Kasabihan Tungkol Sa Ina o Nanay (10+ Mga Kasabihan)

KASABIHAN TUNGKOL SA INA – Atin namang tunghayan ang mga natatanging halimbawa ng kasabihan tungkol sa isang ina o nanay. Hindi matatawaran ang sakripisyo ng isang una pagdating sa pagbuo at pag-aaruga sa kanyang pamilya.

Sakripisyo, yan ang salitang naiisip ko sa tuwing naiisip ko ang mga nanay pagdating sa kanilang pamilya. Lahat ginagawa nila para lamang matutustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. May trabaho man sila o wala sobrang galing nila sa loob man ng bahay o trabaho sa paghawak ng kanilang oras para lahat sa pamilya nila.

Kasabihan Tungkol Sa Ina
Kasabihan Tungkol Sa Ina

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Ina o Nanay

  1. “Bilang isang ina, kahit gaano kahirap kakayanin ang lahat para sa anak.”
  2. “Wala kang karapatang magalit sa nanay mo. dahil umpisa palang siya na ang nagmahal sa iyo.”
  3. “Hindi matutumbasan ng kahit ano mang bagay ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina.”
  4. “Ang tanging hiling ng isang ina sa kanyang mga anak ay maging mabuti at matakot sa Diyos.”
  5. “Ang hele ng isang ina sa kanyang anak ay tanda ng pagmamahal na walang kapalit.”
  6. “Ang mayakap at mahalikan ng mga anak ay ang tanging gusto ng ating mga ina.”
  7. “Lumabo man ang iyong mata aking ina, ang aming pagmamahal sana ay iyo paring nakikita.”
  8. “Walang ina ang naghahangad na mapasama ang kanyang mga anak.”
  9. “Igalang mo ang iyong ina dahil tiyak na liligaya ka.”
  10. “Mapalad ang ina na may mabuting anak, ngunit mas mapalad ang anak na may isang ulirang ina.”
  11. “Ang kasintahan ay madaling hanapin, madaling palitan, ngunit ang ina nag-iisa lang yan. Kaya habang nariyan pa siya, ipakita na mahalaga at mahal mo siya.”
  12. “Mahal ko ang aking nanay kahit palagi kaming nag-aaway at hindi kami nagkaka-intindihan kasi sa huli, alam ko andiyan pa rin siya para sa akin.”
  13. “Pahalagahan mo ang iyong ina dahil hindi ka na makakahanap ng katulad niya.”

Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Ina

Ang mga ina ang ilaw ng tahanan. Sila ang nag-aayos at nagluluto sa loob ng bahay. Nagtuturo din sila ng mga takdang aralin natin, nagagalit sa tuwing may ginagawa tayong hindi maganda, at nagpapayo para mapabuti ang ating buhay.

Nagparaya sila sa kanilang sariling kaligayahan para lang tayo ay maalagaan. Kung minsan nga ay nalulusyang na sila sa kaaalaga sa atin. Kaya, dapat lamang na pasayahin din natiln slia sa kahit na maliit na paraan at ipadama palagi ang ating pagmamahal sa kanila.

Sana ay na-inspire kayo upang mahalin pa ang ating mga ina sa pamamagitan nitong mga kasabihan. Kung may tanong o suhestyon ay magkomento lamang sa ibaba. Maraming salamat sa inyong masugid na pagtangkilik sa ating websyt.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment