KASABIHAN TUNGKOL SA PAG-ASA – Sa paksang ito, ating pagtuunan ng pansin ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa pag-asa. Ang buhay ay puno ng pag-asa basta’t sabayan mo lang ng sipag at tiyaga, ang lahat ng iyong minimithi ay makakamtan mo rin.
Ang pag-asa ay ang kaisipan na nagpapasigla sa atin sa araw-araw. Ito ang damdamin na nagpapahiwatig na maaayos lang ang lahat ano man ang ating dinadanas sa buhay hangga’t hindi natin sinusukuan at may tiwala lang tayo sa ating sarili.

10+ Halimbawa ng Kasabihan Tungkol sa Pag-asa
- “Huwag kang mawalan ng pag-asa.” Huwag bibigay. Huwag susuko.”
- “Sa Diyos, ang lahat ng imposible ay nagiging posible.”
- “May pag-asa ang batang marunong bumasa.”
- “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
- “Ang ating kapalaran ay nakasalalay sa ating determinasyon, kasipagan, at tiwala sa Maykapal.”
- “Habang may buhay may pag-asa. Kaya go fight lang para maging masaya.”
- “Mga pagsubok lamang ‘yan ‘wag mong itigil ang laban.”
- “Huwag mong sayangin ang oras sa walang kwentang bagay dahil ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran.”
- “Sa bawat pagsubok ng buhay ‘wag kang matakot dahil habang may buhay may pag-asa at laging may bagong umaga.”
- “May bagong pag-asa sa bawat umaga.”
- “Ang pag-asa ay nagsasaad ng liwanag sa kabila ng lahat ng kadiliman.”
- “Magsipag nang husto, mag-asam ng pinakamabuti at manalig lamang sa Diyos.”
- “Ang pag-asa ay isang panaginip sa paglalakad.”
Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Pag-asa
Hindi manpalaging sagana ang ating pamumuhay o hindi man natin masolusyunan ang lahat ng problema ng ating mundo huwag kang mag-alala, normal ‘yan dahil tao ka. Ngunit, huwag mong maliitin ang iyong sarili at ipakita mo na ang iyong lakas ay nakakahawa, higit sa lahat may pag-asa palagi sa buhay ng tao.
Maniwala sa iyong sarili at manalig sa Diyos dahil ikaw mismo ang gagawa ng iyong kinabukasan. Kaya, huwag kang sumuko, ituloy lang ang laban sa buhay, kung kaya ng iba, kaya mo rin. Ang bawat kadiliman na nararanasan natin sa buhay ay may kaakibat na liwanag kaya laban lang.
Sana ay na-inspire kayo sa mga kasabihan na aking nabanggit. Kung may gusto kayong idagdag o tanong ay magkomento lamang sa ibaba. Bumisita na din sa ating websyt para sa marami pang mga paksa para inyong mapag-aralan.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- 80+ Mga Kasabihan At Kahulugan
- 70+ Nakakatawang Kasabihan Ng Mga Pinoy
- Kasabihan Tungkol Sa Dignidad Ng Tao (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Ekonomiya o Ekonomiks (10+ Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Kahirapan (10+ Mga Kasabihan)
We are Proud Pinoy.