Kwentong Bayan Halimbawa – 20 Halimbawa Ng Kwentong Bayan 2021

KWENTONG BAYAN HALIMBAWA – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga pinagsama-samang halimbawa ng kwentong bayan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng kwentong bayan Tagalog ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Kwentong bayan o folklore sa Ingles ay may kahulugan na mga salaysay mula sa kathang isip ng mga Pilipino. Ang mga tauhan sa kwentong bayan ay kumakatawan sa pag-uugali at mga turo ng mamamayan. Ito ay binuo upang ipahayag ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na siyang naging gabay hanggang sa kasalukuyang pamumuhay. Binubuo ito ng alamat, mito, parabula at pabula na magandang basahin at kapupulutan ng leksyon.

Sana sa pamamagitan nitong mga halimbawa ng kwentong bayan ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng mga halimbawa ng kwentong bayan Tagalog.

See also: Kwentong Bayan Kahulugan

Kwentong Bayan Halimbawa – 20 Halimbawa Ng Kwentong Bayan Tagalog

Time needed: 15 minutes.

Narito ang mga halimbawa ng kwentong bayan Tagalog.

  1. Pinocchio

  2. Ang Lobo At Ang Kambing

  3. Alamat Ng Ampalaya

  4. Ang Tatlong Maliliit Na Baboy

  5. Ang Engkantada ng Makulot

  6. Bakit Mataas Ang Langit?

  7. Ang Langgam At Ang Tipaklong

  8. Si Pagong At Si Matsing

  9. Kung Bakit Umuulan

  10. Ang Alamat Ng Pinya

  11. Ang Kalabasa At Ang Duhay

  12. Ang Aso At Ang Pusa

  13. Si Juan At Ang Mga Alimango

  14. Mariang Mapangarap

  15. Ang Punong Kawayan

  16. Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

  17. Kung Dinadagit Ng Mga Lawin Ang Mga Sisiw

  18. Bakit Mas Maliwanag Ang Araw Kaysa Buwan?

  19. Alamat Ng Saging

  20. Alamat Ng Mangga

Kwentong Bayan Halimbawa – 20 Halimbawa Ng Kwentong Bayan Tagalog

KWENTONG BAYAN HALIMBAWA - 20 HALIMBAWA NG KWENTONG BAYAN
KWENTONG BAYAN HALIMBAWA – 20 HALIMBAWA NG KWENTONG BAYAN

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang halimbawa ng kwentong bayan. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng kwentong bayan Tagalog.

Pinocchio

Mayroong isang mabait na matanda. Ang pangalan niya ay Geppetto. Isa siyang manlililok. Umuukit siya ng iba’t ibang bagay mula sa kahoy.

Walang anak si Gappetto. Dahil sa kahiligan niya sa mga bata naganyak siyang umukit ng isang batang lalaki. Masaya siya habang ginagawa ito. Sa wakas ay nayari niya ang isang batang lalaki. Pinangalanan niya itong Pinnocchio.

Bukod kay Pinnocchio, ang matanda ay may iba pang alaga. Ang pusang si Pigaro at ang isdang si Cleo.

Tinalian niya ng pisi ang mga kamay at paa at ulo ni Pinnocchio. Dahil dito ay napapasayaw niya ang taong maliit na gawa sa kahoy.

“Sana ikaw ay isang tunay na batang lalaki,” ang sabi ng matanda, “marahil ang saya natin palagi.”

“At ako naman, hindi ba ninyo ako isasali?” ang tanong ng pusang si Pigaro.

“Ho-ho-ho, ikaw ay lagi naming kasali’t isasama kahit saan.” Tawagin mo siyang Pinnocchio ang sabi ng matanda sa pusa.

Si Pinnocchio ay may sadyang tulugan. Isang maliit nakama na ginawa ng matanda. Alas nuwebe kung matulog si Pinnocchio. Lagi nitong binubuksan ang bintana na kung saan ay tanaw na tanaw ng bituing panggabi.

“Oh, magandang bituin, sana nga ay maging tunay na bata si Pinnocchio,” ang sabi ng matandang Geppetto.

Nakatulog na ang matanda nguni’t ang pusa ay hindi. Iniisip pa rin niya ang kahilingan ng matanda. Maya-maya’y nakarinig ng magandang awitin ang pusa at ang bituing panggabi ay bumaba mula sa langit at nagtuloy sa kanilang kuwarto. Ang bituin ay naging anghel. Lumapit ang anghel kay Pinnocchio.

“Gising, gising Pinnocchio. Mula ngayon ay magkakaroon ka ng buhay. Maging maibait ka sana. Bigyan mo ng kaligayahan si Geppetto. Naririto ang kakambal mo, si Jimmy Cricket. Siya ang kaibigan at katulong mo.” At biglang nawala ang anghel.

Kinaumagahan ay laking gulat ni Geppetto nang makita si Pinocchio na buhay na buhay. Laro nang laro ang bata.

“Ako ngayon ay isa nang tunay na bata at mabait,” ang sabi ni Pinnocchio sa matanda.

Nagsimula nang mag-aral si Pinnocchio. Kasama niyang lagi ang kanyang kaibigan, si Jimmy Cricket. Ito ang tanungan niya ng anumang kanyang gagawin.

Nguni’t isang araw ay nakalimutan ni Pinnocchio ang kanyang kaibigang si Jimmy Cricket. Naiwan niya ito. Dahil dito ay naglakad siyang mag isa. Bigla na lamang siyang bumagsak sa daan. Nang itaas niya ang mukha ay nakita niya si Matandang Fox at si salbaheng Pusa. Pinatid ni Matandang Fox ang paa ni Pinnocchio kaya ito ay nadapa.

Hinikayat ng dalawa si Pinnocchio na sumama sa kanila. Nang dumating si Jimmy Cricket ay wala na si Pinnocchio at ang dalawang salbahe. Gayunpaman ay sinundan niya ang mga ito. Naabutan niya ang tatalo.

Nang may dumaang karuwahe ay pinahinto ni ito ng dalawang salbahe. Inabot nila sa kutsero si Pinnocchio kapalit nang isang supot na may laman, Ipinagbili nila sa kutsero si Pinnocchio. Natakot si Jimmy Cricket, nguni’t sumakay na rin siya upang mabantayan si Pinnocchio.

Sa loob ng karuwahe ay marami pa ring ibang bata. Nagkakagulo ang mga bata. Ang pinakapinuno ng mga bata ay naging kaibigan ni Pinnocchio. Subalit ang mga batang ito ay mga salbahe. Pinagbawalan ni Jimmy si Pinnocchio na makisama sa mga salbaheng bata.

Araw-araw ang mga bata ay naglalaro. Kumain ng kendi at sorbetes. Nagbabasag ng mga bintana at naghahagis ng mga puntik sa bahay. Sinisira rin nila ang mga kasangkapan.

“Pinnocchio, tama na iyan,” ang wika ni Jimmy Cricket. Hindi nakinig si Pinnocchio.

“Sige, umalis ka na Jimmy. Nasusuya na ako sa iyo,” ang sagot ni Pinnocchio.

Nang walang anu—ano’y nakita ni Pinnocchio ang isang kasama niyang bata. Nagkaroon ito ng mahabang tenga at ni labasan ng mahabang buntot. Ito ay naging isang kabayo. Sinilo ito ng kutsero at hinila.

“Ngayon ay mayroon na akong ipagbibiling kabayo.” ang natuwang sabi ng kutsero.

Naramdaman ni Pinnocchio na siya rin ay tinitubuan ng mahabang tenga at buntot. Nang makita ito ng kutsero ay hinabol na rin si Pinnocchio upang siluhin. Ngayon ay may isa na naman siyang kabayo naipagbibili.

Tumakbo si Pinnocchio kasama si Jimmy Cricket hanggang sa tabi ng dagat. Lumundag silang dalawa upang makalayo sa masamang ta. Bumalik sila sa bahay ni Geppetto subalit wala doon ang matanda. Naghahanap ang matandang Geppetto at ng kanyang pusang si Pigaro. Hinahanap nila si Pinnnocchio.

Umiiyak si Pinnocchio at nagsisisi sa nagawang kasalanan. Naghanap sila nang naghanap. Maraming lugar ang kanilang narating makita lamang si Geppetto. Maraming gulo at hirap silang dinanas. Nguni’t hindi rin nila nakita si Geppetto.

Ang anghel na bituin ay laging nakasubaybay kay Pinnocchio. Isang araw ay nakita rin nila si Geppetto. Pinagdudahan ng matanda ang kaanyuan ni Pinnocchio dahil sa mahabang tainga at buntot ni Pinnocchio.

