring mong magustuhan
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan
- Maikling Kwento Kahulugan at Halimbawa
We are proud Pinoy!