KASABIHAN TUNGKOL SA KABUTIHAN – Sa puntong ito, ating tunghayan ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa kabutihan. Kung sa lipunan ang lahat ay nagtutulungan at hindi nag-aaway, maganda sigurong pagmasdan na puro kabutihan ang umiiral.
Masyadong magulo ang ating lipunan, problema sa kalikasan, problema sa gobyerno, at kung anu-ano pang problema ang nasa paligid natin. Tayong lahat ang nagdudulot nito dahil sa kawalan natin ng disiplina. Hindi tayo nagkakaisa.

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Kabutihan
- “Gumawa tayo ng mabuti at tumulong sa kapwa dahil ‘yan ay ikinalulugod ng Diyos.”
- “Sumunod sa batas, gawin ng tama ang mga karapatan, at maging huwarang mamamayan dahil ito ang susi sa pambansang kaayusan.”
- “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”
- “Galangin ang iyong kapwa tulad ng paggalang mo sa iyong sarili.”
- “Laging gumawa ng kabutihan sa kapwa dahil ito ay isang pagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang binigay ng Diyos.”
- “Kabutihan ang ating ipakita sa bawat indibidwal na kasapi ng komunidad na ating kinabibilangan.”
- “Lahat tayo ang dapat mag-ambag sa pagkamit ng kabutihang panlahat.”
- “Maisasakatuparan ang kabutihanng panlahat kung ang bawat isa ay tumutulong at ibinabahagi ang sariling kakayahan sa pagkamit nito.”
- “Kung tayo ay namumuhay ng maayos, mapayapa, at may magandang pag-uugnayan, matitiyak ang ating kaligtasan.”
- “Hindi kayo nag-iisa, narito kami upang tulungan ka.”
- “Ang kabutihan ay nagsisimula sa paglinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong misyon na dapat gampanan.”
- “Ang pagiging mabuti sa kapwa ay nagdudulot ng magandang ugnayan at matiwasay na pakikisama sa lahat.”
- “Huwag mong pagsisihan ang pagiging mabuting tao sa mga mga nang-aaway sayo.”
Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Kabutihan
Ang paggawa pagkabutihan sa lahat ng oras kahit sa mga hindi karapat-dapat na tao pa yan ay isang huwarang katangian. Minsan may mga tao pang nang-aapak ng ating pagkatao o nagmamaliit sa atin ngunit kung tayo ay nagpapakumbaba lagi ay ikakatuwa pa ito ng Diyos.
Kung ang lahat ay nagkakaisa, nagtutulungan, at nagkakaintindihan siguradong ang ating lipunan ay uunlad. Mas magiging matiwasay ang pamumuhay ng bawat mamamayan sa isang ligtas na lipunan kung saan ang lahat ay nagdadamayan.
Salamat sa inyong pagbabasa sa paksang ito. Kung may tanong o suhestyon kayo tungkol sa ating paksa ay magkomento lamang sa ibaba. Bumisita palagi sa ating websyt para sa marami pang mga aralin para lamang sa inyo.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- 80+ Mga Kasabihan At Kahulugan
- 70+ Nakakatawang Kasabihan Ng Mga Pinoy
- Kasabihan Tungkol Sa Respeto (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Gulay (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Ina o Nanay (10+ Mga Kasabihan)
We are Proud Pinoy.