Kasabihan Tungkol Sa Katapangan (10+ Mga Kasabihan)

KASABIHAN TUNGKOL SA KATAPANGAN – Ang ating topiko ngayon ay ang mga halimbawa ng mga kasabihan tungkol sa katapangan. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga kasabihan sa katapangan nang sa gayon ay hindi tayo matakot sa anumang hamon ng buhay.

Ang katapangan ay hindi lamang nasusukat sa pagpapakita ng pisikal na lakas kundi pati na rin sa lakas ng pagkakaisa nating mga Pilipino sa pagharap sa mga pagsubok na dumarating sa atin. Mula pa noong unang panahon ay ipinakita na sa atin ng ating mga bayaning ninuno ang klase ng katapangan hindi lamang sa gawa pati na rin sa salita.

Kasabihan Tungkol Sa Katapangan
Kasabihan Tungkol Sa Katapangan

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Katapangan

  1. “Ang pinakamabisang na proteksyon na maaaring magkaroon ang mga babae ay katapangan.”
  2. “Kung minsan ang pinakamatapang na pwede nating gawin ay ang akuin na naduduwag din tayo.”
  3. “Maging matapang ka kahit hindi naman, magpanggap ka dahil walang makapagsasabi ng pagkakaiba nila.”
  4. “Ang pag-ilag sa mga bastos na kaaway ay isang tunay na katapangan.”
  5. “Ang away ay dapat iwasan dahil iyan ang tunay na katapangan.”
  6. “Ang mga pagsubok ay kailangan upang maging matapang tayo sa pagharap sa mga susunod pang hamon ng buhay.”
  7. “Ang katapangan ay naipapakita rin sa pamamagitan gawa ng mga bagay na ating kinatatakutan.”
  8. “Tuklasin mo ang mga bagay na kinatatakutan mo, harapin mo ito, dahil pagkatapos nito ay hindi ka na matatakot pang muli.”
  9. “Maging matapang ka dahil laging may pag-asa na sa kabila ng lahat ng pagsubok ay mayroon paring magandang mangyayari.”
  10. “Maging matapang ka at manindigan sa iyong pinaniniwalaan kahit na ikaw ay nag-iisa.”
  11. “Sino man na matapang ay malaya.”
  12. “Ang matapang na tao ay marunong kumilala ng matatapang na kapwa niya.”
  13. “Ang pisikal na lakas walang-wala sa moral na lakas na siyang tunay na katapangan.”

Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Katapangan

Ang katapangan ay nakikita rin na kahit maganda o mali man ang ating naging desisyon ay marunong tayong manindigan kahit ano man ang maging resulta nito. Hindi ito isang kaduwagan bagkos pinapakita lamang na marunong kang tumayo sa iyong mga paa.

Sa huli, ang pinakamagandang kaugalian na dapat nating ipakita ay ang pagpapakumbaba. Para sa akin, ‘yan ang tunay na katapangan, hindi natin kailangang makipagsabayan sa mga hambog na mga tao , dapat maging totoong tao tayo na may malasakit sa kapwa.

Kung may gusto kayong idagdag o tanong tungkol sa ating topiko ay magkomento lamang sa ibaba. Ikalulugod naming basahin ang mga ito. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa ating websyt. Sana ay nabuksan namin ang inyong mga puso sa paksang ito.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment