KASABIHAN TUNGKOL SA BASKETBALL – Ngayon, ating kamanghaan ang mga magagandang halimbawa ng kasabihan tungkol sa basketball. Ang basketball na ngayon ang isa sa mga pinakapaboritong laro ng mga Pilipino.
Kinagigiliwan ng lahat ang larong ito dahil nakawiwili nga naman ang mga takbuhan at agawan ng bola para lmang maipasok sa ring. Ang mga tagahanga ng mga manlalaro ay hindi magkamayaw sa pag-cheer sa kanilang mga idolong manlalaro kahit minsan ay nawawalan na sila ng boses kasisigaw.

10+ Halimbawa ng mga Kasabihan Tungkol sa Basketball
- “Ang coach ang nagtutulak sa magsanay at gumaling pa, pero dapat na itulak mo din ang iyongsarili na mas gumaling pa kung gusto mong maging pinakamahusay.”
- “Hindi lahat ng payat ay lampa, ang iba sa court may ibubuga.”
- “Hindi ko kailangan ng babae, basketball lang ang nagpapasaya sa akin.”
- “Ang buhay ay parang basketball, iba-iba man ang papel ng bawat player, pero iisa pa din ang layunin nila.”
- “Ang tunay na kampyon ay kinikilalang sa Diyos nanggaling ang kanyang talento.”
- “Sa basketball walang malakas at mahina dahil bilog ang bola.”
- “Sa laro, palaging may nananalo at natatalo ngunit bawal ang sumuko.”
- “Hindi lang basta talento ang makapapanalo sa laro, kundi talino at pagtutulungan ng bawat isa.”
- “Ang tunay na player, bola ang pinaglalaruan, hindi ang feelings ng babae.”
- “Ang tunay na kampyon ay hindi lang magaling maglaro, dapat mayroon din siyang magandang kaugalian at mapagkumpetensiya.”
- “Ang basketball ay hindi lang basta, ito ay buhay ng iilan.”
- “Ang pagtutulungan ng bawat isa ang pinakamagandang dulot ng basketball.”
- “Ang basketball ay isang paraan upang ikaw ay maging inspirasyon ng ibang tao.”
Konklusyon sa Kasabihan Tungkol sa Basketball
Bilang isang magaling na manlalaro ngbasketball, kailangan mo ng ibayong pagsasanay at disiplina sa sarili. Dapat marunong karing makisama sa iyong mga ka-teammates upang magampanan ninyo ang papel ng bawat isa para maipanalo ang laban.
Ang tunay na kampyon ay hindi nagbubuhat ng sariling bangko. Alam niya sa sarili niya na nanalo sila dahil nagtulungan sila at ang bawat isa ay nag-ambag ng lakas at talento upang makamit ang kampyunato. Marunong din siyang makipagkaibigan
Kung mayroon kayong tanong o suhestyon tungkol sa ating paksa ay magkomento lamang sa ibaba. Mas magandang bumisita na din kayo sa ating websyt para sa marami pang mga aralin na makatatutulong sa inyo. Salamat sa inyong pagbabasa.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- 80+ Mga Kasabihan At Kahulugan
- 70+ Nakakatawang Kasabihan Ng Mga Pinoy
- Kasabihan Tungkol Sa Aso (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Desisyon (10+ Mga Kasabihan)
- Kasabihan Tungkol Sa Katapangan (10+ Mga Kasabihan)
We are Proud Pinoy.