MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAMILYA – Ngayon, ating kapupulutan ng aral ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tauhan na kasapi sa pamilya. Ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa masayang pamilya ay maaring kwento ng magkapatid, mag-asawa, mag-ina o mag-ama.
Ang koleksyon ng mga maikling kwento sa masayang pamilya sa ibaba ay bunga lamang ng malikhaing imahinasyon ng mga sumulat ang mga kwento dito. Masasabi naming ang ilan sa mga halimbawa ng maikling kwento sa masayang pamilya na naririto ay sumasalamin sa klase ng pamilya na mayroon ang Pilipinas.
Mga Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pamilya
Time needed: 5 minutes.
Narito ang siyam na halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pagmamahal sa pamilya.
Maikling Kwento Tungkol Sa Pamilya

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling kwento Sa Pagmamahal Sa Pamilya. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng maikling kwento sa masayang pamilya.
1. Si Juan, ang Pumatay ng Higante
Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”
Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake.
“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.
“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.
“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,” alok ng matanda…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Si Juan, ang Pumatay ng Higante” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral ng Maikling Kwento:
- Huwag magnakaw o kumuha ng hindi sa iyo.
- Ang hindi mo pag-aari ay agad na isauli sapagkat kung minsan, ikaw ang sumasalamin sa kung anong klase ng pamilya mayroon kayo.
2. Ang Batang Espesyal
Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay abnormal at ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe.
Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.
Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Batang Espesyal” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Iwasan ang pagiging mainggitin. Bagamat may natatanging atensyon na ibinibigay lalo na sa mga mga special child, unawain na lamang natin sila.
- Higit na pinagpala ka pa rin dahil hindi mo nararanasan ang pinagdadaanan nila sa araw-araw.
3. Ang Buhay Nga Naman
Punumpuno ng ligaya ang dibdib ni Aling Juling sa mga papuri at paghanga ng mga kaibigan at kakilala.
Ilang beses siyang umakyat-manaog sa entablado upang samahan ang anak sa pagtanggap ng iba’t ibang karangalan – Valedictorian, Best Declaimer, Best Orator, Leadership Award, Achievement Award, Girl Scout Award, Model Pupil Award, Bb. Karunungan Award, at kung anu-ano pa.
Ang anak ni Aling Juling na si Maricris ay laging nasa TOP 3 sa klase. Sa elementary, high school at college ay maraming awards and honors ang natanggap nito sa larangan ng academic competition o extra-curricular activities.
Dahil dito, lumaki si Maricris na laging may mga taong humahanga, pumupuri at pumapalakpak sa lahat ng paaralang kanyang pinasukan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Buhay Nga Naman” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangian. Huwag hanapin sa iyong mga anak ang katangiang wala sa kanila.
- Kung hindi man naging husay ni Maricris ang kanyang mga anak, kahit papaano ay maipagmamalaki pa rin naman nya ito dahil hindi sila naging sakit sa ulo ng kanilang mga magulang.
4. Ang Inang Matapobre
Laging bukambibig ni Aling Osang na ang anak na engineer na si Monching ay dapat lang makapag-asawa ng isang mayaman dahil may mataas itong katungkulan sa kumpanyang pinapasukan at topnotcher pa sa board exam.
Kaya gayon na lamang ang galit at pagkabigla nito nang malaman niyang si Corazon na kapitbahay niya ang naging kasintahan ng anak. Ayaw niya sa babaeng ito. Gagawa siya ng paraan upang mapaglayo ang dalawa.
Kinausap ni Aling Osang ang anak, ipinakakalas kay Corazon.
“Ngunit Mama, si Corazon ay mahal ko at mahal din niya ako. Mabait siya, masipag, magalang, at kilala n’yo ang pamilya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Inang Matapobre” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Huwag maging matapobre. Hindi sa dami ng yaman nasusukat ang halaga ng isang tao.
- Higit na mahalaga ang mabuting kalooban kaysa yaman.
5. Ang Sapatero at ang mga Duwende
May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos.
Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.
Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Sapatero at ang mga Duwende” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Maging mabuti sa kahit na sino at matutong tumanaw ng utang na loob.
10 Halimbawa Ng Maikling Kwento Tungkol Sa Masayang Pamilya
6. Ang Alkansya Ni Boyet
Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay.
Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si Boyet. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya ng mababang paaralan.
Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya ng alkansiyang kawayan.
Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga. Pinipitas nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Alkansya ni Boyet” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Matutong mag-impok upang sa oras ng pangangailangan ay may madudukot.
- Ang mabuting bata ay karangalan sa magulang.
7. Huling Limang Oras
Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko. Pero bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na foundation day.
Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ina galing sa abroad.
Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang makita. Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging high school.
Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng aking pagkausyoso para tanungin kung bakit sya umiiyak…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Huling Limang Oras” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral ng maikling kwento:
- Laging iparamdam sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Hindi sa lahat ng panahon ay makakasama natin sila kaya hangga’t maari ay sabihin natin ng madalas ang mga salitang “I love you” sa kanila at pahalagahan natin ang lahat ng sakripisyo nila sa atin.
- Kung ang iyong Ama o Ina ay nasa ibang bansa, maglaan ng oras upang makausap sila sa telepono man o sa mga chat. Maliit na bagay ito para sa atin ngunit sa kanila ay sobrang mahalaga nito. Kahit sa ganoong paraan ay maiparamdam mo na mahalaga sila sayo at kaya mo ring masakripisyo ng kahit kaunting oras para lang makasama sila.
8. Matulunging Bata
Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bata ay tumutulong nang kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at mga kapatid.
Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng aking gamit sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito, ay hindi ako maghahanap at mag-aaksaya ng panahon lalo na kung nagmamadali ako.
Hindi na rin ako mapagagalitan. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis, pentelpen, pad paper, school bag, payong, sapatos, at lahat-lahat na. Walang kakalat-kalat.
Sa Kuya at Ate ay tumutulong din ako lalo na kung sila ay abalang-abala sa ibang gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay sasalubong na ako sa hagdan pa lamang, upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay ko na sa kani-kanilang lalagyan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Matulunging Bata” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Ang taong matulungin ay nakakapag-papagaan sa mga gawain. Ugaliing tumulong ng walang hinihinging kapalit.
- Maraming nalulugod sa taong matulungin ngunit sa taong tamad marami ang naiinis.
- Laging ilagay sa tamang lalagyan ang iyong mga gamit upang madali mo itong mahagilap kung kinakailangan ng gamitin.
9. Ang Mag-asawang Walang Anak
Noong unang panahon, may mag-asawang hindi biniyayaan ng Diyos ng kahit na isang anak sa loob ng labinlimang taong pagsasama. Sila ay sina Teban at Osang. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala ring nangyari.
Dahil sa kabiguang ito, ibinuhos ng mag-asawa ang kanilang panahon sa pag aalaga na lang ng maraming hayop tulad ng aso, pusa, manok, pabo, baboy at iba pa. Bukod sa nalilibang sila sa pag-aalaga ng hayop, sila ay kumikita din dito.
Sa lipon ng mga alaga nilang hayop, ang pusang puti ang pinaka paborito ni Osang. Alagang-alaga ito ni Osang sa pagkain at inumin. Itinatabi pa niya ito sa pagtulog. Parang isang anak na ang turing ni Osang sa puting pusa…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Ang Mag-asawang Walang Anak” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral ng maikling kwento:
- Ang pagsuway sa utos ng mga magulang ay may kaakibat na parusa. Sanaying makinig at sundin ang utos nila.
- Huwag maging matigas ang ulo dahil para sa kapakanan din natin kaya madalas magpaalala ang ating mga magulang.
- Sikaping tuparin ang pangakong binitiwan mo sa iba upang hindi magkaroo ng problema.
10. Isang Aral para kay Armando
Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang ianod nito,” laging paalala ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy dahil tinuruan ng Tito Manuel niya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng maikling kwento na “Isang Aral para kay Armando” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
Aral:
- Laging mkikinig sa payo at pangaral ng magulang dahil alam nila kung ano ang makakabuti para sa mga anak.
- Palaging tumawag sa Diyos sa oras ng panganib.
Konklusyon
Ang aming koleksyon ng mga maikling kwento tungkol sa pamilya ay mapapansin ninyo ang ilan sa mga kwento ay hindi nakalagay kung sino ang may akda. Ito ay sa kadahilanang hindi namin matagpuan ang orihinal na manunulat ng kwento. Kung alam ninyo kung sino ang orihinal na may akda, mangyaring makipag-ugnayan sa amin para ma-update at mai-credit ng tama ang mga maikling kwento sa pagmamahal sa pamilya.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Halimbawa Ng Pabula
- Panitikan Kahulugan
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021
- Tula Tungkol Sa Kaibigan
- Maikling Kwento Halimbawa
We are Proud Pinoy.