Kwentong Bayan Kahulugan At Halimbawa

KWENTONG BAYAN KAHULUGAN – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng kwentong bayan at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagsalin-salin ng mga kwentong bayan hanggang sa ngayon.

Ano Ang Kwentong Bayan?

Ang kwentong bayan o folklore sa Ingles ay may kahulugan na mga salaysay mula sa kathang isip ng mga Pilipino. Ang mga tauhan sa kwentong bayan ay kumakatawan sa pag-uugali at mga turo ng mamamayan. Ito ay binuo upang ipahayag ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na siyang naging gabay hanggang sa kasalukuyang pamumuhay.

Dagdag pa rito, malaki ang parti ng kwentong bayan sa atin sapagkat kumakatawan ito sa ating kaugalian at tradisyon. Sumasalamin rin ito sa ating pananampalataya at pagharap sa mga problemang ating kinakaharap sa araw-araw.

Bagama’t nakakatuwa ang mga kwentong bayan, minsan ay hindi naman kapani-paniwala ang ito ngunit sadyang may magagandang aral. Aral na hindi lang pambata kundi pati na rin sa mga matatanda. Nawa sa pamamagitan nitong kahulugan ng kwentong bayan, ating naintindihan at naisaisip ang kung ano ba talaga ang kwentong bayan.

See also: Kwentong Bayan Halimbawa

KWENTONG BAYAN KAHULUGAN - ANO ANG HALIMBAWA NG KWENTONG BAYAN
KWENTONG BAYAN KAHULUGAN

Uri Ng Kwentong Bayan

Narito ang apat na uri ng kwentong bayan at ang kahulugan nito.

Uri ng Kwentong BayanKahulugan
Alamat o LegendAng alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.
Mito o MythAng mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mga nilalang o mga tao.
Parabula o ParableAng mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng aral mula sa Biblia.
Pabula o FableAng mga pabula ay tungkol sa mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na nagsasalita. Dito ang mga hayop at bagay ay binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.
Uri ng Kwentong Bayan

Halimbawa Ng Kwentong Bayan Sa Pilipinas

Time needed: 5 minutes.

Batay sa mga natutunan nating kwentong bayan kahulugan at mga uri narito naman ang mga halimbawa ng kwentong bayan.

  1. Alamat ng Pinya

    Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw.

  2. Alamat ng Saging

    Sa isang nayon ay may mag-anak na tahimik na namumuhay. Ang lalaki’y si Mang Bino at ang babae’y si Aling Pacita.

  3. Alamat ng Pilipinas

    Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang maliliit na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may nakatira ditong isang higante.

  4. Alamat ng Ampalaya

    Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

  5. Alamat ng Sampaguita

    Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.

  6. Ang Kalabasa at ang Duhat

    Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.  Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

  7. Ang Batik Ng Buwan

    Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw.

  8. Ang Diwata Ng Karagatan

    Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagatan.

  9. Sina Adlaw at Bulan

    Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila’y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin.

  10. Ang Kuwintas at ang Suklay

    Noong unang panahon, abot-kamay ang kalangitan at madaling naaabot ng mga tao ang mga ulap. Si Inday, isang magandang babaeng nakatanggap ng pamana sa kaniyang ika-16 na kaarawan, ay nakawilihang magsuot ng kuwintas at magsuklay kahit nasa trabaho.

  11. Ang Gorilya at ang Alitaptap

    Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?

  12. Ang Aso at ang Uwak

    May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling.

  13. Si Paruparo at si Langgam

    Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno. “Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”

  14. Si Pagong at si Matsing

    Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit.
    “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong. “Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

  15. Si Kuneho at si Pagong

    Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong. Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong. “Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong lumakad.”
    Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.

  16. Ang Agila at ang Maya

    Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

  17. Si Aso at si Ipis

    Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran. Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahay ni Mang Kardo.
    Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito.

Konklusyon

Ang kwentong bayan kahulugan at halimbawa ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Sana sa pamamagitan ng artikulong kwentong bayan kahulugan ay may natutunan tayong aral na maipapamana rin natin sa susunod sa henerasyon. Ito ay isang napakalaking ambag natin sa pagpapanatili ang pagkakakilanlan sa ating kaugalian at kultura bilang Pilipino.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa Kahulugan ng Kwentong Bayan, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo tungkol sa kung ano ang kahulugan ng kwentong bayan. Makaka-asa kayong mas-iigihan pa namin ang pagsusulat ng mga aralin sa Filipino upang kayo ay matulungan sa inyong pag-aaral.

Sana ay tangkilikin niyo pa ang aming mga sulatin upang mas masiyahan pa kaming gumawa ng mga leksyon na makatutulong sa inyo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment