KASABIHAN TUNGKOL SA KASAYSAYAN – Sa artikulong ito, ating tunghayan ang mga ha;imbawa ng kasabihan tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Sadyang napakaganda at makulay ang kasaysayan ng ating bansa at ipinagmamalaki nating mga Pilipino.
Ang ating kasaysayan ang naging rason kung ano na tayo ngayon. Naging makabuluhan ang ating kasaysayan sa tulong ng mga bayaning pinaglaban ang ating bansa at pinagyabong ang ating kultura at mga tradisyon.

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas
- “Kailan ma’y di malilimutan ng bayan ang mga naggugol ng pagod sa kaniya at tuloy kakamtan nila ang ligayang higit pa sa pinuhunang pagod.” – Emilio Jacinto
- “Nakakahanap tayo ng mga halimbawa sa kasaysayan.” – Felipe Agoncillo
- “Ang nasyonalismo ay pinangangalagaan ng isang pag-unawa ng kasaysayan. Ang kakanyahan nito ay ang malalim na pagkilala sa nakaraan, upang tayo ay maging ganap na bukas sa mga taong gumawa ng kasaysayang iyon at sa malalim na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga iniisip, kanilang mga gawa, at kanilang marangal na buhay.” – Claro M. Recto Jr.
- “Dapat nating ikatuwa ang pagtulong sa abot ng ating makakaya, para sa pagbabago ng ating bayan. Kailangan magsakripisyo tayong lahat, mababa man o nakatataas… Kailangan ngayon ng Bayan ang kanyang mga anak, kilala man o hindi.” – Mariano Ponce
- “Pagsikapang magkaroon ng ano mang karunungan na tumutugon sa kaniyang hilig upang pakinabangan ng bayan.” – Gregoria de Jesus
- “Wka ng kasaysayan, kasaysayan ng wika.” – Robert Ama
- “Mag-aral kayo, pakinggan ninyo ang mga paaralan ng bayan hanggang sa kung saan ang magbibigay ng mga ito. Laging maging Pilipino, isang edukadong Pilipino.” – Padre Jose Burgos
- “Bihirang balita’y magtapat kung magkatotoo ma’y marami ang daigdig.” – Francisco Baltazar
- “Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, siya’y ina’t tangi na kinalimutan ng kawili-wiling liwanag ng araw nagbibigay- init sa buong katawan.” – Andres Bonifacio
- “Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’y di na mula pang pagdaanan.” – Emilio Jacinto
- “Itanim sa iyong puso na ang tunay na kahalagahan ng puri’t kaginhawahan ay ang ikaw’y mamatay dahil sa ikaliligtas ng Inang Bayan.” – Andres Bonifacio
- “Ang panitikan at kasaysayan ay malapit na magkakaugnay sa pagtuklas ng mga kaugalian at tradisyon ng mga tao.”
- “Hindi natin mapapalaya ang ating mga sarili maliban kung lumaban tayo na nagkakaisa sa iisang hangarin.” – Emilio Aguinaldo
Konklusyon sa Kasabihan Tungkol Sa Kasaysayan
Makikita natin sa mga kasabihan na nag-aalab ang puso ng ating mga ninunong bayani upang ipaglaban ang ating pagka-Pilipino. Tunay na pinahalagahan at minahal nila ang ating bansang Pilipinas at ipinagtanggol mula sa mga mananakop.
Nagbilin ng malaking bakas ang kanilang kabayanihan sa ating mga puso na hanggang ngayon ay tinatamasa natin ang kalayaan kanilang ibinigay. Tunay na malaki ang utang na loob natin sa kanila at ang tanging magagawa natin ay pahalagahan din at mahalin ang ating bansang Pilipinas.
Kung may gusto naman kayong idagdag o tanong tungkol sa ating paksa ay magkomento lamang sa ibaba. Bumisita na din kayo sa ating websyt para sa marami pang mga aralin na makatutulong sa inyo.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- 80+ Mga Kasabihan At Kahulugan
- 70+ Nakakatawang Kasabihan Ng Mga Pinoy
- Kasabihan Tungkol Sa Pamilihan (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Ama (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Kapayapaan (10+ Mga Kasabihan)
We are Proud Pinoy.