KASABIHAN TUNGKOL SA KARAPATANG PANTAO – Atin namang pag-aralan ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa karapatang pantao. Ito ay ang mga pangunahing kalayaan na taglay ng mga tao na walangdiskriminasyon sa kasarian, pinagmulan, at nasyonalidad.
Pinapahalagahan ng karapatang pantao ang paniniwala at prisipyo ng bawat isa. Kaakibat din nito ang pantay na karapatan sa komunidad kahit mahirap ka man o mayaman. Ang lahat ay may karapatan kahit inosenteng bata man.

10+ Halimbawa ng Kasabihan Tungkol sa Karapatang Pantao
- “Hinding-hindi dapat isantabi ang mamamayan at lahat ng paglabag sa batas at karapatang pantao.”
- “Ang karapatang pantao ay pantay para sa lahat.”
- “Ang mga karapatang pantao ay dapat itaguyod sa lahat ng sitwasyon at sa kahit ano man ang mangyari.”
- “Ang mga karapatang pantao ay nangangahulugan na ang bawat indibidwal ay dapat tratuhin nang may paggalang, dignidad at pagkakapantay-pantay.”
- “Bigyan ang bawat tao ng karapatan na inaangkin mo para sa iyong sarili.”
- “Ang kawalan ng katarungan kahit saan ay banta sa hustisya sa kahit saan man.”
- “Walang dahilan ang pang-aabuso sa karapatang pantao, sa ngalan man ng seguridad o sa ngalan ng pagpapalaya.”
- “Ang mga paglabag sa karapatang pantao ngayon ang dahilan ng mga sigalot bukas.”
- “Walang nagtatagumpay nang nag-iisa, palaging kailangan ng mga kasama.”
- “Walang dahilan ang makapagbibigay-katwiran sa pang-aabuso sa karapatang pantao.”
- “Lahat tayo ay nilikha ng Diyos ng pantay-pantay, iwasan ang paglabag sa karapatang pantao.”
- “Ang karapatang bumoto ay isang karapatang pantao.”
- “Ang karapatan ng kababaihan ay kaakibat ng paggalang sa karapatang pantao.”
Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Karapatang Pantao
Bilang nilikha ng Diyos at kapantay ng sinuman ay dapat na igalang natin ang karapatan at paniniwala ng bawat isa. Pantay tayo sa mata ng batas at ang lahat ng paglabag dito ay dapat na panagutin. Mayaman ka man o mahirap tayo ay patas lamang.
Pahalagahan natin ang karapatan at prinsipyo ng bawat isa kahit na sa mga masasabi nating mga walang kalaban-laban pa. Respetuhin ang lahat ng nabubuhay sa mundo, maging hayop man yan o tao. Isulong din ang karapatan ng mga inosenteng kabataan at turuan sila ng kanilang mga karapatan.
Sana ay isabuhay natin ang mga kasabihan na narito. Kung may gusto kayong idagdag o tanong tungkol sa ating paksa ay magkomento lamang sa ibaba. Bumisita na din kayo sa ating websyt dahil marami pa kaming mga nakahandang babasahin na tiyak na magugustuhan ninyo.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- 80+ Mga Kasabihan At Kahulugan
- 70+ Nakakatawang Kasabihan Ng Mga Pinoy
- Kasabihan Tungkol Sa Paggalang (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Pera (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Tagumpay (10+ Mga Kasabihan)
We are Proud Pinoy.