Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan | 10 Maikling Kwento

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA KALIKASAN – Mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kalikasan ang ihahatid namin sa inyo. Ang kalikasan ay ubod ng ganda. Ito ang pinakamagandang bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan.

Bawat bansa ay may maipagmamalaking tanawin. Dito sa Pilipinas, marami tayong maituturing na magagandang tanawin na hinahangaan at kinaiinggitan ng maraming banyaga. 10 halimbawa ng mga maikling kwento sa kalikasan ang mababasa ninyo.

Gayunpaman, ilan sa atin ang tila nakakalimot at sadyang inaabuso ang inang kalikasan. Hindi ito magandang senyales sa hinaharap. Kaawa-awa ang mga susunod na henerasyon kung ngayon pa lang ay hindi natin aalagaan ang ating kalikasan.

Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Kalikasan

Time needed: 5 minutes.

Narito ang sampong halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kalikasan na kapupulutan ng aral.

  1. Bakit Itim Ang Kulay Ng Uwak?

    Kapuri-puri ang taong masunurin at gumagawa ng tama.

  2. Punong Kawayan

    Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging mayabang.

  3. Ang Dalawang Magtotroso At Ang Engkantada

    Huwag maging ma-iinggitin. Maging masaya sa nakakamit na tagumpay ng iba at huwag mo silang kainggitan.

  4. Ang Kalabasa At Ang Duhat

    May kanya-kanyang natatanging katangian ang lahat.

  5. Araw, Buwan At Kuliglig

    Huwag nang palakihin ang maliit na pagtatalo. Ang pagpapakumbaba ay higit na mahalaga upang ang pagsasama ay lalong maging matibay at maligaya.

  6. Pagatpat

    Ang bawat nilalang ng Diyos ay may kanya-kanyang katangian at ambag sa pamayanan.

  7. Ang Aral Ng Damo

    Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba. Gamitin ito upang makatulong sa kapwa.

  8. Ang Araw At Ang Hangin

    Iwasan ang pagiging mayabang. Kadalasan ay wala itong mabuting naidudulot kanino man.

  9. Bulkang Taal

    Maging matapat sa pinagagawa sa iyo. Huwag agad susuko, tandaan “Kapag may tiyaga, may nilaga.”

  10. Si Mariang Makiling

    Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang nilalang.

Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan
Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan

1. Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa pamamagitan ng napakalaking baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.

Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may magandang tinig.

Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.

“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”

Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita niya. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya sa isang patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom ang uwak…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Bakit Itim Ang Kulay Ng Uwak? sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Maikling Kwento Tungkol sa Kalikasan na “Bakit Itim Ang Kulay Ng Uwak?”:

  • Gawin sa lalong madaling panahon ang pinag-uutos sa  iyo. Mag-pokus at tapusin kaagad ang iyong nakatakdang gawain.
  • Kapuri-puri ang taong masunurin at gumagawa ng tama.

2. Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”

“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.”

“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Punong Kawayan sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa Maikling Kwento sa Kalikasan:

  • Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging mayabang.
  • Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya kasing gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na matatag sa oras ng pagsubok.

3. Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol ng isang puno upang gawing panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa. Sinimulan niyang putulin ito ng kanyang palakol. Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan.

Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng dilim. Nang di sinasadya, ang talim ng palakol na kanyang tangan ay tumilapon sa lawa.

Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang makita ang kanyang hinahanap. Naupo siya sa paanan ng puno at nag-isip kung ano ang susunod niyang gagawin. Nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang isang engkantada, “Ano ang problema mo?”

“Ang talim ng aking palakol ay nahulog sa tubig, tugon niya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na may aral na “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Kalikasan na “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada“:

  • Maging matapat sa lahat ng pagkakataon. Kung hindi sa iyo ang isang bagay ay huwag itong angkinin.
  • Huwag maging sinungaling. Ikapapahamak mo lang ang pagsisinungaling.
  • Huwag maging ma-iinggitin. Maging masaya sa nakakamit na tagumpay ng iba at huwag mo silang kainggitan.
  • Kung nais mong yumaman, magsumikap ka. Magsipag. Trabahuhin mo ang iyong pangarap at huwag kang umasa sa iba.
  • Maging matalino sa paggawa ng desisyon. Isipin ng maraming beses ang maaring maging bunga ng desisyong gagawin at kung ito’y hindi magdudulot ng mabuti sa iyo at sa iba ay huwag na lamang gawin.

4. Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Kalabasa at ang Duhat sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento sa Kalikasan na “Ang Kalabasa At Ang Duhat”:

  • May kanya-kanyang natatanging katangian ang lahat. Maging masaya sa kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos dahil siguradong may dahilan kung bakit ganyan ang katangiang mayroon ka.

5. Araw, Buwan, at Kuliglig

Noong unang mga panahon, laganap pa sa kapaligiran ang mga punong siyang maaaring panirahan ng mga kuliglig. Kakaunti pa ang tao sa mundo, masagana ang kabukiran.

Isang araw, ang Buwan at ang Araw ay naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mag-asawang ito. Gwapo ang Araw at maganda ang Buwan. May anak silang lalaki. Mahal na mahal nila ang anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-anak.

Ang kasayahan nilang mag-anak ay ginulo ng isang alitan. Nagsimula lamang iyon sa isang munting pagtatalo, hanggang sa magpalitan na sila ng mabibigat na mga salita. Nagalit si Buwan. Inihampas ang walis sa pisngi ni Araw. Umalis si Araw dahil sa malaking galit sa asawa…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Araw, Buwan, at Kuliglig“ sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Kalikasan na “Araw, Buwan, at Kuliglig”:

  • Huwag nang palakihin ang maliit na pagtatalo. Ang pagpapakumbaba ay higit na mahalaga upang ang pagsasama ay lalong maging matibay at maligaya.
  • Palaging iisipin kung ano ang magiging bunga ng mga desisyong inyong gagawin. Kaawa-awa ang maaring mangyari sa mga taong maaring maapektuhan ng mga maling desisyong iyong nagawa.

6. Pagatpat

Isang gabing namamahinga na sila, nabanggit ni Dindo ang napuna nito sa dulong hilaga ng pulo. “May mga latian pala po sa gawing hilaga ng pulo,” sabi niya kay Mang Pisyong. “At marami po akong nakitang isang uri ng punongkahoy na ngayon ko lang nakita. Malalaki po ito, at may mga sumusulpot na kung anong matutulis na bagay sa tabi nila, parang maliliit na puno, pero medyo namumuti-muti.”

“Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang Pisyong. “Nasa putikan sila, at ang sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag na air roots, bahagi rin ng mga punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga puno dahil nasa putikan nga sila. At ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa mga lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa mga bote.”

“Parang may mga bunga rin po,” sabi pa ni Dindo…

Isinulat ni Gloria V. Guzman

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Pagatpat“ sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento sa Kalikasan na “Pagatpat”:

  • Ang bawat nilalang ng Diyos ay may kanya-kanyang katangian at ambag sa pamayanan.
  • Walang mabuting naidudulot ang pagpuputol ng mga puno at pagkakaingin. Iwasan ito upang hindi magkaroon ng masamang epekto sa kapaligiran at mga tao.
  • Gamitin ang talino upang iluklok ang tamang tao/pulitiko sa gobyerno. Kung bulok ang mga pinuno ay tiyak na walang magandang pakinabang ang mapapala ng mga tao, bagkus ay mas uunahin ng mga ito ang kanilang sarili kaysa sa kapakanan ng taumbayan.

7. Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Aral Ng Damo“ sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento sa Kalikasan na “Ang Aral Ng Damo:

  • Makuntento sa kung anong meron ka. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos na may kanya-kanyang katangian. Huwag maging mainggitin sa iba.
  • Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba. Gamitin ito upang makatulong sa kapwa.
  • Ang sikreto sa masaya at payapang pamumuhay ay ang pagiging kuntento. Huwag laging tingalain ang iba. Sa halip ay pagyamanin mo kung anong meron ka at matutong maging masaya para sa iba.

8. Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Araw At Ang Hangin“ sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Kalikasan na “Ang Araw At Ang Hangin”:

  • Iwasan ang pagiging mayabang. Kadalasan ay wala itong mabuting naidudulot kanino man.
  • Mas mainam sa tao ang may kababaang loob at hindi nagmamalaki. Higit siyang kapuri-puri kaysa taong maraming sinasabi ngunit kulang sa gawa at wala namang silbi.
  • Maging matalino sa bawat desisyong gagawin. Pag-isipan muna ng mabuti at makailang beses bago gumawa ng desisyon upang hindi ka magsisi.

9. Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon ngunit wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.

Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya. “Iyang singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-asawa.”

“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita. “Alam ko po ang kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Bulkang Taal“ sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento sa Kalikasan na “Bulkang Taal”:

  • Maging matapat sa pinagagawa sa iyo. Huwag agad susuko, tandaan “Kapag may tiyaga, may nilaga.”
  • Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag padalos-dalos sa mga desisyon dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan.

10. Si Mariang Makiling

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao.  Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. 

Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay.  Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Si Mariang Makiling“ sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral sa mga halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Kalikasan na “Si Mariang Makiling”:

  • Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata.  
  • Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang nilalang.

Ilang babasahin na maaring mong magustohan

Kongklusyon

Ang mga maikling kwento tungkol sa kalikasan dito ay gawa-gawa lamang o kwentong piksyon mula sa malawak na imahinasyon ng mga manunulat ngunit sigurado na nagbigay sa atin ng maraming aral.

Nagustohan mo ba ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kalikasan? Itala lamang ang iyong komento sa ibaba para malaman namin ang saloobin mo. Salamat!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment