KASABIHAN TUNGKOL SA PAGBASA – Ating tatalakayin ngayon ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa kahalagahan ng pagbasa sa Tagalog. Ang kasanayan sa pagbasa ay magandang hasain upang umunlad ang husay sa komunikasyon.
Habang bata pa ay turuan natin sila ng tamang pagbasa upang maagang mahasa ang kanilang pag-unawa sa kanilang binabasa. Maitatama din natin ang kanilang pagbigkas ng mga salita upang masabi nila at ispel ng tama ang mga salita.

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Kahalagahan ng Pagbasa
- “Ang libro ay isang regalo na maaari mong buksan nang paulit-ulit.”
- “Malaking pagpapala ang mahalin ang mga libro.”
- “Ang pagbabasa ay parang nananaginip na nakabukas na mga mata.”
- “Kung hindi ka mahilig magbasa, hindi mo pa nahanap ang tamang libro para sa iyo.”
- “Ang silid na walang libro ay parang katawan na walang diwa.”
- “Ang awtor ay nagsisimula lamang ng isang libro, ang mambabasa ay nagtatapos nito.”
- “Nagiging malaya ang taong palaging nagbabasa.”
- “Ang pagbabasa ay para sa iyong isip, kagaya ng tubig sa isang puno.”
- “Ang libro ay parang isang panaginip na iyong hawak-hawak.”
- “Sa tuwing ika’y nagbabasa hindi ka nag-iisa.”
- “Ang pagbabasa ay isang mahiwagang pinto.”
- “Ang pagbabasa ay mahalaga para sa mga naghahangad na umangat ang buhay.”
- “Mag-isip ka muna bago magsalita, magbasa ka bago mag-isip.”
Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Pagbabasa
Ang pagbabasa ay isa sa mga pinakamahalagang kasanayan upang payabungin ang ating karunungan. Sa tulong nito ay marami tayong nalalaman na mga bagay-bagay na hindi natin naririnig sa sinuman.
Ang dapat nating gawin ay sanayin natin ang ating mga sarili na magbasa. Sa paraang ito bibilis ang ating kasanayan sa pagbabasa at lalawak ang Aating pag-intindi sa ating mga binabasa at sa mga bagay-bagay.
Salamat sa masugid ninyong pagbabasa sa ating mga aralin. Alam kong marami din kayong mga alam na kasabihan kagay ng ating paksa. Pwede din po kayong magdagdag sa pamamagitan ng pagkomento sa ibaba.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- 80+ Mga Kasabihan At Kahulugan
- 70+ Nakakatawang Kasabihan Ng Mga Pinoy
- Kasabihan Tungkol Sa Ekonomiya o Ekonomiks (10+ Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Kahirapan (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Kalusugan (10+ Mga Kasabihan)
We are Proud Pinoy.