“Nagsisisi na ako, aking ama. Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan,” ang sabi ni Pinnocchio. “Ngayon ay magiging mabait na bata na ako.”

Biglang nag liwanag ang kanilang kuwarto. Lumabas ang anghel na bituin. Nilapitan niya si Pinnocchio at hinipo ito.

“Dahil sa iyong pagsisisi mula ngayon ay magiging tunay na bata ka na,” ang sabi ng anghel. “At ikaw naman, Jimmy, ay bibigyan ko ng isang gintong bituin.”

Magmula nga noon ay naging isang tunay na bata na si Pinnocchio. Isang mabait na bata.

Kwentong bayan Tagalog version mula sa gintongaral.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Pinocchio ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay.

Ang Lobo at ang Kambing

Gutum na gutom na ang Lobo. Sa paghahanap ng hayop na mapapananghalian ay napatingala siya nang matanawan sa mataas na batuhan ang nanginginaing Kambing. Inisip ng Lobo kung paano niya mapapababa ang bibiktimahin.

“Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Napakaganda mo lalo’t tinatamaan ng sikat ng araw ang balahibo mo.”

“Talaga? Salamat.” Sandaling yumuko lang ang Kambing na nagpatuloy sa panginginain.

“Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Nag-aalala ako sa kapakanan mo. Baka madulas ka sa gilid ng batong tinutuntungan mo!”

“Kaya ko ito. Salamat sa pag-aalala mo,” nagpatuloy sa panginginain at di man lamang tumingin ang sumibangot na Kambing.

“Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Di ka dapat sobrang magkakain. Ang anumang sobrang pagkain ay makasasama sa kalusugan natin.”

Sa pakikialam ng makulit na Lobo ay galit na galit na umingos ang Kambing na nagpatuloy sa masarap na panginginain.

Nang inaakalang ayaw ng Kambing sa mga pananalitang naglalambing ay malakas na tinawag ito ng naglalaway na sa gutom na Lobo.

“Hoy, Kambing. Bakit nagtitiis ka sa kaunting damo sa ituktok ng batuhan. Bumaba ka at napakaraming damo kang makakain para sa iyong pananghalian!”

“Hoy, Lobo,” galit na sigaw ng Kambing. “huwag mong akalaing napakabobo ko. Alam kong pananghalian mo at hindi pananghalian ko ang puntirya mo kaya pinabababa mo ako.”

Sa pagkapahiya ng Lobo ay lumayo na ito.

Maikling kwentong bayan mula sa pinoyedition.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Lobo At Ang Kambing ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay di lahat ng pag-aalala ay may katapatang kasama.

Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan.

Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Halimbawa ng kwentong bayan buod mula sa pinoycollection.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Alamat Ng Ampalaya ay isang alamat na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay walang mabuting naidudulot ang inggit.

Ang Tatlong Maliliit na Baboy

May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya’t nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik.

Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.

Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid, ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik. Sa takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa sa bato.

At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisip ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok sa loob.

Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon ng mainit na tubig upang sa gano’n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.

Kwentong bayan example mula sa mgakwentongtagalog.blogspot.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Tatlong Maliliit Na Baboy ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay maging handa sa lahat ng oras.

Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang nanginginain ng damo sa kaparangan.

Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng mga mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom.

Sila ay dapat may mabuting budhi’t malinis na asal. Ngunit kung ang mga tao’y mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.

Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya’y nakalimot sa magandang halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil diya’y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang prinsesa.

Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito’y nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon, nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sari-saring pangako sa kanilang mga anito.

Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto. Kung makita ang Torong Ginto, ito’y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya’y magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.

Ang raha’t lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit.

Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano’y ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!

Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.

Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago na rin at nanatiling mabubuting tao.

Kwentong bayan Tagalog version

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Engkantada Ng Makulot ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay maging mabuti sa lahat ng oras.

Bakit Mataas ang Langit?

Noong unang panahon ay may mag-ina ang nakatira sa isang bahay-kubo. Ang anak na si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

“Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.

“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.

“Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.”

“Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.

“Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda.

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.

“Napupuno ng pawis ang aking kuwintas,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

“Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Habang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.

“Kay ganda ng aking suklay at kuwintas,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili. “Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas.”

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni’t hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

Sa bawat pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawat pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.

“Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili, “At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!”

Maikling kwentong bayan mula sa pinoycollection.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Bakit Mataas Ang Langit? ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay mag-pokus sa anumang iyong ginagawa upang matapos mo ito sa tamang oras.

Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-impok.

Halimbawa ng kwentong bayan buod mula sa pinoycollection.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Si Langgam At Si Tipaklong ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay magbanat ka ng buto at paghandaan ang hinaharap.

Si Pagong at si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain,” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning,” sabi ni Pagong.

“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,” masayang sabi ni Pagong.

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing.

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing.

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?” tanong ni Pagong.

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte,” sabi ni Matsing.

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo,” sabi ni Matsing.

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat,” paliwanag ni Pagong.

“Hmp! Kaya pala nalanta ang aking tanim,” nanggigil na sambit ni Matsing.

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin,” anyaya nito.

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin,” sabi ni Pagong.

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking miryenda,” sabi ni Matsing.

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing.

Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas,” pagmamakaawa ni Matsing.

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. Mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” Sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning.

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong matsing.

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin,” bulong nito sa sarili.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino,” sabi ni Matsing.

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagputul-putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha,” sabi ni Pagong.

Nag-isip ng malalin si Matsing.

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka,” sabi ni Matsing.

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito,” pagyayabang ni Pagong.

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!!” natutuwang sabi ni Pagong.

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Kwentong bayan example

Ang kwentong bayan na pinamagatang Si Pagong At Si Matsing ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay iwasan ang pagiging madamot.

Kung Bakit Umuulan

Noong bago magkaroon ng panahon, walang anumang mundo. Walang araw. Walang buwan. Walang buhay. Walang kamatayan.

Ang mayroon lang ay sina Tungkung Langit at Alunsina.

“Huwag kang malungkot, mahal kong Alunsina, lilikhain ko ang kalawakan para sa iyo. Araw, mga bituin, planeta, buwan, ulap, hangin…”

“Ako rin,” sabi ng Alunsina. “Gusto ko rin maglikha ng mga bagay.”

Ayaw ni Tungkung Langit na mapagod si Alunsina kaya hindi siya pumayag. “Ang aking mga nililikha ay regalo ko sa iyo.”

“Hindi ba ako’y Diyosa at mayroon ding kapangyarihang lumikha?” tanong ni Alunsina.

Nagalit si Tungkung Langit. “Ang nais ko ay hindi ka mapagod. Umupo ka lang diyan at magpaganda at ako’y maglilikha.”

Nayamot si Alunsina. Gusto niyang lumikha ng mga bagay.

“Huwag kang mag-alala, Alunsina. Para hindi ka mayamot, lilikhain ko ang panahon! Ang oras!”

At sa pagsabi nang ganoon ni Tungkung Langit, biglang nagkaroon ng oras!

Pagkalikha ng oras, nagkaroon ng alaala. At naalala ni Alunsina ang nakalipas — noong wala pang kalawakan. Nanaig sa kanya ang pagnanasa na lumikha. Siya’ umiyak.

Isang araw, palihim niyang sinundan si Tungkung Langit. Nang makita siya, tinanong ni Tungkung Langit, “Bakit ka narito? Bakit mo ako sinundan?”

“Gusto kong lumikha ng mga bagay, tulad ng ginagawa mo.”

“Mahal ko, ika’y nayayamot na naman ba? Lilikhain ko ang kidlat at kulog para sa iyo.”

At nagawa ang mga iyon. Ngunit nagdamdam si Alunsina.

“Lagi kang lumiklikha ng mga bagay. Bakit hindi ko maaaring gamitin ang aking sariling kapangyarihan?”

Umalis si Alunsina at hindi bumalik sa tabi ni Tungkung Langit. Matagal bago pa makita uli ni Tungkung Langit ang kanyang pinakamamahal.

“Matagal kitang hinahanap, Alunsina. Labis akong nalungkot.”

Mukhang masaya si Alunsina. “Nilikha ko ang mundo — ang mundo ng mga puno at bulaklak, ibon at isda. Nililikha ko ngayon ang mga bundok at dagat.”

Mula noon, hindi ma muling bumalik si Alunsina sa tinitirahan ni Tungkung Langit.

Tuwing ninanais ni Tungkung Langit na dalawin si Alunsina, kailangan niyang maging ulan — para pumatak sa mundong nilikha ni Alunsina.

Kwentong bayan Tagalog halimbawa mula sa tagaloglang.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Kung Bakit Umuulan ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay.

Alamat ng Pinya

Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang mag-ina, sina Aling Marya at ang kaisa-isa niyang anak na si Pina.

Palibhasa nag-iisang anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ang katwiran ni Aling Marya ay, “maliit at bata pa naman si Pina, matuto rin iyan”. Kaya ang nakasanayang gawin lang ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog.

Ang anak ay lumaki sa layaw dahil na rin sa inang si Aling Marya. Noong dalagita na si Pina ay gusto na sana ni Aling Marya na turuan ang anak ng mga gawaing bahay, ngunit naging ugali na ni Pina ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa’y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Marya ay nagkasakit ng malubha at palagi na lang nakahiga.

Pina: Naku! Bakit ka nagkasakit nanay?

Aling Marya : Ewan ko nga ba. Anak, pwede bang ipaglugaw mo ang nanay?

Sumunod naman ang anak sa utos ng ina. Naglugaw si Pina subalit dahil sa walang alam sa gawaing bahay ang nilutong lugaw ay nasunog. Pero masaya pa rin si Aling Marya kahit medyo mapait ang lugaw na kinain dahil kahit papaano ay napagsilbihan siya ng anak.

Tumagal ang sakit ni Aling Marya at si Pina ay nagrereklamo na sapagkat pagod na raw sa pagsisilbi sa nanay niya. Isang umaga, si Pina ay nagluto ng almusal at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok.

Pina: Saan kaya naroroon ang sandok? Saan ba iyon nakalagay?

Aling Marya: Hanapin mo, naririyan lamang yan.

Pina: Kanina pa nga ako hanap ng hanap pero hindi ko nga makita.

Aling Marya: Ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga. Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata para makita mo ang hinahanap mo!

Pina: Marami pa naman kayong sinasabi eh, nagsesermon pa kayo!

Pagkasagot sa ina ay sabay panaog si Pina. Siguro ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.

Lumipas ang maghapon, gumabi, at nag-umaga ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Naglaho siya na parang bula, maging ang mga kapitbahay nila ay tumulong kay Aling Marya sa paghahanap pero talagang hindi na nakita si Pina. Ilang araw ang nakaraan sa tulong ng mababait na mga kapitbahay ay gumaling na si Aling Marya.

Hinanap pa rin ng ina ang anak ngunit talagang hindi na niya ito nakita. Isang araw habang nagwawalis sa bakuran si Aling Marya, ay nagulat ito ng makita ang umusbong na halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig ni Aling Marya ang halaman at inalagaan araw-araw.

Di nagtagal at nagkaroon ng bunga ang halaman. Napansin ni Aling Marya na ang bunga ay tila hugis ulo na maraming mata. Naalala niya ang huling sinabi sa anak bago ito nawala, “Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata para makita mo ang hinahanap mo!”.

“Si Pina nya!” ang sabi ng mga kapitbahay ng makita nila ang prutas na maraming mata habang itinuturo nila si Aling Marya.

Mula noon tuwing makikita ng mga tao ang prutas na maraming mata ay tinatawag nila itong si “Pina nya”. Nang lumaon ay naging Pinya na lamang ang naging tawag dito.

Maikling kwentong bayan

Ang kwentong bayan na pinamagatang Alamat Ng Pinya ay isang alamat na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay huwag palakihing tamad ang mga anak.

Kwentong Bayan Halimbawa – 20 Mga Halimbawa Ng Kwentong Bayan Tagalog

Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito.

Matamang nag-isip si Bathala.

“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang.” Wika ni Bathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y malapit sa araw.

At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

Kwentong bayan halimbawa pinoycollection.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Kalabasa At Ang Duhat ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay maging masaya sa kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.

Ang Aso At Ang Pusa

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan.

Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig.

Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil.

“Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.

Kwentong bayan example mula sa pilipinasatbp.wordpress.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Aso At Ang Pusa ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay tuparin natin ang ating ipinangako.

Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. “Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. “Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. “Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?” “Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang ibig mong sabihin?” Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.”

“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.” Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

Kwentong bayan tagalog mula sa misterhomework.blogspot.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Si Juan At Ang Mga Alimango ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay gawin ang mga utos na bukal sa kalooban lalo kung ito ay sadyang kailangan.

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Maikling halimbawa ng kwentong bayan

Ang kwentong bayan na pinamagatang Si Mariang Mapangarapin ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”

“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.”

“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.”

“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni Niyog.

“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Kwentong bayan buod halimbawa

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Punong Kawayan ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao.

Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang?

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon.

Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis.

Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan.

Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay higit pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili.

Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito.

Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.

“Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak”, wika ni Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

“Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. Ako ay hindi pa nagugutom.” At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi:

“Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo.” At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Kwqentong bayan example

Ang kwentong bayan na pinamagatang Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang? ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay laging makinig at sumunod sa ipinag-uutos ng magulang upang hindi maparusahan.

Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.

Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po kami, paliwanang ni Roy.

“Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok?” tanong ni Lorna.

May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon, sagot ni Lolo Andres.

Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

“Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina.”

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya ito.

“Salamat, Lawin”, wika ni Inahing Manok. “Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.”

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing Manok.

Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang humaliling mga inahing manok at Lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.

Kwentong bayan Tagalog halimbawa

Ang kwentong bayan na pinamagatang Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay pag-ingatan ang mga bagay na hindi mo pag-aari.

Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban nito.

Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Maikling kwentong bayan mula sa pinoycollection.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan? ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa.

Ang Alamat ng Saging

Noong unang panahon ay may isang napakagandang prinsesa, kaya siya ay tinawag na Mariang Maganda. Ang kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit na gubat na kung saan ay malayang nakakapamasyal ang mayuming kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba’t ibang magaganda, makukulay, at mababangong mga halamang namumulaklak. Nakagawian na ng prinsesang mamitas at mamasyal sa tila bang perpekting hardin para lamang sa isang prinsesang katulad niya.

Isang araw sa kanyang pamamasyal ay may nakilala siyang isang bagong mukha. Isang makisig na binata na halos kaedad din ng magandang prinsesa. May kakaibang naramdaman ang prinsesa sa makisig na binata na iyon. Lingid sa kaalaman ng prinsesa gayundin ang nararamdaman ng bagong kakilala sa kanya.

Nagpakilala ang binata bilang isang prinsipe ng isang malayo at kaibang kaharian. Araw-araw nagkita at nagkasama ang dalawa sa kagubatan hanggang sa magtapat ang prinsipe sa dalaga ng kanyang pag-ibig na malugod namang tinanggap ng prinsesa dahil sa parehas nitong nararamdaman.
Habang sila ay magkasamang namamsyal sa kagubatan ay nagpasya silang magulayaw sa ilalim ng mabangong halaman na madalas ipagmalaaki ng prinsesa.

“Hindi maipagkakailang maganda ang bulaklak ng halamang ito Mariang Maganda, ngunit higit na mas maganda at mabango ang mga halaman at bulaklak sa aming kaharian.” sambit ng prinsipe habang hinahaplos ang pisngi ng iniirog.

“Bakit, saan ba ang iyong kaharian?” malambing na tugon ng prinsesa.

“Ang aming kaharian ay hindi kayang marating ng taong may katawang lupa.” ang mahiwagang pagsagot ng prinsipeng tila ba mag agam-agam.

“Bakit hindi?” ang natigilang pagtatanong ni Mariang Maganda habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng prinsipeng kanyang iniibig.

“Kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian dahil kung hindi ay hindi na tayo muling magkikita pa. Nais sana kitang isama subalit hindi talaga maari ang mga kagaya ninyo sa aming kaharian. Paalam na irog.”

“Nais ko sanang magkita tayong muli dito sa halamanang ito mamayang gabi. Hihintayin kita.” pagtangis ng prinsesang nalulungkot sa paglisan ng kanyang minamahal.

“Sisikapin ko, irog.” pangako ng prinsipe kay Mariang maganda. Nang gabi ngang iyon ay hinintay ni Mariang Maganda ang kanyang iniirog. Bago pa man maghatinggabi ay dumating nga ang prinsipe at lubos na nalugod ang nag-aalalang prinsesa. Magkahawak kamay silang namasyal sa gubat ng magagandang halaman na ang buwan at mga bituin ang tumatanglaw sa kanilang dinadaanan. Kung anu ano ang kanilang pinag-usapan hanggang sa bigla na lang napabalikwas ang prinsipe na tila ba may ttumawag sa kanya.

“Kailangan ko ng lumisan mahal ko. Hindi ako maaring abutan ng hatinggabi, kapag hindi ako umalis ngayon ay hindi na ako makakabalik pa sa amin. Iyong pakakatandaan na ikaw lamang ang aking iniibig.” at ginawaran ng isang matamis na halik ang labi ng naguguluhang si Mariang Maganda.

Hindi matanggap na malisan sa kanyang iniibig ay mahigpit nyang hinawakan ang kamay ng prinsipe. Pilt mang hinila ng prinsipe ang kamay ay di nito magawang makawala sa pagkakahawak ng prinsesa. Sa kanilang paghihilahan ay bigla na lamang naglaho na parang bula ang prinsipe ngunit naiwan sa kamay ng prinsesa ang dalawang putol na kamay ng prinsipe. Sa takot ay napabalikwas ang prinsesa at tinungo ang isang malapit na hukay. Doon itinapon at ibinaon ni Mariang Maganda ang mahiwagang kamay ng kanyang tinawag na irog.

Muling nagbalik ang prinsesa sa kagubatan matapos ng ilang araw para makita lamang na may kakibang halaman na tumubo kung saan niya ibinaon ang mahiwagang kamay ng prinsipe. Malalapad ang mga dahon ng halaman na ito at walng mga sanga. Matapos ng ilang araw ito ay namulaklak. Araw-araw na bumalik ang prinsesa sa kagubatan hanggang ang bulaklak ay napalitang ng bynga. Ang bunga ng kakaibang halaman at tila ba kamay na nag-iimbita. Ito na ang kauna-unahang saging.

Kwentong bayan example mula sa buklat.blogspot.com

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Alamat Ng Saging ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay huwag manibugho at magnasa ng hindi mo pag-aari.

Alamat ng Mangga

Noong araw ang mga punong tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito’y maliliit at ang tawag dito ay “pahutan”. Matamis kapag hinog kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan.

Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang dumaan sa bakuran ni Tandang Isko. Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na prutas ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa tabi ng bukid at sa paanan ng bundok.

Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong puhutan sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno, subalit sa tuwing siya ay lumalapit, wari’y may bumubulong ng…

“Huwag po! Huwag mo akong patayin.”

Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan nalang nitong lumaki at lalong lumago ang dalawang puno ng puhutan. Malaking pakinabang tuloy ito sa mga magsasaka at kalabaw na roon ay sumisilong.

Ang madalas magpahinga sa punong puhutang nasa bukid ay si Kalabaw kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap palagi ng puno.

“Hulog ka ng langit sa akin, punong puhutan. Dati-rati’y init sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan ay binigyan mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may nagtangkang pumutol, humanda sila sa sungay kong matutulis.”

“Salamat sa iyo, Kalabaw at ako ay iyong ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang iyong kasipagan, kasisigan at kalakasan,” nahihiyang wika ng puno.

Hindi nagtagal, sa dalas ng kanilang pag-uusap ay nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong puhutan.

Samantala, nagkaroon na rin ng kagustuhan ang punong nasa paanan ng bundok at ito ay si “manggang pahutan” na malapit sa kanyang kinatutubuan.

Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay palaging sumisilong sa lilim niya ang isang magsasakang may dalang “piko” at ewan kung bakit gustong-gusto ng puno na titigan ang piko.

Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko ang magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga puno ay pawang nagbunga.

Nang bumalik ang matanda upang anihin ang mga bunga ng puhutan, ito ay lubhang nagulat. Ang dalawang puno na hiwalay sa karamihan ay magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga. Hindi maisip ni Tandang Isko kung bakit nagkaganoon.

Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at…

“Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya tatawagin itong ‘Manggang Kalabaw’. Bagama’t magkawangis sa laki ang mga bunga nila ng kabilang puno ay may pagkakaiba pa rin sa hugis at sa anilang sukat. Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya makikilala ito sa tawag na ‘Manggang Piko.’”

“Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan?”

“Sapagkat ako ang diwata ng mga prutas,” ngumiti ang dilag at biglang nawala.

Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukwwento ni Tandang Isko sa mga namimili ng mangga. Datapuwa’t hindi na mahalaga iyon kahit pahutan, manggang kalabaw o manggang piko basta ag mga ito ay pare-parehong mangga.

Kwentong bayan halimbawa Tagalog

Ang kwentong bayan na pinamagatang Ang Alamat Ng Mangga ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay ang taong mapagbigay ay lalong pinagpapala.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Mga Kwentong Bayan Halimbawa 2021

Ang kwentong bayan halimbawa ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga halimbawa ng kwentong bayan. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Kwentong Bayan Halimbawa – 20 Mga Halimbawa Ng Kwentong Bayan 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment