Kasabihan Tungkol Sa Kapayapaan (10+ Mga Kasabihan)

KASABIHAN TUNGKOL SA KAPAYAPAAN – Sa paksang ito, ating pag-aralan ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa kapayapaan. Kay gandang damhin kung payapa ang ating lipuna, malayo sa gulo o anumang sakuna.

Ang kapayapaan ay regalo ng Diyos sa atin. Pinapangalagaan Niya tayo at ginagabayan upang maging maayos at payapa ang ating buhay. Dapat nating pahalagahan ito at sumunod sa mga batas at maging instrumento ng Diyos para sa lahat.

Kasabihan Tungkol Sa Kapayapaan
Kasabihan Tungkol Sa Kapayapaan

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Kapayapaan

  1. “Makakamit natin ang kapayapaan at pagkakaisa sa pamamagitan ng hindi paghamak sa ibang tao.
  2. “Kumilos tayo para sa kapayapaan at kasaganaan.”
  3. “Panatilihin natin ang kaayusan at kapayapaan para sa mga kabataan.”
  4. “Kung may kapayapaan, may pagmamahalan.”
  5. “Kapag ang kapangyarihan ng pagmamahal ay nadaig ang pagmamahal sa kapangyarihan, ang ating mundo ay mapupuno ng kapayapaan.”
  6. “Ipagbunyi ang kapayapaan at palaging isabuhay ang katotohanan.”
  7. “Puso ay para sa kapayapaan. tayo ay magkaisa para sa bayan.”
  8. “Pagpapala ng Diyos ating pahalagahan upang kapayapaan ay makamtan.”
  9. “Huwag mong hayaang sirain ng iba ang iyong pansariling kapayapaan.”
  10. “Ang kapayapaan ay ang mabuting biyaya natin sa bawat isa.”
  11. “Sana ang bawat isa sa atin ay makahanap ng kapayapaan sa bawat puso at paglunas sa naninibughong diwa.”
  12. “Ang kapayapaan at hustisya ay parehong-pareho lamang.”
  13. “Ang kapayapaan ay hindi nalulutasan ng dahas, makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng pag-uunawaan.”

Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Kapayapaan

Ang pinaka-susi upang mapanatili natin ang kapayapaan sa mundo ay mag-unawaan. Unawain ang bawat paniniwala at tradisyon ng bawat bansa sa kabila ng ating pagkakaiba. Respetuhin ang opinyon ng iba kahit pa hindi ka sumasang-ayon dito.

Makiisa tayo sa mga nagpapanatili ng kapayapaan at huwag maging balakid upang nang gayon ang mga kabataan ay sumunod din sa atin. Maging ehemplo tayo sa iba sa pagpapanatiling kapayapaan at kaayusan at pag-ibig lamang ang ipairal natin.

Simulan ang pagpapakita ng kapayapaan sa iyong sarili. Tanggapin mo kung sino ka at ang lahat ng magagandang bagay ang susunod na. Gusto nagustuhan mo ang paksang ito at mayroon ka pang gustong idagdag ay magkomento lamang sa ibaba.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment